Chapter 18: Dreams

3305 Words
Isang araw sa loob ng isang bagong pick up di mapakali si Enan. “Alam mo smooth na smooth ito at ramdam kong malakas pero parang nasasayangan ako pag pick up kotse mo” sabi ni Greg. “E bakit kasi ito binili ng uncle mo? At bakit mo hiniram? Kasi gusto mo ipasikat ano?” sabi ni Enan. “Di naman, gusto ko lang subukan imaneho” sagot ni Greg. “Style mo, gusto mo makita ka ng iba na nagmamaneho ng bago. Ang init init naka baba bintana mo para makita ka, tignan mo pinagpapawisan tayo pareho” reklamo ni Enan. “Oo na oo na isasara na, o ayan aircon na senyorito” sabi ni Greg. “Good, pero pare kinakabahan ako dito kay madam Celeste” sabi ni Enan. “Baka naman iba ang intensyon niya sa iyo pare. Matanda na siya, biyuda sabi mo tapos ikaw Intergalactic Bae, baka gusto ka niya gawing Intergalactic Baby niya hehe” banat ni Greg. “Tumigil ka nga, alam ko makamandag ang kagwapuhan ko pero sana naman ka age ko o kaya close to my age” sabi ni Enan. “Ayaw mo ng sugar mommy? Di ka na maghihirap forever” hirit ni Greg. “Wag kang ganyan Greg, binabastos mo na siya” sabi ni Enan. “Oh sorry, nagpapatawa lang ako. O ayan na yung building o, pero tignan mo katabi niya motel” banat ni Greg kaya napailing si Enan. Nakaparada si Greg sa tabi ng building, pagpatay niya ng makina agad niya nilabas phone niya at nagtext. “Samahan mo naman ako pre, ililibre naman kita pagkatapos e” sabi ni Enan. “Oh I am sorry my friend, as you can see I already started communicating with Lea” banat ni Greg. “E di pa naman nagrereply ah” sabi ni Enan. “Kaibigan nandito lang ako para sa iyo. Nakita mo naman isang tawag mo lang sinundo kita agad. Di mo man ako kasama sa loob lagi mo tandaan nandito ako pre, dito” banat ni Greg sabay kinabog dibdib niya. “To naman o, sige antayin mo ako dito ha” sabi ni Enan. “Sure sure, oh look she replied” landi ni Greg. Pumasok si Enan sa loob ng building, sa front desk nagtanong siya kung saan yung opisina ni madam Celesete. Nagtungo siya sa fourth floor, paglabas palang niya ng elevator may nakasalubong na siyang lalake na umiiyak. Kinabahan ang binata, isa pang lalake na umiiyak ang nadaanan niya kaya nagdalawang isip na siya. Sumilip siya sa loob ng isang malaking opisina, nakita niya agad yung matanda na may pinapagalitan na magandang babae. “Nagsisimula ka palang! Ano sa tingin mo madadala ng ganda mo itong lahat? Hindi?! E ano kung maganda ka kung wala ka namang talent?” “Sa tingin mo papaboran kita porke maganda ka? Two weeks hindi ka nag improve so I am sorry this is goodbye. Wala ka pang pangalan at napapatunayan ang laki na agad ng ulo mo. Hala sige pumila ka doon sa auditions ng kung ano ano kung saan itsura ang importante at hindi talent” sigaw ni Celeste kaya umatras si Enan at napalunok sa takot. Aalis na sana si Enan ngunit sumilip ulit siya sa opisina. “Oh its you, come inside Earl” sabi ni Celeste. Lumingon si Enan, “Ikaw, sino pa bang Earl dito?” tanong ng matanda. “Enan po pangalan ko” sabi ng binata. “Ay sorry, come inside and wait for me here” sabi ng matanda. Naupo si Enan, pumasok yung matanda sa loob ng isang kwarto sabay nagsisigaw. “Hindi naman magagalit yan kung walang rason” sabi nung isang lalake sa may desk kaya lumipat si Enan ng upuan. “Ah balik nalang kaya ako next time” sabi niya. “I don’t think there will be a next time pag inisnob mo siya ngayon” sabi nung lalake. “Ah..parang nasa maling lugar ata ako” sabi ni Enan. “You found this place that means binigyan ka niya ng card” sabi nung lalake. “Ah eto? Napulot ko lang” banat ni Enan kaya natawa yung lalake. “She knows you” sabi nung lalake. “Mali nga pangalan e” hirit ng binata. “Yes but by face she does, you have to forgive her because she sees so many talents daily” sabi nung lalake. Napangiti si Enan, nakaramdam ng konting saya nang marinig yung salitang talents. Lumabas ng kwarto si Celeste, nasilip ni Enan yung mga tao sa loob na tila namatayan at wala nang gana mabuhay. “Eman follow me” sabi ng matanda kaya napakamot si Enan at napatayo nalang. Pumasok sa loob ng isang kwarto si Celeste, si Enan naiwan sa pintuan kaya pagupo ng matanda sa manager’s chair tinuro niya yung bakanteng upuan sa