Twelve: No

1140 Words
"GOODNIGHT, Viv. Labas tayo bukas, okay lang ba?" Hindi na mapigilan ni Vivianne ang paru paro sa tyan nito—malawang naglilibot kaya hindi na niya mapigilan ang maya't mayang pagngiti. Paminsan minsan nama'y inaabot ng kaba. At pinagsisisihan niya iyon! Paggising kinabukasan ay halos kumaway sakanya ang malalaking eyebags! Hindi siya nakatulog. Hindi siya pinatulog ng ganoong pag iisip kahit anong pwesto ang gawin niya at kahit gaano niya pa katinding ipinikit ang mga mata. Kaya naman wala na silang sinayang na oras ng magkakaibigan, agad agad siyang nakipagkita kila Jae sa condong tinitirahan ni Red. Masaya siyang nakikitang hindi rin magkandaugaga ang mga kaibigan nito, pakiramdam niya ay suportadong talaga siya—pero kahit naman noon pa ay hindi rin sila nagkulang sa pagpaparamdam. They actually had a great time! Pansamantalang nakalimutan ni Vivianne ang mangyayari maya maya lamang. "Pakiramdam ko, magtatanong na talaga siya! Oh my Gosh! Gusto kong makita, sama kaya ako?" Si Jae iyon na agad ding tinampal ni Red sa braso bago magtawanan. "Don't be too nosy! Hayaan na lang nating magkwento 'to si Viv." Iyon din ang iniisip niya kaya kinakabahan siya ng sobra. Paano kung magtatanong na talaga si Dirk sakanya? Hindi niya maiwasang isipin ang posibleng maging reaksyon niya. Naeexcite siya para roon. Suot ang White High-collar Bishop sleeves top, skinny jeans at Pointed toe heels ay inihatid pa siya ng mga kaibigan sa University—lugar na si Dirk ang nagdesisyon. Nagtataka man ay hinayaan niya na lang. Isa pa tuloy iyon sa naging batayan niyang may plano ngang iba ang binata. "Sigurado ka na ba rito? Ikaw lang mag-isa?" Napangiti nalang siya sa ginawang paninigurado ng kaibigang si Red. "I am! Thank you so much." Ang totoo, hindi na niya alam kung paano pa magpapasalamat sa dalawa. Simula pa noong nagkaproblema sila ni Dirk, nagkaayos ulit at ngayon.. palagi na silang nandyan. "The moment of truth, Viv. Balitaan mo agad kami ha?" Eksaktong alas dos ng hapon siya nakarating, katulad nang napag usapan. Nilibot niya ang paningin sa buong BU grounds noong wala sa lugar na napag usapan si Dirk—kahit ilang minuto na ang lumipas. Papunta na 'yun, paninigurado nito sa sarili. Pero taliwas sa lahat nang pangungumbinsi, nagsimula nang dumilim ang kalangitan ay wala pa rin ni anino ni Dirk ang dumadating. Hindi siya makapaniwala. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa damit na pinaghandaan ng mahabang oras, habang nagsisimulang manikip ang dibdib. Maya't maya ang mahihinang pagtawa sa sarili dahil nagmukhang naulit na naman ang nangyari noon. Hindi, nagbago na si Dirk. Alam niyang hindi na uulitin ng lalaki ang ginawa, imposible! Magkausap pa lang kami bago kami tumulak nila Red sa eskwelahan. Nanginginig ang kamay nitong kinuha ang cellphone, ilang beses na tinawagan si Dirk. Ilang beses nagbaka sakaling sasagutin iyon ng lalaki't hihingi ng pasensya sakanya. Pero wala. Hindi, nagbago na si Dirk. Hindi na niya napigilan ang malakas na pagbuhos ng luha kasabay ng malakas na pag-ulan. Hindi nagbago si Dirk. Marahil ay umasa na naman siya. Umasa siyang magiging iba sa pangalawang pagkakataon. Kinuha niyang muli ang cellphone, ayaw niyang sumuko agad. Baka may nangyaring hindi maganda. Baka kung ano lang ang nangyari kay Dirk. Pero lahat nang pagtatanggol nito kay Dirk sa sarili ay naglaho nang tuluyan nitong nasagot ang tawag. "H-Hello? Si Dirk—" Hindi na niya inantay ang sasabihin ng babaeng sumagot bago patayin ang tawag. Paano niya nga ba hindi makikilala ang boses na 'yon? It was Ulrica's. Ang pag-asang natitira ay agad na napalitan ng pagsisisi. Nagagalit ito sa sarili niya kung bakit hinayaan pa nitong papasukin sa buhay niyang muli ang lalaki. Kung bakit kailangan niya pang bigyan ng pagkakataon si Dirk! "Nice one, Viv. Great job," natawa nalang siya. Hndi halos mapaniwalaan ang nangyayari. Kung kailan naman sobrang iwas siyang maulit ang dati ay yun pa mismo ang nangyari. Hindi niya alam ang mararamdaman, hindi nito alam ang gagawin. Basta nalang siyang sumugod sa ulan habang ang suot na heels ay nasa kamay na niya. Marahil ay pagtatawanan siya ng mga makakakita pero wala na muna siyang pakialam sa mga ganoon ngayon. Hindi siya makapaniwala sa sarili. Hindi siya makapaniwala kay Dirk. "Vivianne! Ano bang naiisip mong bata ka? May payong ka naman ah!" Pagdating sa bahay ay nagawa pa nitong ngitian ang inang hindi na natigil sa sermon tungkol sa pagpapaulan nito. Para ngang hindi na rin siya makarinig, eh. Ang naririnig na lang ito ay unti unting pagkadurog ng nasa loob. Hindi pa nito malinaw ang nararamdaman pero isa lang ang sigurado niya, habangbuhay nitong pagsisisihan ang ginawa. Pagsisisihan niyang binigyan pa ng pagkakataon ang Dirk na iyon. "Viv! Ano, kumusta?" Gumapang siya pahiga sa kama pagkatapos ay tiningnan lang ang screen ng cellphone kung nasaan ang dalawang kaibigan. "OMG. Kayo na?" Sigurado siyang narinig ang sinabing iyon ni Jae pero ni hindi niya magawang sagutin. Nang napansin naman ng dalawang walang imik ang kaibigan ay agad silang nagpanic. Si Jae ang unang kumibo dito, hindi malapitan ang kaibigan lalo pa't nakavideo call lang. "Viv, are you okay?" Pero si Red ay may iba nang naiisip. Magaling magtago ang kaibigan pero alam niyang hindi magkakaganito si Vivianne kung maayos ang naging araw nito kasama si Dirk. "Viv, anong nangyari?" Mas malumanay na ang boses ni Jae, nagsisimula na ring makapag isip ng kung ano. "Hindi niya ako sinipot." Sa sinabi ni Vivianne ay sabay pang nailagay ng dalawa niyang kaibigan ang mga palad sa bibig. Gusto niyang tumawa dahil sa nararamdamang disappointment. Gusto nitong sigurin ang bahay ni Dirk ngayon ay paulanan ng mga katanungan. Iilang minuto pagkatapos manahimik ng mga kaibigan ay doon pa lang bumungkaras ng tawa si Jae. "Nice joke—" "Jae, hindi ako magbibiro!" Nagsisimula na naman siyang mainis, naalala na naman ang ginawang pang iindian sakanya ni Dirk. "Hindi talaga ako sinipot ng gagong 'yun!" Sa sinabi ni Vivianne ay mas lalo lang tuloy nabigla ang dalawa, "Did you just.." "Yep, deserve niya naman." Ihinarap niya sa dalawang kausap ang kalmadong mukha kahit sobra na ang nararamdaman niyang panggagalaiti. Sobrang mabigat ang pakiramdam niya, ni hindi nga ito makakilos mg maayos. Parang may nakapatong sakanyang kung ano at habangbuhay niya na sigurong hindi maaalis. "Matutulog na ako, kita kita nalang ulit sa Monday. At please, ayokong may magbabanggit ng pangalan ng lalaking 'yun. Bye." Hindi na niya inantay na magsalita pa ang dalawa niyang kaibigan. Hindi na dapat siyang magtagal sa usapan, nangingilid na kasi ang mga luha nito. Pakiwari niya'y babagsak na ano mang oras. Agad siyang nagtalukbong nang kumot, pinipigilan ang sariling umiyak. Hindi niya pwedeng iyakan ang lalaking iyon ngayon. Hindi na niya pwedeng ulitin pa ang ginawa kanina. Madiin niyang ipinikit ang mga mata kasabay ng pagbagsak ng mga luhang kanina pa kating kati lumabas. Anong ginawa ko sayo Dirk para gawin mo sa akin ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD