“Pare how do I look? Do I look presentable?” tanong ni Greg. “Ano ba talaga? Akala ko ba si Lea?” tanong ni Enan. “Ito naman o, syempre gusto ko din maidagdag si Mary Grace sa list of friends ko. Dapat naman maganda first impression niya sa akin, nakakatakot na nga ako tapos di pa maayos porma ko” sabi ni Greg.
“Pare you look fine, ang porma mo masyado lately. Yes you are presentable, grabe pare kung may anak na babae si Godzilla proud na proud siya ipapakilala ka sa kanyang ama” banat ni Enan kaya tumigil sa paglakad si Greg at pinatigas ang kanyang mga kamao.
“Pare ang porma mo, maniwala ka sa akin” sabi ni Enan kaya napangiti si Greg. Pagdating nila sa performing arts guild office tanging si Mary Grace ang nandon sa loob kaya kumatok muna si Enan kahit bukas na pintuan.
“Uy MU” bati ng dalaga. “Mags, hello, ay wait I brought a friend pala. Mags this is Gregory. Greg eto si Mags” pakilala ni Enan kaya lumapit yung dalaga at nakipagkamayan sa binata. “Hello, o bakit kayo napadalaw dito? Parang ghost town dito ano?” sabi ng dalaga.
“O sakto at home na at home kami pala dito” biro ni Enan. “Uy grabe ka hindi naman. Come in, may klase pa kasi yung iba. Duty ko magbantay today just in case may gustong sumali” sabi ng dalaga. “Ay Mags, yung tungkol sa tribute chorvah” sabi ni Enan.
“Payag ka?” tanong ng dalaga. “Oo siguro, eto nga o may dala na akong alay” biro ni Enan kaya natawa si Mary Grace. “Anong alay nanaman?” tanong ni Greg. “Tribute para sa mga retirees, ikaw yung ipapamigay ko bilang token” banat ni Enan. “Sir aka talaga MU, Greg it’s a tribue show. This year kasi kasama sa mga magreretire na yung long time president ng school natin”
“So we were planning to showcase all the good memories that happened during his term. Lahat ng board top notchers dadating, yung mga nagchampion sa national competitions dadating din. We are trying to encourage them to perform something pero so far ang sure na is the group of Violet who won sa national and nag place sa international”
“Kami naman we are in touch with his wife, gusto namin irecreate yung love story nila kasi dito sila pareho nag aral nung college. Dito din sila nagkakilala at nagkatuluyan” paliwanag ni Mary Grace. “E eto pano naman papasok sa eksena?” tanong ni Greg.
“Haller! Saksakan ng palad yung matandang yon pagkat dito sa school na ito nag enroll ang pinaka gwapong lalake sa buong galaxy. Aba big accomplishment din yon kahit na pinagbabayad parin nila ako no. Dapat nga scholar ako kasi para akong palamuti dito sa school” banat ni Enan kaya natawa yung dalaga.
“No silly, si MU kasi naging sensation. We heard that sir president is very amused. Tuwang tuwa daw siya kay Enan, sabi yan ng mga staff niya kasi the core group already started interviewing his staff and other admins who are close to him” kwento ni Mary Grace.
“E kung tuwang tuwa siya bakit wala parin akong scholarship? Diba?” banaat ni Enan. “So payag ka na?” tanong ng dalaga. “Yeah, alamin niyo nalang siguro ano yung favorite songs niya then kantahin ko nalang kasama yung school choir” sabi ni Enan.
“Yes! So final na yan ha, wala nang atrasan” sabi ng dalaga. “Yup, uy may video camera kayo dito? Para saan?” tanong ni Enan. “We record our practices para makita namin saan kami mali or saan pa kami pwede mag improve. We also record our actual perfomances” sabi ni Mary Grace.
“Greg o, camera o” landi ni Enan. “Bwisit ka, mag isa mo” sabi ni Greg. “Why?” tanong ni Mary Grace. “Gusto niya gumawa kami ng Pabebe Girls video” kwento ni Greg kaya napahalakhak ng matindi ang dalaga. “Ang KJ mo talaga, its just for fun” sabi ni Enan.
“For fun pag tayo tayo lang manonood. Mamaya makita ko nakapost nanaman sa f*******: mo. Ito kasi may maliit na camera ito e, tinatago niya tapos lagi niya ako naseset up” sabi ni Greg. “Yeah napanood ko nga yung iba, honestly nakakatuwa kayo. Sana sa Youtube niyo iupload I am sure magiging viral mga yon” sabi ni Mary Grace.