tapat ng kanyang office table. “Close the door and sit down” sabi ng matanda. Naging abala si Celeste sa pagbabasa ng mga papeles, “Good morning po” bulong ni Enan kaya tinignan siya ng matanda at napangiti. “Good morning, anyway why are you here?” tanong niya kaya nagulat yung binata. “Madam nung tinawagan kita kahapon sabi mo pumunta ako dito” sagot ni Enan. “I don’t think so, so tell me why you are here” sabi ni Celeste. “Is this a trick question?” tanong ni Enan kaya natawa yung matanda. “Come on Eman, tell me why you are here” sabi ng matanda. “Enan po, letter N po. Kung gusto niyo Fernando nalang” sabi ng binata. “Oh sorry again, okay Enan tell me why you are here” tanong ng matanda. “Because you told me to come” sabi ng binata. Huminga ng malalim si Celeste kaya kinabahan na si Enan. “Iho, did you do a research on me?” tanong ng matanda. “Yes po” bulong ng binata. “I see, so you still came here after learning about me. So let me ask you again, why are you here?” sabi ni Celeste. “Masunurin lang po talaga ako” sagot ng binata kaya napahalakhak yung matanda. “You know why you are here, you know why you came here. So tell me” sabi ni Celeste. Kinamot ni Enan ulo niya kaya nagsimangot na yung matanda. “Wag po kayo sana magalit agad, hindi ko po talaga maintindihan tanong niyo” sabi ni Enan. “Hay iho, you know who I am from your research. Why are you so embarrassed to admit you were chasing your dream? Hindi maganda yan iho. Bakit hindi mo masabi sa akin nang diretso? Ganito yan kasi iho, may nag alok sa iyo na pumunta ka dito sa lugar na ito” “Natural aalamin mo sino yon at ano ang maari niyang maitulong o maibigay sa iyo. Pag hindi mo naman talaga gusto o kailangan hindi ka magpapakita diba? Pero nandito ka, ibig sabihin non iho gusto mo. Well at least nakilala kita agad, alam ko na agad ano ang aayusin sa iyo” “Iho hindi masama umamin ng pangarap. Bakit sa tingin mo pag inamin mo pagtatawanan kita? I asked for you to come, that means a lot already. You came so ginusto mo din talaga. Iho kung may pangarap ka wag mo ikahiya aminin ito. No one has the right to judge you, if you want it then go get it. If you fail then keep trying” sabi ng matanda. “Okay po” sagot ni Enan. “So Enan please tell me what do you expect?” tanong ni Celeste. “I have no idea, pero madam sigurado po ba kayo sa akin?” tanong ng binata. “Tell me” sabi ng matanda. “Ah siguro po komidyante, yung extra at yung binabatukan o utusan” sabi ni Enan. “So ganyan kababa tingin mo sa sarili mo?” tanong ng matanda. “Ah eh yun naman usually nakikita ko sa mga katulad ko” sabi ni Enan. “Diyos mio iho, wag mo ibase sa mga napapanood mo sa telebisyon. Mga katulad mo? You have low self esteem pero sige pagbibigyan kita. Iho makaluma na sobra mga yan, its actually tasteless pero gusto parin ng mga Pilipino yung ganon e” “Slapstick comedy, mga binabatukan at kung ano ano at ginagawa lang yan sa mga kinapos sa itsura. So you really think that acting is for those who have the looks?” tanong ng matanda. “Hindi naman po pero binabagay ko lang talaga sa mga napapanood ko” sabi ng binata. “Then you are not watching enough. Meron isang komidyanteng pangit, one time nag drama siya and he was so good. He won an award, he got praises but you still wonder bakit hindi na nasundan yung pagiging dramatic actor niya. Kasi nowadays ang importante yung kita at ratings” “Hindi na masyado nabibigyan importansya yung tunay na talent. Hala sige pagsamahin si ganda at gwapo, kahit basura yung kwento basta kumita. Hala sige ibuild up sila, ipasok ang tatlo o apat na hugot lines, pakilig tapos kahit basura na kwento” “Hala sige kunin yung sikat na artista, basura na kwento pero sige para lang kumita. Uy si pangit magaling umakting, o ano di naman kikita yung movie kaya ibigay kay gwapo yung role” litanya ng matanda. “Look at Hollywood, ang daming pangit doon, please forgive me for using that term pero you started it so ituloy natin. Pangit na actor aba may Oscar award. Pangit na actor aba kumita yung movie kasi sobrang galing ng acting nila. E dito, you will never find a movie like that right?” “Then you ask me bakit po madaming movies na ginagawa ang Hollywood