SUOT ang puting bustier na mayroong illusion bodice neckline na pinaresan ng stitched rounded pocket jeans at T-Strap heels, nanginginig na inabot ni Vivianne ang nakaabang na kamay ni Dirk sakanya.
Sinundo pa siya nito, nagkita lang sa highway sa labas pa ng street nila Vivianne. Ayos lang naman iyon kay Dirk, ganoon palagi ang sitwasyon ng dalawa tuwing gugustuhin ni Dirk sa sunduin ito.
Sa unang tagpo palang ay nakahinga siya ng maluwag. Buti nalang at hindi nito sinunod ang payo ni Red, mabuti't Jeans parin ang suot nito kaya't walang naging problema sa dalang motor ni Dirk.
Buong byahe ay halos manigas na siya sa kaba, ang pawis nito ay nanlalamig na rin. Mabuti nga at half day lang ang dalaga kaya nagkaroon pa ito ng mahabang oras para ayusan at pakalmahin ang sarili pero hindi pa rin siya magtagumpay.
"Ma, Pa, si Vivianne po." Iginiya ni Dirk ang nanginginig ng babae sa harap ng mga magulang niya, "Viv, parents ko."
Hindi inasahan ng dalaga na magiging sobrang awkward noon para sakanya, hindi na halos alam ang gagawin. Sa huli ay yumukod ito ng kaonti at ngumiti, "Magandang hapon po."
Nabalot ng iilang segundong katahimkan ang lugar bago bumungkaras ng tawa ang ama ni Dirk. Pasalamat naman doon ang halos malagutan na ng hiningang si Vivianne.
"Maganda ka pala talagang bata ka! Bakit mo pa ineentertain 'yang si Dirk?" Nagawa pang magbiro ni Dencio, ang ama ni Dirk.
"Pa naman." Natawa na lang rin si Dirk habang pinagmamasdang tumatawa si Vivianne. Sa totoo lang, maging siya ay kinakabahan din pero may tiwala naman ito sa pamilya niya.
Iginiya agad ng ama nito ang dalaga, hindi na natigil sa pakikipag usap. Ang mama niya naman ay tahimik na naghahanda ng pagkain.
"—ay, oo! Magaling talaga iyang anak ko. Kanino pa ba magmamana, iha?" Kahit noong kumain na ay hindi pa rin nauubusan ng kwento at tanong ang papa ni Dirk, masaya si Vivianne doon dahil kahit papaano ay nababawas bawasan ang kabang nararamdaman nito.
"Ako, ayoko namang iyan ang kuhaning kurso ng anak ko. Seaman, mabuti pa." Nangingiting bumaling si Vivianne sa mama naman ni Dirk dahil sa sinabi, akala niya'y sasali na rin sa pakikipagbiruan kaya ganoon na lang ang gulat niya nang makitang matalim ang titig nito sakanya.
Ang kabang onti onti nang naglalaho ay mas nagmistulang higante na ngayon. Doon palang ay may hinuha na siya, hindi siya gusto nito para sa anak.
Nagsimula nang malungkot doon ang dalaga. Nagsimula na itong kwestyunin ang sarili: Anong nagawa ko? Galit ba marahil ang ginang sakanya?
Her thoughts were cut off by Dencio, "Iha, nga pala. Gusto ka ring makausap ni Deric, teka tatawagan ko."
Sandali lang ay nakikipagkulitan na siya sa tatlo, kay Dirk, sa papa nito at kay Deric na nasa videocall lang dahil nasa barko na pero hindi pa rin mawala ang atensyon ni Vivianne sa tahimik na mama ni Dirk, tahimik na nagmamasid.
Siya sana ang mas gusto kong maging ka-close pero di bale, sa susunod.
"At alam mo ba 'yang si Dirk, nako—"
"Kuya naman, nilalaglag pa ako!"
Napuno ng tawanan ang bahay na iyon nang ilang oras lalo pa dahil andoon si Vivianne. It was a great time, pero hindi niya pa rin maiwasang tanungin ang sarili kung bakit ganoon ang trato ng mama nito sakanya. Wala naman siyang ginawang mali, sigurado siya don.
Ilang oras pa ay nakapasok na si Vivianne sa sariling kwarto at nakauwi na sa bahay. Baon niya ang magkahalong ngiti at pangamba. Masaya ito dahil nagkaroon siya ng kasundo pero ikinatatakot niya rin ang mama nito.
Ni hindi maalis sa isip ni Vivianne ang itsura ng mama ni Dirk na puno ng pagkadismaya bago pa ito umalis doon.
"BAKIT naman kailangan mo pang sabihin ang ganon sa bisita?" Pagkatapos maihatid ni Dirk si Vivianne ay iyon agad ang bumungad sakanya.
"Oh, eh sinabi ko lang naman 'yung totoo ah? Kung anong gusto ko para sa sarili kong anak." Nagdahan dahan lang sa paglalad si Dirk, ayaw nitong mapansin ng dalawa na dumating na siya dahil naisip pa nitong marinig ang pinag uusapan ng mga magulang.
"Pero hindi mo na dapat sinabi ang bagay na 'yun sa harapan niya."
"Ay! Bakit ba tanggol na tanggol ka sa babaeng iyon? Ngayon mo lang naman siya nakita. Wag mo na lang akong pakealamanan!"
Bumagsak ang balikat ni Dirk sa sinabi ng ina, alam naman nitong hindi niya ito mapipigilan. Sumagi na sa isip ng binata ang pwedeng gawin at isipin ng mama niya pero hindi niya pa rin inasahan na sasabihin nito ang ganong sa harap mismo ni Vivianne.
"Papakealamanan kita. Hindi ito tungkol kay Vivianne, mahal. Tungkol ito sa anak natin, tungkol sa anak mo."
Maya maya ay nakarinig na siya ng papalayong yabag ng paa, hudyat na tapos na ang usapan ng mga magulang kaya pupwede na itong pumasok.
Nadatnan niya doon ang mama niyang lukot pa rin ang mukha, halatadong iritado dahil sa sagutan nila ng ama ni Dirk. Kunwari ay walang narinig, dumerecho ito sa ina at nagmano pagkatapos ay dumerecho na sa sariling kwarto.
Ipinakilala nito si Vivianne sa mga magulang dahil gusto niyang ipakita sa nililigawan kung paano siya ituturing na pamilya ng mga iyon. Ipinakilala niya ito para makita ni Vivianne kung ano ang buhay ni Dirk paglabas sa eskwelahan. Gusto niya kasing matanggap niya ng dalaga sa kung sino talaga siya.
At kung ano man ang kinalabasan noon ay paniguradong hindi makakaapekto sa kung ano man ang pinaplano ni Dirk. Hindi ang reaksyon ng mama niya ang makapagpapatigil sa gusto nitong gawin.
"Dirk, ano, what happened?" Napangisi siya ng marinig ang boses ng kaibigan, si Yvo. Hindi niya maitago ang pagiging excited sa mga susunod pang mangyayari dahil sa pinaplano.
"Tuloy tayo bukas, Kuys!" Hindi na niya kayang magkwento pa, nawala na kasi sa utak nito ang kung anong nangyari kanina dahil nakapokus na iyon sa mangyayari kinabukasan.
"Really? Finally! I'll get them ready." Nagtagal ang kwentuhan ng dalawa, hindi maalis ang pinag uusapan sa planong isasagawa. Mapupunit naman na ang labi ni Dirk sa kakangiti.
Nang matapos ang tawag, kinuhang muli nito ang cellphone at pangisi ngising tinext ang numero ni Vivianne.
I'll see you tom, Viv. I'm expecting a yes.