Unang tagpo At ang Kahapon

1705 Words
Marshall POV; Hindi ko akalain na magkakatuluyan kami ng babaeng kayakap ko ngayon pagkatapos ng lahat lahat.. Sino ang makapagsasabing kaya ko pa lang palambutin ang puso niya at kaya niya ring sisirin ang pag ibig kong pilit kong ibinaon sa kaibuturan ng aking pagkatao. Kasalukuyan akong nagbabakasyon noon dito sa resort ni tita para makalimot sa 'di magandang nangyari sa una kong seryosong naging relasyon. Naglalakad ako noon sa dalampasigan ng matanawan ko siya na namumulot ng kahoy sa tabing dagat. Labas na iyon sa lupaing sakop ng resort ng tita ko pero dinala ako ng paa ko sa paglalakad ng mapansin ko sya. At may kung anung kalokohan na namang pumasok sa isip ko! "Hoy' miss!" agaw pansin ko sa kaniya. Tumingin lang siya sa 'kin na walang reaksyon tapos balik na sa kaniyang paglalakad habang namumulot ng mga kahoy na inanod ng alon. "Hoy, bing!" tawag ko ulit. Tiningnan niya ako ulit at sa pagkakataong ito madilim na ang mukha niya kaya tuwang tuwa naman ako dahil sa loob loob ko iniisip ko na may pag titripan na naman ako. Pero bigo ako dahil muli siyang nagpatuloy sa kaniyang ginagawa at tumalikod na parang 'di ako nakita. Kayat muli ko siyang tinawag.. "Hoy Magnanakaw!" sabay ngisi ko sa kaniya at ganon na lamang ang gulat ko ng may tumama sa tagiliran kong kahoy! Binato niya pala ako, ang bilis ng kamay eh! "Lang hiya! Ang sakit no'n ha!" galit kong turan sabay lapit sa kaniya na ikinaurong na man niya. "Alam mo' babae ka, papansin ka rin ano, sa lahat ng babaeng nakakita sa 'kin ikaw lang ang imbis maakit ay nanakit!" sabi ko sa mayabang na paraan. "Hoy ka din! Makapal ang mukha at mayabang. Ng isinaboy ng Dyos ang kayabangan sa mundo gising na gising ka ba? Kasi parang lahat nasalo mo! At nagagalit ka bat kita binato? Una sa lahat tawagin mo na akong pangit wag lang magnanakaw dahi 'di ko ugali 'yon!" sigaw niya. "Ohwwwwssss .. 'di nga? Nangunguha ka ng kahoy 'di naman sa iyo yan!" sagot ko rin sa kaniya. "At bakit? Sa iyo ba ito? Pag-aari mo ang dagat? Naanod lang 'to galing sa dagat! At saka sino ka ba? na nangbwebw***t sa 'kin ki aga-aga?" Kunot noo niyang tanong. "Ako? Hindi mo ako kilala? Ako lang naman ang pinaka gwapo at machong magpapasaya sa umaga mo." Sabi ko pa sabay kindat ko na lalo niyang kinaasar! "Ano kamo? Hello... baka ikaw ang magpapabwe**t sa umaga ko at sisira ng araw ko!" Matapang niyang sagot. "Hay kayo talagang mayayaman ang yayabang eh noh. Buti na lang mahirap lang ako kong hindi nakakasuka rin sana ang ugali ko kagaya mo." Madiin niyang sabi bago dinampot ang mga kahoy niyang naka lapag sa lupa. "Diyan ka na nga! baka mahawaan pa ako ng kakapalan ng mukha mo!" Dagdag pa niya sabay talikod sa 'kin pero sa 'di ko alam na dahilan ay may kong anong nagtulak na naman sa 'kin na e block ang dadaanan niya at agad kong hinarang ang aking paa kaya ayon nadapa siya at nasbsob sa buhangin! Umuosok ang ilong niyang napabangon sabay dampot ng buhangin at hinagis sa akin! Hindi ko napansin agad 'yon kaya tumama talaga sa mukha ko at pumasok pa 'yong iba sa bibig at mata ko!! "What a f*ck!" Sigaw ko sabay luwa ng buhanging naka pasok sa bibig ko at hawak sa mata ko kasi sobrang sakit, 'di ko naman pwede kusutin at baka masugatan! Hindi ko na siya binigyang pansin tumalikod na ako. "May araw ka rin sa 'kin, Magnanakaw, tandaan mo babalikan kita!" Pasigaw kong sabi ng nakatalikod na ako. Dali dali akong pumunta sa pool at hinubad at suot kong sando habang papalapit na ako sa pool at dere deretsong nag dive sa tubig! Nang pakiramdam ko wala ng buhangin ang mata ko ay umahon na ako at doon ko rin naramdaman ang hapdi sa tagiliran ko! "Sh*t! Nagasgasan pala gawa ng binato niyang kahoy kanina. f**k that woman! Pagbabayaran niya tong ginawa niya sa 'kin I swear babalikan ko siya!" Sa isip ko habang paahon sa tubig. Lumipas ang maghapon na inis na inis ako sa babaeng 'yon 'di ko malimutan ang kaniyang mukha. "Maganda sana, Brutal naman!" Bulong ko sa aking sarili habang naiisip ko naman ang nangyari kanina. Hanggang sa sumapit ang gabi at pumasok na ako sa aking room ng bigla na naman ako dinalaw ng pagka bagot kaya lumabas ako at pumunta sa mini bar nitong resort at ibubuhos ko na lang sa alak lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko! It's been six months after that day, a day na nalaman ko na ang fiancee ko at Bestfriend ko ay iniiputan na pala ako sa ulo! Balak na sana namin magpakasal ni Engred noon.. Three months before the wedding naka set na ang lahat maging ang venue ng kasal. Naka order na rin kami ng wedding gown niya at hinihintay na lang na dumating from France. I'm out of town for one week dahil sa business