na hindi naman kumikita? E kasi iho madami ang nangangarap, writers, producers, etcetera, they chase their own dreams. They make movies that they feel is good. Pangarap nila yon e, so what kung hindi kumita in the end, yes its frustrating but at least they chased their dream” “Naghalo halo na ang topics pero itutuloy ko. Uy may movie si Nicolas Cage, panoorin natin. Ay bakit ganon? Bakit parang low class film at yung kwento e. Uy multi star studded film, panoorin natin, paglabas tulala ka, basura yung kwento pero steady ka lang kasi ang dami naman sikat na artista” “Uy ano tong movie na ito, ay wag na yan di kilala yung bida. Then later on mabalitaan mo nalang sobrang ganda ng movie. So what did you learn just now?” tanong ni Celeste. “Na madaldal ho kayo” banat ni Enan kaya napahalakhak yung matanda. “Its all about dreams iho. Can you blame the producer if he wants to earn to buy something. Can you blame him for riding a lousy story but compensates it with superstars just for the movie to earn? Dito sa ating bansa ang daming ganon, easy dreams” “So for someone like you I know what you are looking for. I have faced so many people like you in the past, so Enan tell me why are you here?” tanong ng matanda. “To prove to others there is more to me than what they can see” sagot ng binata. “Good, so eto take this envelope. Sa loob niyan may kwento. Basahin mo maigi, aralin mo yung kwento at mensahe niya. If you like it then come back to me” sabi ng matanda. “Ah ganon po ba? Bakit hindi niyo nalang iassign sa akin, kahit ano po” sabi ni Enan. “Oh iho you are missing the point. Why would I give you a role if you don’t believe in the whole story? Walang saysay yon, magmumukha kang mukhang pera pag ganon. Oh by the way if you are expecting to earn big then isoli mo na yan sa akin. Let me be frank withyou, wala ako big studio outfit, itong gagawin naming movie e kauna unahang movie and its an Indie film. Independent film kasi for sure walang gustong mag invest sa ganito” “Maganda yung kwento, gusto ko ibahagi mga nalalaman ko sa mga makukuha kong mga artista. Gusto ko magfocus yung movie sa kwento at husay ng mga artista. Iho I turned down working for those big companies, sayang ang pera pero ano naman saysay ng ginagawa ko diba?” “Ibabahagi ko husay ko para ihulma yung isang talent tapos di naman nila gagamitin sa tama. Ganda, gwapo, magsama, sige pulot ng kahit anong kwento tapos kumita. Sayang lang pagod ko, sayang lang yung kakayahan ng mga talents. Pero hindi ko naman nilalahat iho, meron parin naman gumagawa ng de kalidad na mga movies kaya lang…” “Masyadong madaming restricitions, so I want to do this my way” sabi ni Celeste. “Pero madam, mas madali sana kung malaman ko na ano role ko” sabi ni Enan. “Oh its not that easy iho, I gave out copies to prospective actors and actresses, kapag may bumalik at sumangayon sa kwento may auditions pa or exams to really see if they understood the story by heart” “Team effort ito, like I said this is an Indie film, mababa ang budget so we cannot waste money. Pag may malito sa shooting then sira na ang budget, so gusto ko gamay na ng mga talents yung kwento, gusto ko tulong tulong to make it better at hindi lang aasa sa utos ng director” sabi ng matanda. “Listen to me iho, sa iba siguro ibibigay lang yung roles ng talent, sila naman memorize and internalize. E ano naman silbi ng pag internalize mo kung hindi mo makita yung bigger picture. Don’t tell me todo buhos ka sa isang eksena not knowing yung epekto ng eksena na yon sa whole movie” “Ay masisira ang kwento pag ganon. Can you imagine pag nainternalize nga ng isang talent yung isang eksena tapos yung isang mas imporanteng eksena hindi? Naku po sayang ang oras. So that is why I ask all the prospective talents to read and understand the whole story. If you have questions the number of the writer is written on the back and call him to get clarifications” sabi ng matanda. “So madam you mean to say parang tanggap na ako talaga?” tanong ni Enan. “Of course not, I said there will be tests. If you pass those tests them you will still have to face me. Hahasain ko kayo ng husto, sobrang talim na kahit dumaan lang kayo