MATAPOS ang pangyayari sa kubo halos hindi tinantanan ni Dalle si Jossel hangga’t hindi niya ito nauuwi sa barangay Matina kung saan siya naka-duty kasama ang anak nila. Siya na rin mismo ang kumuusap kay Adam na tigilan na ang dalaga at sinabihan rin niya na may asawa na ito sinabayan rin niya ng pagpapakilala rito na siya ang asawa wala namang nagawa ang foreigner kun ’di ang bumalik ng London. Bago pa ’yon kinausap niya si Jossel na kung may problema tumawag agad sa kanya. Na ikinagalit ng binata kaya nasuntok niya ito at umuwing may black eye sa mata. “Kuya Sebastian, may totoo na akong papa at mama,” masayang sabi ni Rissel sa kanyang pinsan. Hindi pa nga ito maniwala no’ng una na ang binata ang ama. Dahil sa tulong ni Nathalie at Steven nakumbinse nila ito at isa pa sabik rin siya

