WALANG paglagyan ng kasiyahan ang kambal nang makilala nila ang kanilang ama. Tuwang-tuwa si Steven habang yakap niya ang mga anak. Matagal na niyang gustong mayakap ang mga ito. Ngunit sa tuwina pinanghihinaan siya loob. Dahil sa problemang kinasasangkutan. Ayaw niyang mangyari na kamunihan siya ng mga ito pagdating ng araw. Kaya ngayon pa lang unti-untiin na niyang suyuin ang pamilya ni Nathalie. Ilang sandali pa nakangiting pumasok sa loob ng hall si Mayor Rodrigo. “Sorry, na late ’ata ako?” masaya niyang biro. Lumapit siya sa kanyang lamesa saka pinag-aralan ang papeles na naroon. Nakangiti namang lumapit si Mang Mario kay Mayor agad itong naglahad ng kamay. At ipinakilala si Mang Art rito. “Pare, may bagong recruit ang samahan,” sabi ni George sa kaibigan. Inginuso pa nito ang ta