hiwa ang kahit anong bagay” banat ng matanda. “Madam, yung nangyari sa mga iba kanina…” bulong ni Enan. “Basura! Tanggal silang lahat, oo perfectionist ako so if you don’t want to experience the same give me your best. Pero still you will experience something like that along the way because no one is perfect” banta ng matanda. “Madam, why me?” tanong ni Enan kaya tinitigan siya ni Celeste ng matagal. “Iho matagal na ako sa trabahong ito, I am good with what I do. I can spot a talent right away and you are one of them. When you stood up to that old man I loved the way you answered him” “Total control, the anger was there but it was held back. Your voice very stern, your posture was so good that I wanted to clap. Iho acting is not taught, inborn yan, ang pundasyon ng pag aarte ay nasa talent mismo” “Iho other people could have handled that situation differently, kasi ganon sila. Yung nakita kong ginawa mo nagustuhan ko yung ugali mo at asta mo. Kaya natuwa ako kasi pag may confrontation scenes I know magagawa mo kasi nakita ko na mismo sa real life yung ginawa mo” “Huhugutin mo nalang yung experience na yon tapos iaacting mo. You really cannot teach good acting, kailangan talaga may experience yung talent. Kung sinabi sa role kiligin ka tapos never mo pa naexperience kiligin e di ano nalang itsura mo? Kiti kiti na over acting na bulate? Basura! Kung kailangan sa role magalit ka tapos mag dradragon dragon ka para lang sa maliit na bagay?” “Ituloy mo na hanggang maatake ka para tanggal na karakter mo sa eksena” banat ng matanda kaya natawa ng husto si Enan. “Eksena kailangan umiyak tapos huhugutin mo experience mo nung namatay yung kamag anak mo, aba e sa eksena nakatapak ka lang ng bubog ah” hirit ni Celeste kaya todo tawa si Enan. “Ang nagustuhan ko talaga sa iyo nung sinumbatan mo siya yung pag pigil mo ng luha mo” sabi ni Celeste. “Ako po?” tanong ni Enan. “Oh do not lie to me, I saw what I saw. Nakita ko may kumislap pero nawala din lang kaya I was so excited at that moment, madami kang kayang gawin iho trust me” “Hala sige at iuwi mo yan, aralin mo yan then if you like it come back. Take your time, sa summer pa naman simula ng shooting” sabi ni Celeste. “Okay po” sagot ni Enan sabay tumayo na. “Wait a minute, yung isang babae sa school niyo, I have been wanting to give her a try pero nakukulangan ako sa kanya kasi” sabi ni Celeste. “Sino po?” tanong ni Enan. “Yung maganda, I have been in your school many times to watch their plays pero may kulang siya e” sabi ng matanda. “Si Mary Grace po?” tanong ni Enan. “Oo yung singit tapos bungisngis, ah nevermind” sabi ng matanda. “Mahusay po yon” sabi ni Enan kaya tinitigan siya ng matanda. “Mahusay dahil crush mo o marunong ka din katulad ko na kumilatis ng talent?” tanong ni Celeste. “Ah..based on my limited capacity and knowledge of stage plays lang po yon. Sariling opinion po” kabig ni Enan. “Iho, walang lugar ang emosyon sa pagkilatis. Pag kargado ng emosyon o nararamdaman ang desisyon bias na agad yon. Go, come back if you like the story. Sana magustuhan mo” sabi ng matanda kaya natawa si Enan. “Bias narin po yan” banat ni Enan kaya napahalakhak si Celeste. “Oo nga, Enan stop watching movies for a while. Usually mga talents na excited hala sige manood ng manood para may basis. Wag kang manonood!” “I want you as you if ever makuha ka. Ayaw ko ng may ginagaya ka. Kinuha kita as prospective because of you so do not watch any movie soon. Huh, talents watch movies to prepare for me, but let me tell you that you can never prepare for me” “Thank you for coming and I do really hope to see you again” sabi ng matanda. Sabay sila lumabas ng kwarto, si Enan dumaan don sa kwarto kung may mga umiiyak pa. “Are you scared now?” tanong ni Celesete kaya lumingon yung binata sabay ngumisi. “Oh please” bigkas ng binata sabay basta nalang umalis. “Ma, did you see that?” sabi nung lalake sa may reception area. “Kaya nga e, in just two words he already said a lot. Did you see his facial expression, two words lang ang dami na niyang sinabi. This boy is something, he is going to be something big” sabi ng matanda sa tuwa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD