Walang nagawa si Nathalie kun ’di ang pansamantalang iwan ang asawa at kapatid. Mabilis siyang bumalik ng bahay para humingi ng tulong. Pagkarating niya roon agad siyang lumapit sa dalawang kasama ng kapatid. Ayaw naman niyang gambalain ang mga magulang na ngayon nagkakasayahan kasama ang butihing mayor ng lugar na iyon. Hindi naman nagdalawang-isip ang mga kasama ni Dalle agad nilang tinungo ang kubo kasunod si Nathalie. Nadatnan nilang halos nagkamalay na ang dalawa iyon nga lang at nanatiling nakahiga ang mga ito sa lupa. Agad binuhat ng dalawa si Dalle, dinala sa terrace ng kubo. Samantalang si Nathalie inalalayan niya si Steven para makatayo. Muntik pa nga sila matumba ng biglang gumiwang ang asawa, mabuti na lang at mabilis nakalapit ang isang lalaki. Inutusan ni Nathalie ang isa