matter. Pupunta kasi akong probinsiya para e check ang plantation ng mga bulaklak namin kasi mukhang maraming peste! Ako ang namamahala sa mga negosyong naiwan ni Dad ng pumanaw siya at si mom ay mahina na rin dahil para siyang nawalan na rin ng ganang mabuhay mula ng mamatay si dad! Nag-iisang anak lang ako ng mga magulang ko kaya siguro medyo naging sutil! Pero mabait naman ako naging ganito lang talaga ang ugali ko sa babae mula ng niloko ako ni Engred! Ang isang linggong out of town ay ginawa kong 4 days dahil natapos narin naman ang inasikaso ko, kaya masaya akong umuwi at hindi ko sinabi sa fiancee ko na pauwi na ako para ma surprise ko siya Ang dami ko pang dalang bunch of roses from the farm sari saring kulay, may red, yellow, white at pink. Naka-arrange at ginawang malaking bouquet of roses. Ako pa mismo ang nag ayos noon.. Marunong ako dahil pinag aralan ko to dahil isa sa negosyo namin ang flower plantation at nag susupply kami ng mga bulaklak sa malalaking flower shop. Gumagarahe pa lang ako sa basement ng condo ko ng nakaramdam ako ng kaba! Diko alam na eexcite lang siguro ako oh ano basta kinakabahan ako lalo na ng nakapasok na ako sa elevator. Nasa 4rth floor ang unit ko at three months ng nananatili kasama ko si Engred mula ng mag propose ako sa kaniya. "Hindi na ako kakatok dahil may susi naman ako, magugulat si Engred na nandito na ako" sa isip ko pa! Dahan dahan kong binuksan ang pinto at sinigurong hindi makakagawa ng kahit anong ingay. "Ang tahimik naman yata baka wala dito si Engred" bulong ko pa. Nang may narinig akong parang ungol sa kwarto! Naka ramdam na ako ng matinding kaba at doon ko napagtanto habang papalapit ako sa kwarto na may tao nga at hindi lang nag-iisa, mukhang may kasama at gumagawa ng experiment. Hindi man lang naisara ang pinto ng maayos dahil nakasiwang pa ito. Nawalan ako ng lakas na parang umaktyat lahat ng dugo ko sa ulo ng makita ko na si Engred naka patong sa isang lalaki and what the f**k!! yung bestfriend kong si Ace! "Mga hayop kayo!" Sigaw ko sabay ng malakas na tulak ko sa pinto para tuluyang mabuksan! Agad 'kong sinugod si ace at pinaulanan ng suntok! Pareho silang walang saplot ni Engred kaya't si Engred ay ibinalot ng kumot ang sarili at sumoksok sa sulok ng kwarto na umiiyak, parang bang kaawa-awa pero hindi ako naawa sa kaniya dahil galit na galit ako at gusto ko silang pataying dalawa! Mabuti na lang kahit paano nakapag timpi ako kaya matapos kong paulanan ng suntok si Ace na di man lang nakaganti at halos sabog na ang mukha at bibig at naligo na rin sa dugo ay nilingon ko si Engred sa sulok at dinuro ko siya! "Leave! You f*****g A*hole! Magsama kayong dalawa, at wag na wag na kayong magpakita sa 'kin habang buhay, pag balik ko, dapat wala ka ng gamit dito!" Sigaw ko sa nanginginig na boses sabay talikod sa kanila at tuluyan na silang iniwan. Bumalik ako sa kotse at nagpaharurot ng takbo na halos mabangga ko na ang mga nakaka salubong ko sa basement na mag papark din! Pagkalabas ko ng basement dumeretso ako sa bar ni Jack ang isa ko pang kaibigan at doon ko nilabas lahat ng sama ng loob ko! Nagpakalasing ako hanggang sa wala na akong maalalang sakit! 'Yon ang gingawa ko halos araw araw kaya't dumating sa point na napabayaan ko na ang negosyo namin at doon na ako kinausap ni mommy. After 3 months doon ko narealize na wala akong mapapala sa galit ko at sama nag loob kaya unti-unti kong inaayos ang aking sarili. Hindi man tuluyang nahilom ang sugat sa aking puso, pilit ko na mang winawaksi ang lahat sa isip ko! Bagay na nagpabago sa pagkatao ko lalo na pag dating sa mga babae. Nawalan na ako ng tiwala at galang sa kanila at para sa 'kin katuwaan na lamang sila! Mag aanim na buwan na mula noong may nangyari ng pumunta ang tita ko sa Maynila para bumisita sa mommy ko. Nang makita niya ako ay niyaya niya akong magbakasyon muna sa kanila sa dito Quezon Province. Siguro'y kinausap siya ni mommy, at dahil sa gusto ko na rin mag unwind ay pumayag naman ako. Isang linggo na ako andito sa resort ni tita, at ito na naman ako ngayon nagpakalasing. Nang maisipan kong pumunta sa dalampasigan. Wala na masyadong tao dahil mag aalas onse na ng gabi. Ilang oras na rin pala akong umiinom! Napagawi ako sa tabing dagat at dahan dahan akong naglakad ng pasuray suray patungo doon sa pinanggalingan ko kaninang umaga kong saan ko nakita ang babaeng 'yon. "Sh*t that woman!" Bulong ko ng naalala ko na naman sya. Medyo madilim dahil tanging liwanag na lang ng buwan ang nagpapa aninag sa lupa. Naglakad ako at 'di ko namalayan na nasa tubig na pala ako at dahil sa kalasingan nawalan ako ng balansi at bumagsak!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD