Prologue:
Masakit ang mabigo sa pag ibig, pero wala ng mas sasakit sa pakiramdam ng taong pinagtaksilan ng kaniyang katipan at ng matalik na kaibigan.
Kagaya ng nangyari kay King Marshall Crisostomo, anim na buwan na ang nakararaan pero ang kirot sa puso ay tila kahapon lang.
Sa kagustuhang makalimot sinubukan niya ang lahat ng paraan maikwaksi lang ang sakit na nararamdaman, maging ang pagbago sa tunay niyang pagkatao.
Kasalukuyan siyang nasa bakasyon para maglibang. Pumunta siya sa probinsiya ng Quezon, sa resorts ng kaniyang tiyahin.
Kasalukuyan siyang naglalakad sa dalampasigan. Labas na iyon sa lupaing sakop ng resort ng kaniyang tiyahin, pero dinala siya rito ng mga paa niya sa paglalakad hanggang mapansin niya ang isang babaeng namumulot ng kahoy sa tabing dagat.
"Hoy' miss!" tawag pansin niya rito.
Tumingin ang babae na walang kahit na anong reaksyon tapos balik sa kaniyang paglalakad habang namumulot ng mga kahoy.
"Hoy, bingi!" tawag niyang may pang-aasar!
Tumingin ulit ang babae at sa pagkakataong ito madilim na ang mukha niya kaya tuwang tuwa naman si King dahil sa loob loob niya iniisip niyang may mapag titripan na naman siya.
Ngunit bigo siya, dahil muling nagpatuloy sa kaniyang ginagawa ang babae at tumalikod na parang hindi siya nakita.
"Hoy Magnanakaw!'' muling sambit ni King sabay ngisi ng nakakaasar, at gano'n na lamang ang gulat niya ng may tumamang putol na kahoy sa kaniyang tagiliran.
Binato siya ng babae at hindi niya napag-handaan dahil ang bilis ng pangyayari, ang bilis ng kamay ng babae at hindi man lang niya napansin ang kilos nito!
"Lang hiya! Ang sakit no'n ha!" galit niyang turan sabay lapit niya rito na ikinaurong na man ng babae ngunit matatalim na tingin pa rin ang ipinupukol sa kaniya.
"You know woman, you are stupid! Or just blind? Of all the women who saw my handsome face, you were the only one who, instead of being attracted, was hurt me!
"Hoy ka din! Makapal ang mukha at mayabang na lalaki! Nang isinaboy ng Diyos ang kayabangan sa mundo gising na gising ka at nasalo mo lahat! At nagagalit ka pa ba't kita binato? Una sa lahat tawagin mo na akong pangit wag lang magnanakaw dahil 'di ko ugali 'yon." Sigaw rin ng babae dinuro pa nito si King!
"Oh... isn't it? You're picking wood here on the beach, and its not yours."
"At bakit? Sa iyo rin ba ito? Naanod lang 'to galing sa dagat! At saka sino ka ba, na nang bwebwe**t sa 'kin ng ganito ka aga? Para kahoy lang tatawagin mo akong magnanakaw?"
"You don't know me? I'm just the most handsome and macho man you will ever seen." Sabi niya na ikinairap ng babae.
"Ano kamo? Hello... baka ikaw ang pangit na sisira ng araw ko!" Matapang niyang sagot ngunit nginisihan lang din siya nito.
"Hindi ka gwapo! Mayabang ka lang!" dagdag pa ng babae.
"Diyan ka na nga! baka mahawaan pa ako ng kakapalan ng mukha mo! Sa iyo na 'yang kahoy oh!" sabi niya sabay bagsak sa harap ni King ng mga kahoy na da dala niya.
Tatalikod na sana siya sa lalaki pero inataki talaga ng kalukohan si King at may kong anong nagtulak rito na e block ang dadaanan ng dalaga kaya napatid ito at nasobsob sa buhangin!
Umuosok ang ilong ng babae at napatayo sabay dampot ng buhangin at hinagis sa mukha ni King! Hindi agad iyon napansin ng lalaki kaya sapol ang mukha niya!
"What a f*ck!" sigaw nito sabay luwa ng buhanging naka pasok sa bibig niya at hawak hawak pa ang mata nitong napasukan ng buhangin at sobrang hapdi.
Nawala na ang atensiyon ni King sa babae dahil sa hapdi ng mata nito at tumakbo na lang ito pabalik sa resorts!
"Wait for your day woman, remember I will come back!" galit na sigaw ni King habang tumatakbo pabalik sa resort ng tiyahin at hawak hawak ang mga mata.
"Bumalik ka pakialam ko!" sagot ng babae ngunit hindi na siya narinig ni King.
Dali-6dali hinubad ni King ang suot niyang sando habang papalapit na sa pool, at dere deretsong nag dive sa tubig!
Nang pakiramdam niya wala ng buhangin ang mata ay umahon na siya at doon na rin nito naramdaman ang hapdi sa tagiliran niya!
"Sh*t! It was scratched! f**k that woman! She'll pay for what she did to me. I swear I'll come back to her!" galit niyang turan habang umaahon sa tubig.
Lumipas ang maghapon na inis na inis siya sa babaeng nakatagpo kanina. Pero hindi naman nito malilimutan ang mukha ng babae.
"Maganda sana, Brutal naman!" malakas niyang nabigkas mag isa habang naiisip ang nangyari kanina.
Hanggang sa sumapit ang gabi at pumasok na siya sa kaniyang silid, ngunit dinalaw na naman ito ng pagka bagot kaya lumabas ito at pumunta sa mini-bar ng resort at naisip niyang ibuhos na lang sa alak lahat ng nararamdaman niyang inis! Pati ang sama ng loob na bumabalik balik sa isipan tungkol sa nakaraan!
Nag-iisang si King ng mga magulang niya, kaya nakukuha niya halos lahat ng gustuhin nito, maliban sa totoo at tapat na pag ibig.
Siya ang namamahala sa mga negosyong naiwan ng Dad niya ng pumanaw ito dahil ang mommy niya ay nawalan na ng ganang asikasuhin ang negosyo nila mula ng mamatay ang kaniyang ama.
Ikakasal na sana siya kay Engred noon. Ang more than three years na niyang nobya. And three months before the wedding naka-set na ang lahat, maging ang venue ng kasal. Naka order na rin kami ng wedding gown niya at hinihintay na lang na dumating from France.
He is out of town for one-week dahil sa business matter. Pumunta kasi siya ng probinsiya para e check ang plantation ng mga bulaklak nila dahil maraming peste ayon sa taga-pangalaga.
Ang isang linggong out of town niya dapat noon ay ginawa niyang 4 days dahil natapos na rin naman agad ang inasikaso niya, kaya masaya siyang ng pauwi na, at hindi niya sinabi sa fiancee niyw na pauwi na siya para ma surprise ang babae.
May dala pa siyang bunch of roses from the farm sari saring kulay, may red, yellow, white at pink.
Naka-arrange pa at ginawang malaking bouquet of roses na siya pa mismo ang nag ayos. Marunong naman siya dahil pinag aralan niya 'to dahil isa sa negosyo rin nila ang mga flower shops at nag-susupply din sila ng mga bulaklak sa iba pang malalaking flower shops pati funeral parlor's.
Gumagarahe pa lang siya sa basement ng condo nito ng nakaramdam siya ng kaba! Hindi niya alam kong na eexcite lang siguro siya o ano basta kinakabahan siyq lalo na ng nakapasok na siya ng elevator ng condo.
Nasa 4rth floor ang unit niya, at three months ng nananatili kasama nito ang nobya mula ng mag propose siya rito.
Hindi na siya kumatok dahil may susi naman siyang dala. Balak rin niyang gulatin ang kaniyang nobya.
Dahan-dahang binuksan niya ang main door at sinigurong hindi makakagawa ng kahit anong ingay.
"Ang tahimik naman yata baka wala dito si Engred" bulong niya sa hangin at patuloy na naglakad papunta sa kwarto, nang may narinig siyang parang ungol mula sa loob ng silid.
Nakaramdam siya lalo ng matinding kaba, at doon niya napagtanto habang papalapit siya sa pinto ng kwarto na may tao nga, at hindi lang nag-iisa, may kasama ito base sa mga ungol at ingay na likha nila.
Ingay ng gumagawa ng experiment para makabuo ng baby.
Hindi man lang naisara ng maayos ang pinto ng kwarto dahil nakasiwang pa ito!
Nawalan siya ng lakas na parang umaktyat lahat ng dugo niya sa ulo at nanghina ang tuhod nito pagkasilip sa siwang ng pinto at nakita niya ang nobya ns naka patong sa isang lalaki at ng mamukhaan niya ang lalaki ay lalo siyang nagulat.
"Mga hayop kayo!" sigaw niya ng malakas sabay nang malakas ding tulak ko sa pinto para tuluyang mabuksan!
Ibinato niya sa kong saan ang dala dala niyang bouquet at agad na sinugod si ace ang best-friend niya.
Pareho walang saplot ang dalawang nadatnan, kaya't si Engred ay ibinalot ng kumot ang sarili at sumoksok sa sulok ng kwarto na umiiyak, para bang kaawa-awa, pero galit ang nararamdaman ni King kaya hindi na naka ganti sa mga suntok at sipa niya ang kaibigang si Ace!
Nang medyo nahimasmasan na siya mula sa galit at binalingan niya si Engred na umiiyak pa rin mula sa sulok!
"Leave! You f*****g A*hole and don't ever show up to me for the rest of your life! I don't to see the face of anyone of you from now on!" sigaw niya at tumakbo palabas ng unit.
Bumalik siya sa kotse at nagpaharurot ng takbo na halos mabangga na ang mga nakaka salubong nito sa basement na mag papark din!
Pagkalabas nito ng basement tinahak niya ang daan patungo sa bar ni Jack ang isa pa nitong kaibigan at doon ko inilabas niya lahat ng sama ng loob nito.
Nagpakalasing siya hanggang sa wala nang maalalang sakit!
'Yon ang gingawa nito halos araw-araw kaya't dumating sa puntong napabayaan na nito ang negosyo nila at doon na siya kinausap ng kaniyang ina.
Doon niya narealize na wala siyang mapapala sa galit at sama nag loob dahil siya lang ang nahihirapan kaya unti-unti niyang binago ang kaniyang sarili.
Hindi pa man tuluyang nahilom ang sugat sa kaniyang puso ay pilit niya itong winawaksi sa isip. Bagay na nagpabago sa pagkatao nito lalo na pag dating sa mga babae. Nawalan na siya ng tiwala at galang sa kanila at para sa kaniya katuwaan na lamang sila!
Mag aanim na buwan na pagkatapos ng mga nangyari ng pumunta ang tita niya sa Maynila upang bisitahin ang kaniyang kapatid, ang mommy ni King
Niyaya sila nito na magbakasyon sa probinsiya dahil kakabukas lang daw nito ng kaniyang bagong tayo na beach resorts.
Nasa kalagitnaan siya ng pag mumuni-muni ng naisipang bumalik sa tabing dagat. Pasuray suray na naglakad patungo doon sa pinanggalingan niya kaninang umaga kong saan niya nakita ang babaeng nakabanggaan.
"Sh*t that woman!" mahina nitong mura ng naalala na naman niya ito.
Madilim ar tanging liwanag lang ng buwan ang nagpapa aninag sa paligid.
Naglakad siya at hindi niya namalayan na nasa tubig na pala siya at dahil sa kalasingan nawalan siya ng balanse ng may naapakan itong madulas na bato kaya bumagsak siya sa tubig!
Nagising na lang siya ng maramdamang tila may yumuyogyog sa kaniya na isang babae. Idiniin pa nito ang kaniyang mukha sa ilong ni King kaya amoy na amoy siya nito!
Nakaramdam siya ng pang-iinit ng katawan kaya't hinila niya ito para lalong mapalapit sa kaniya at pagkatapos ay hinalikan nito ang mga labi ng babae
Halik na kapalit ay tadyak at sampal!