“See Greg, wag ka kasi killjoy” sabi ni Enan. “And you two do it, its gonna look cute and very funny. Wala pa ata naglakas loob na guys” sabi ng dalaga. “Tara sige” sabi ni Greg. “I will take the video” sabi ni Mary Grace. “Hoy pare, bigla ka ata pumayag. Kung isumbong kaya kita kay Lea” bulong ni Enan.
“First impression lang, to naman” sagot ni Greg. Limang minuto lumipas natatawa na si Mary Grace habang hawak niya yung script. “So ako yung mauuna ano?” tanong ni Greg. “Oo, ako yung finisher” sagot ni Enan. “Practice muna” sabi ni Mary Grace at halos mamatay na siya sa katatawa.
“O ready na ha” sabi ni Mary Grace kaya umayos na yung dalawang binata. “Go Greg” pacute ng dalaga kaya natuwa yung binata at game na game na nagsimula. “Hi kami ang pabebe boys” bigkas niya, pilyong Enan pinalaki mga mata niya, mala slow motion hinarap ulo niya kay Greg at nagsuot ng shocked face.
Medyo nag slow down si Greg nang mapansin niya yung pagpikit ni Mary Grace, inuga ng dalaga ulo niya kaya agad tinignan ng binata si Enan. “Gago! Sabi ko na e. Bwisit ka” reklamo ni Greg kaya sumabog na sa katatawa si Mary Grace. “I knew it, sabi ko na e. Nilaglag mo nanaman ako e” sabi ni Greg.
Napaluhod si Mary Grace, yakap ng dalaga tiyan niya at naluluha na talaga. Siniko ni Enan si Greg sabay tinulak. Napalunok yung matangkad na binata sabay inalalayan na makatayo ang dalaga. Napasandal si Mary Grace kay Greg, pinaghahampas nito tagiliran ng binata at tuloy ang kanyang pagtawa.
Super ngiti si Greg pero pilyong Enan pabirong nilabas phone niya. “Leaaaahhh” bulong niya kaya umatras agad si Greg at inabutan nalang ng panyo si Mary Grace. “Iba nalang pare, wag nalang ganon” reklamo ni Greg. “Ang cute kaya, nakakatawa siya promise. Its not as if you really wanted to do it, pag napanood ng iba yan alam nila na gusto niyo lang magpatawa”
“Alam niyo ba may sumikat na magkapatid sa ganyan, ngayon artista na sila” sabi ni Mary Grace. “O tignan mo Greg, pare I am doing this for you. Gusto ko din ishare blessings ng pagiging artistahin sa iyo e. Imagine pag nag viral tayo o baka mamaya may sarili na tayong comedy show sa TV one day” sabi ni Enan.
“Pag nangyari yon ako magiging number one fan niyo. Hey Greg add kita sa f*******: pala ha” lambing ng dalaga kaya si Greg tila nahypnotize habang tinutungo ulo niya ng walang tigil. “May idea ako, yung parang commercial ng Sprite. O nandito naman si Mags so siya yung parang violin instructor” sabi ni Enan.
“Pero apat yung lalake dun e” sabi ni Greg. “Ako na yung tatlong lalake, ikaw yung bida na nasa likod” sabi ni Enan. “O sige ba” sabi ni Greg. Sinet up nila yung camera at mga upuan, “You know what may mag ukulele silang sira sa kabilang office. We can use them as props” sabi ni Mary Grace.
“Ako bahala, hihiramin ko sila” sabi ni Greg sabay agad umalis. “Mags, personal question” sabi ni Enan. “Sure go ahead” sagot ng dalaga. “Mags, sumali ka sa performing arts dahil gusto mo mag artista?” tanong ni Enan.
“Hmmm hindi, pero if theatre artist then yes” sabi ng dalaga. “E pareho din yon e” sabi ni Enan. “Hindi ah, yung tinatanong mo is yung artista sa mga TV and movies, iba yung gusto ko” sabi ni Mary Grace. “E bakit nilimitahan mo sarili mo sa theatre? Alam ko yung ibang nasa theatre gusto nila mag artista” sabi ni Enan.
“Sila, ako kasi ever since bata ako I love performing in front of people. Tapos gusto ko mag travel around the world. If I get lucky then maybe I get to do that pero if not masaya na ako as to where I am now” sabi ng dalaga. “Pero may mga teatro naman dito ha” sabi ni Enan.
“Yes of course if may opportunity grab ko. Second dream ko lang naman kasi yan, ang totoong gusto ko is maging CPA” sabi ng dalaga. “So ibig mo sabihin pag may opportunity threatre artist, pag wala CPA?” tanong ni Enan. “Both, priority ko CPA para if ever wala talaga sa teatro e di at least CPA ako diba?” sabi ng dalaga.
“Mags pano ka natuto? May nagcoach ba sa iyo?” tanong ni Enan. “Wala, I just got better when I entered college kasi magaling si coach. Elementary at high school naman oo may stage plays pero alam mo na, just for the sake of having them”
“Yung mga teachers namin noon memorize lines, costumes, oo may konting pag aayos sa acting pero that’s it. Dito sa college nanibago ako kasi ibang level si coach” sabi ng dalaga. “How different is theatre to on cam ba?” tanong ni Enan. “Malaki, sa teatro no room for error. Kaharap mo na agad audience mo no. Unlike don sa isa camera lang, pwede ulit, pwede retake. Sa teatro pag salang mo naku so much pressure” sabi ni Mary Grace.
“Pero in terms of the acting?” tanong ni Enan. “Syempre pareho, you really have to know and internalize your role. Why all the questions? Interested ka to join us?” pacute ng dalaga. “Mags, remember madam Celeste?” tanong ng binata. “Ay oo, oh my God! Wait, kinuha ka niyang talent?” tanong ng dalaga. “Di pa naman, pero she gave me a script, aralin ko daw yung story” sabi ng binata.
“Wow naman, so mapapanood na ba kita soon sa movies?” tanong ng dalaga. “Di no, may audition pa at tests daw. Honestly I want this pero nahihirapan ako e. Sabi niya aralin ko yung kwento, pag binabasa ko yung kwento nailalagay ko sarili ko dun sa role ng bida e. E naalala ko sinabi niya na kailangan alam ko lahat ng roles”
“Diba ganon naman pag nagbabasa ka ng story nilalagay mo yung sarili mo sa shoes ng character para lalo mo mafeel yung kwento? E sino ba naman may gustong ilagay sarili niya sa shoes ng kalaban? Diba? Kaya nalilito ako, isa pa yung story in general, parang natatakot ako kasi baka iba yung interpretation ko kesa sa intended interpretation ng story” sabi ng binata.
“Hmmm are you allowed to share the story with others or for your eyes only?” tanong ng dalaga. “I don’t know. Di ko natanong” sagot ni Enan. “Hmmm if you want send me a copy then basahin ko. We can discuss it, I will help you” sabi ni Mary Grace. “Really?” tanong ni Enan.
“Ikaw pa MU, pero tungkol saan yung kwento?” tanong ng dalaga. “Well di ko pa siya tapos pero tungkol sa isang family e. Kakaiba pala ang script ano, ang daming details about sa ano suot ng character, details ng lugar. Sayang oras, gusto ko malaman yung ending agad” sabi ni Enan kaya natawa yung dalaga.
“Oh wait, bakit hindi ka nagpapatulong sa ex mo? Diba artista siya” tanong ni Mary Grace. “E, busy siya at if ever makuha man ako gusto ko sana ito maging surprise sa kanya. Mags…” bigkas ni Enan. “Oooh gusto mo balikan?” pacute ng dalaga. Di sumagot si Enan kaya bigla siya tinapik ng dalaga.
“Hala ka MU, may iba ano?” tanong niya. “I really don’t know, malabo kasi e” sabi ni Enan. “Interesting, so sino yung isa?” tanong ng dalaga. Napangiti nalang si Enan kaya bigla siyang pinalo ng dalaga sa braso. “Let me guess, Violet?” tanong niya.
“Uy hindi ha, aaminin ko niligawan ko siya noon pero..ayon” sabi ni Enan. “Oh my God sorry, sorry talaga. Kasi ang close niyo so I thought siya” sabi ng dalaga. “Okay lang, pero sa totoo I still have feelings for her pero di na tulad noon. Minsan may spark spark pero ayaw na magliyab ng tulad noon e” sabi ng binata.
“Ah wait, yung kasama mo sa photo sa f*******:, forgot her name pero nag biking kayo e” sabi ni Mary Grace pero bago makasagot si Enan dumating na si Greg. “Next time nalang, ayaw ko marinig ni Greg. Ayaw ko siya bigyan ng bala pang asar sa akin” bulong ni Enan.
“Naintriga ako kaya sige next time” bulong ng dalaga. Pumewesto na sina Enan at Greg habang si Mary Gace inayos yung camera saka pumwesto narin. Tulad ng palabas sa commercial tulala sina Greg at Enan sa pagpasok ng magandang dalaga.
Umakting na si Enan sa pag violin, tatlong roles ginampanan niya hanggang sa si Greg na yung umakting. “Kayong tatlo magkita kita tayo once a week, pero ikaw…” sabi ni Mary Grace sabay tinitigan si Greg. Tinungo ni Enan ulo niya, napalunok ang dalaga sabay humawak sa kanyang baywang at umakting na galit.
“Ikaw! Ang kapal kapal ng mukha mo. Di mo bagay mag violin! Bagay sa iyo yung bass, yung malaki. Tignan mo yang violin pag hawak mo parang mababali” sigaw ng dalaga kaya napanganga si Greg sa gulat habang si Enan super halakhak.
“Greg sorry, sorry he told me to do it” sabi ng dalaga sabay lumapit at hinawakan ang kamay ng binata. “Set up nanaman” sabi ni Greg. “Sorry talaga, uy please siya nagturo sa akin ng linyang yon” sabi ni Mary Grace. Imbes na magalit si Greg tuwang tuwa pa siya pagkat nahawakan ng crush niya yung kamay niya.
“Well at least the people will not expect that, matatawa sila diba?” tanong ni Enan. “Pero natakot ako, ang galing mo umakting” sabi ni Greg. “Thanks, pero uy Greg si Enan talaga yung nagturo sa akin. Ayaw ko dapat pero sabi niya gentle giant ka naman daw so…uy ha” sabi ng dalaga.
“Okay lang no, alam mo ipost natin yan para tatlo tayo madiscover” sabi ni Greg. “Hoy, baka maghanap yung mga tao ng follow up. Mahirap maging one shot wonder, isang video sikat tapos wala na. Kung gusto mo talaga sumikat dapat consistent” sabi ni Enan.
“E di spoof natin pa yung isa, diba may kasunod yon?” tanong ni Greg. “Ay oo nga, may wig kami dito kasi diba long hair yung isa. The other two characters naman..no need ata” sabi ni Mary Grace. “Sige, ako na yung tatlong role, tapos ikaw yung main lead Greg” sabi ni Enan.
“Baka naman laglag ulit ito” sabi ni Greg. “Pare ikaw nakaisip. Kakaisip mo lang nito diba? O yan maglalayo kami para di kami makapag usap. Pano pang laglag ito? Kaya ikaw na bahala gumawa ng funny line” sabi ni Enan.
“Wala ako maisip pre” sabi ni Greg. “Hmmm Greg how about this?” tanong ni Mary Grace sabay may pinakitang bagay sa binata kaya laugh trip agad sina Enan at Greg. “Sige sige pare nakakatawa yan, tandaan mo do this for the sake of being funny” sabi ni Enan.
Naka pwesto na sina Enan at Greg, “Uy ganda niya” bigkas ni Enan bilang voice over habang naka focus yung camera kay Mary Grace na paparating. “Gusto mo nang lapitan nang biglang sumingit si…” voice over ni Enan sabay tinigil yung video. Si Mary Grace ang humawak ng camera habang si Enan pumwesto.
“Si Enan” voice over ni Greg kaya nagpakita sa eksena si Enan sabay stop video. “Si Fernando” voice over ni Greg kaya si Enan nagpakita na may suot na wig at umastang rakista. “Si Andoy” bigkas ni Greg kaya bungisngis si Mary Grace nang nag top less si Enan.
“Stop video, bakit ka nagbold?” tanong ni Greg. “Bakit may jersey ba? Eto topless para kunwari galing ako sa game. Ikaw talaga. O game tuloy ang shooting” sabi ni Enan.
“Miss nood ka ng sine ko, ako ang artista” sabi ni Enan. “Miss dalaw ka sa bar, singer ako” hirit niya with matching long hair at paypay ni Greg para lumipad yung buhok hanggang matanggal yung wig. Stop video pagkat laugh trip silang tatlo pero tinuloy parin nila yung pagkuha ng spoof video nila.
