MATAPOS mag-usap mabilis silang tumungo sa ilog. Walang inaksaya ang mga kasamahan ni Dalle agad nilang tinawid ang ilog kasunod si Steven na dala ang ransom money. Pagkarating nila sa pampang ng ilog mabilis silang naghanap ng lugar kung saan tanaw nila si Steven. Ilang sandali pa binalot ng katahimakan ang lugar maging ang mga ligaw na hayop roon sadyang nanahimik. Maya-maya pa tumunog ang cellphone ni Steven sinadya niyang lakasan ’yon upang marinig ng mga sundalong nasa paligid niya. Agad siyang naging alerto kinapa ang baril na dala at saka sinagot ang tawag. “Narito na ako. Nasaan na ang anak ko?” mariin niyang tanong sa tumawag. Na walang iba kun ’di ang kanyang pinsan. “Ops, excited ka? Pasensya ka na busy pa ako.” Sinabayan pa nito ng pagtawa na tila isang demonyo. “Ikaw ang

