HINDI na nito ginustong makarinig ng kahit ano tungkol sa binata simula noon, siguro malaking tulong na rin iyon para makalimutan ang nangyari.
Hindi niya na rin nakita ang binata, para ngang bigla na lang itong nawala. Biglang naglaho at hindi man lang nagawang sabihan si Vivianne.
Wala siyang nakuhang kasagutan sa lahat ng tanong nito pero nagawa niyang magpatuloy. Isa pa, ang mga pangarap naman ang priority nito.
Kaya sa ilang taong lumipas, walang ibang ginawa si Vivianne kundi isubsob ang sarili sa pag-aaral. Naging mabuti naman ang epekto noon dahil inaasahan na niyang makakatanggap siya ng award sa mismong pagtatapos.
Tatlong taon na ang nagdaan, hindi man lang nito nakita si Dirk. Kahit ngayong nagpapractice na para sa graduation ay wala talaga.
"Kilala mo pa ba kami?" Tinaasan niya ng kilay ang dalawang kaibigang sumulpot bago nagsitawanan. Masaya siya dahil hindi pa rin nag iiba ang pagtuturingan ng mga ito. Marami mang nangyari, sila sila pa rin ang magkakasabay na magtatapos.
Hindi tuloy niya maiwasang maging emosyonal, nag eensayo pa lang sila pero naiisip na ni Vivianne ang lahat ng napagdaanan sa loob ng apat na taong pag aaral.
Hindi niya halos maisip na nakaya niya ang lahat ng 'yun.
"Galing mo, Viv! QBQ ka pa nyan ha!" Nahihiya na lang siyang ngumiti, hindi man siya ang may pinakamataas na nakuhang grado ay nakasali pa naman ito sa magtatapos biglang Magnacumlaude.
Ilang araw bago maggraduation ay hindi na sila magkandaugaga, mula sa damit na isusuot at mga iimbitahan.
Kaya lang, pilit talaga siyang binabagabag mg kaisipan kung nasaan si Dirk. Malakas kasi ang kutob niyang baka hindi na siya pumasok.
Sa naisip ay hinarap niya ang mga kaibigan, busy ang mga ito sa paghahanap ng isusuot para sa ceremony pati sa mass na gaganapin bago ang graduation.
"Nakikita niyo pa ba siya?" Iyon lang ang sinabi niya pero agad nang nakuha ni Red at Jae ang tinutukoy ng kaibigan.
Nagkatitigan muna sila, nag aantayan kung sino ang magsasabi ng nalalaman. Wala na sanang balak magsabi ang dalawa dahil sa sitwasyon ni Dirk at Vivianne pero ngayong nagtatanong na siya ay bakit naman nila hahayaang walang alam ang kaibigan?
Bumuntong hininga si Red, ipinaubaya na ng titig na iyon ni Jae ang pagsasabi ng totoo. "Hindi na siya pumasok simula noon."
Naibaba ni Vivianne ang damit na hawak dahil sa gulat. Hindi na niya nakikita ang binata at kinutuban na nga siya ng ganoon pero hindi nito inasahang kumpirmado pala ito.
"K-Kasi Viv, nalaman lang namin dahil sa kaklase niya. Drinop na raw ang lahat ng subjects at kuya raw niya ang nag asikaso ng lahat ng 'yun. Pero hindi namin alam kung ano 'yung dahilan." Pumasok lang tuloy sa isip niya ang mga alaalang pilit nitong tinatakasan noon pa.
Mataman niyang tiningnan ang dalawang kausap, "Noong araw na 'yun, ilang beses ko siyang tinawagan. Sa mga naunang tawag, walang sumagot. Pero sa huli.."
Binitin niya muna ang pagkukwento para isa isahin ang mukha ng dalawang matimtim na nakikinig sa kung anong sinasabi nito. "Sinagot 'yun.. ni Ulrica."
Hindi pa nagtatagal ang ilang segundo ay nagpaulan na ng mga mura ang dalawa, ngayon lang nagawang sabihin ng kaibigan ang ganoong impormasyon. At posibleng may kinalaman iyon sa biglaang pagkawala ni Dirk.
"Pero nakita ko lang si Ulrica kanina! Nasa canteen ng CAL, may kausap sa.." Nagkatinginan sila sa sinabi ni Jae at sabay sabay na napahiyaw.
"Si Dirk!!"
Maya maya'y itinikom ang mga bibig nang maalalang nasa pampublikong lugar sila. Inanalisa naman ni Vivianne ang mga nalaman, matagal na siyang may hulang konektado si Ulrica sa hindi pagsipot ni Dirk sakanya—sa pangalawang pagkakataon.
"I can't believe nagawa niya akong utuin ng dalawang beses! Gaano ba ako katanga?" Pagkatapos ng sinabi ay natahimik si Vivianne, talagang nagsisimula na namang isipin kung ano ba ang nagawa nito para maging deserving sa ganoong action.
Kaya kahit marami rami na rin ang nagbago kay Vivianne ay hindi pa rin nawawala sa isip nito na sa dalawang pagkakataon—talagang hindi lang isa, ay nagawan pa siya ng ganon.
Araw araw pa rin niyang hinihiling na sana hindi nalang iyon nangyari. Ilang beses pa ring bumabalik ang pagsisisi.
Jae snapped. "Hey! We're here para magsaya, bakit pa natin iisipin 'yang mga ganyan?"
Sumang-ayon naman silang dalawa ni Red doon, kapagkuwan ay nagsimula nang maglibot. Hindi na siya pwedeng bumalik sa pag iisip, para kasi kay Vivianne ay matagal na siyang graduate sa mga ganoon.
Isa pa, mas marami siyang kailangang isipin ngayon; ang pagtuturo niya sa mga susunod na taon at tuluyang makatulong sa magulang katulad ng matagal nang pinangarap.
"Viv, tara! Maganda 'to, dali!"
Sinusulit talaga niya ang mga oras na kasama nito ang mga kaibigan lalo pa't walang kasiguraduhang magkakaroon pa siya ng mahabang oras kapag nagsimula na sa pagtuturo. Iyon ang isa sa hindi nito makakalimutan sa buhay ng pagiging kolehiyo, paniguradong mamimiss niya ang lahat ng iyon.
Siguradong balde baldeng luha ang mailalabas nito sa araw ng pagtatapos.
Pagdating naman sa bahay ay hindi niya napigilan ang pangiti noong makita ang excitement ng mga tao roon. Hindi lang kasi siya ang hindi pinatutulog ng nalalapit na graduation, hindi rin dinadatnan ng maayos na tulog ang mga magulang nito.
"Vivianne, anak." Sinalubong niya ang mama niya't niyakap ng mahigpit. Walang makakapantay sa kasiyahan niyang makita na labis din ang galak na nararamdaman ng mga magulang. "Hindi ko kayang isa-isahin ang lahat ng paghihirap na dinanas mo lalo na sa pag aaral. Hindi ka man namin kayang bilhan ng magarang regalo para sa graduation mo, nangangako naman kaming susuportahan ka namin sa lahat. Maraming salamat, proud kami sa'yo ng papa mo."
Ni hindi pa nga graduation ay sandamakmak na luha na ang nasasayang nito, paano pa kaya sa nalalapit nitong pagtatapos.
Nang makarating sa sariling kwarto ay agad niyang hinarap ang salamin para pagmasdaman ang kabuuan. Malawak itong ngumiti, hindi na inisip na nagmistula itong baliw sa ginagawa.
"You did great. Do more, follow your dreams."