SAKTONG alas-siyete ng umaga natapos ang magbiyenan sa pagluluto ng almusal para sa pamilya at mga trabahador ng hasyenda. Matapos ayusin ang pagkain na nasa kaldero nang biglang may kumatok sa pintuan ng kusina. Agad itong pimagbuksan ni Aling Elena at nagpakilala na isa siyang tauhan na inutusan ni Steven na kumuha ng pagkain. Kasalukuyan kasi silang nagpapatanim ng mais kapag gano’n obligado silang maghanda ng pagkain ng mga tao. Tinawag ng lalaki ang kasama niya para magbuhat ng may kalakihang kaldero na naglalaman ng sopas. Ilang sandali pa sumunod ang dalawa papuntang kubo na may dalang mga tinapay. Pagkarating nila sa kubo agad nilang pinakain ang may labin-limang katao. May babae at mayroon ding mga bata na tantiya nila anak ng mga trabahador. Lahat sila buong pusong pinagsibhan n