“Miss nood ka ng game ko, ako ang buwaya sa bola” banat ni Enan. Si Mary Grace nagpakita sa video, “O ikaw” sabi niya kaya kay Greg naman finocus ni Enan yung video habang naka tripod ito.
Todo pacute si Greg habang dahan dahan pinapakita yung doll. “Tara laro tayo ng dolly dolly. I can do your hair too” landi niya kaya super halakhak si Mary Grace. “Pare naman e, kulang ka sap acute. Okay na sana e” reklamo ni Enan. “Di ko kaya yung ganon, kung gusto mo ikaw, kahit ikaw nalang yung bida tapos ako yung tatlong kontrabida” sabi ni Greg.
Gumawa sila ng bagong video kung saan si Greg yung tatlong character. Pagdating na sa huli ngumisi si Enan sabay kumindat. “Alam ko naman ako pipiliin mo e” banat niya. Tumabi si Mary Grace, niyakap agad braso ni Enan sabay naglakad na sila palayo.
“Hoy!” sigaw ni Greg kaya lumingon si Enan. “Kamandag ng artistahin” landi niya sabay muling kumindat. “Cut! Nilaglag niyo nanaman ako” sigaw ni Greg kaya laugh trip sina Enan at Mary Grace. “Pare hindi naman kami nag usap” sabi ni Enan.
“E ano tawag don? Madaya ka talaga” reklamo ni Greg. “Hindi talaga kami nag usap” sabi ni Enan. “Anong hindi? Pag banat mo hindi man lang siya nagreact at sumama agad siya sa iyo” sabi ni Greg.
“Artistahin e” landi ni Enan. “Ewan ko ba, basta parang nag sync utak namin nung nagtitigan kami. Sorry Greg, it looked funny naman” sabi ni Mary Grace kaya muling humupa yung inis ng binata. “Did it look funny?” tanong niya.
“It did, here look” sabi ni Mary Grace sabay pinakita yung kuha mula sa video camera. “See, epic yung facial reaction mo. Benta na yan” sabi ng dalaga. “Okay, pero di talaga kayo nag usap?” tanong ni Greg. “Promise hindi, basta nung nagkatitigan kami parang nagka idea na ako e so ride on lang ako” paliwanag ng dalaga.
“Alam mo bagay kayong dalawa” banat ni Greg. “Eto nanaman tayo, pasesnya na Mags, lagi niya sinasabi yan basta may kilala kaming babae” sabi ni Enan. “Its okay” pacute ng dalaga. “Tara Mags lunch tayo sa labas” sabi ni Enan sabay inabot kamay niya. Agad naman humawak yung dalaga kaya nagulat si Greg.
Nagtungo na yung dalawa sa pintuan, todo sandal pa yung dalaga saka lumingon sila ng sabay at nagtawanan. “Gotcha” pacute ng dalaga kaya nalito na si Greg. “Ang epic talaga ng facial reaction mo Greg” sabi ni Mary Grace. “Bwisit kayong dalawa, naka on yung camera ano?” tanong ni Greg. “Sorry pre, our acting skills are flawless, nauuto ka masyado” sabi ni Enan.
“You know what somewhat he is right, ang bilis ng pagclick natin. Just saying” sabi ni Mary Grace. “So ano ibig mo sabihin? Totohanin nalang natin?” tanong ni Enan sabay nagkaharap silang dalawa.
“Ikaw ba” bulong ni Mary Grace sabay isang daliri niya humaplos sa braso ng binata. Lalong lumapit si Enan, “Handa mo ba iwanan si Greg?” sagot ni Enan. “Hindi na ako magsisinungaling sa sarili ko. I cannot pretend I am happy with him any longer…its you who makes me happy” sabi ni Mary Grace.
“Mags, nakatayo lang siya sa tabi natin” sabi ni Enan sabay nilapit niya mukha niya. “I know..i don’t care” bulong ng dalaga sabay nagkiskisan na mga ilong nila. Nung nagkasagian na konti mga labi sabay nila tinignan si Greg at nagtawanan.
Nakanganga ng todo si Greg, nanginginig ang cheeks niya at halatang kinikilig. “Shet! Nadali nanaman ako ano?” tanong niya kaya super halakhak si Enan habang si Mary Grace ngumiti lang at tinignan ng matagal si Enan habang haplos haplos niya labi niya.