TALAGANG 'A' for effort si Dirk sa panliligaw, alam nitong malaking bagay na ang ibinigay na pangalawang pagkakataon ni Vivianne at kapag pumalpak pa siya ay paniguradong pupulutin na siya kangkungan.
Kaya naman wala itong sinasayang na araw, bukod pa sa paghatid-sundo sa dalaga ay siya na rin mismo ang naghahanda ng pananghalian nito. Siya ang tagabitbit ng lahat at taga asikaso.
Noong una, ayaw pang pumayag sa ganoon ni Vivianne pero dahil sa kakulitan ni Dirk ay wala na rin siyang nagawa. Ayon kay Dirk, masaya naman siya sa ginagawa at gusto niya talagang gawin ang mga iyon para sakanya.
She can't argue enough. Masaya rin siya sa ginagawa ni Dirk, walang araw itong napapalagpas na hindi nito naipaparamdam na mahal siya nito. Natatakot man, nagsisimula na siyang kumbinsihin ang sariling sumugal. Sigurado namang hindi na siya madidisappoint dahil sobra sobra na ang pinakikita ni Dirk.
"Viv, wala pa sila Red eh. Busy daw. Saan tayo ngayon?"
Madalang na rin ang pagsasama sama ng tatlong magkakaibigan. Kung oo man ay siguradong kabilang din doon si Dirk. Hindi na halos sila napaghihiwalay na gusto naman ni Vivianne. Having Dirk around makes her feel safe. Iyong para bang kampante talaga siyang walang ibang makakasakit sakanya. She always finds comfort in Dirk's shoulders. Doon pa lang kumpirmado na niya kung ano man ang nararamdaman.
Magtataotlong buwan nang nanliligaw si Dirk, pero para kay Vivianne, ni minsan ay hindi nito nakakitaan ng kung anong pagkainip ang binata.
May pagkakataon ding nagiging pabago bago ang mood ni Vivianne pero hindi rin iniinda ni Dirk iyon. Mas lalo lang napatutunayan na desidido talaga ito sa dalaga.
Dahil isang oras pa ang bakante ni Vivianne sa hapon na iyon, pinili nila ang maupo muna sa New Grandstand. Naging paborito na rin kasi ng dalaga ang lugar dahil makararamdam ito ng peace sa panonood ng mapayapa ring lugar.
"Viv, can I ask you something?" Pinagpapawisan na agad ng malamig si Dirk kahit simpleng tanong lang naman ang sasabihin nito kay Vivianne. Ganito naman siya palagi, tensionado pag kaharap ang nililigawan.
"Ano 'yun?" Mabuti na lang talaga at hindi sakanya nakatingin si Vivianne dahil baka himatayin pa ito. Halos tawanan niya nalang ang sarili. Nagmukha siyang 'love sick fool' sa kung ano anong naiisip. Kaonti na lang talaga ay paniniwalaan niya na si Yvo sa kung anong inaasar nito sakanya.
"Ah." He can't even focus, alright! Nadidistract ito ng sobra sa magandang dilag na katabi. "Gusto ka kasing makilala nila Papa.. at ni Kuya sana kaso umalis na siya."
Kinabahan si Vivianne noong naisip na baka ang itatanong ng binata ay ang paglilinaw nito sa estado nila pero mas kakabahan pala siya sa totoong itatanong nito. Ipakikilala siya sa mga magulang?
Hindi ata niya kaya. Nakakahiya iyon pag nagkataon.
Pero salungat sa pag iisip nito ng pag hindi at pagkahiya ay dere derecho rin ang kabilang banda ng isip niya kung ano ang maaari niyang isuot at iba pang bagay na konektado sa pagiging excited niya doon.
Maganda kasi iyon, ang maipakilala at syempre makapasok sa buhay ni Dirk pero hindi nito maiwasan ang pangangatog ng binti tuwing nasisimulang isipin ang mga iyon. Kaya ba niya? Paano kung hindi siya magustuhan ng pamilya nito?
"Sigurado ka ba dyan? Paano kung hindi nila ako magustuhan?" Malaki talaga ang pagkakaiba ni Vivianne sa mga kaibigan. Una na rito ang pagkilos pati ang pagsasalita.
Salungat sa pagiging expressive ni Jae, hindi naman magaling si Vivianne sa pagpapahayag ng totoong nararamdaman. Oo nga at sisiw lang sakanya ang magturo at magsalita sa harapan pero bagsak naman siya pagdating sa pagtanggap ng totoong nasa loob nito. Hindi siya showy, iyon ang madalas na ikinaiinggit niya dahil gaano man niya gustuhing baguhin ang mga iyon ay wala rin siyang magawa tungkol dito.
Hindi rin siya katulad ni Red na Ms. Know-It-All, kadalasan kapag may nalaman at napapansin siyang iba ay mas pinipili niya nalang manahimik. Hindi naman sa hindi niya alam kung paano sabihin, kundi dahil wala siyang lakas ng loob para magsabi.
Malaki ang mga ngisi ni Dirk nang sumagot, nakakakita na ang pag asang baka pumayag si Vivianne sa tanong nito. "Sino bang tao ang hindi ka magugustuhan?"
Nang marealize ang malakas at excited na pagkakasabi, doon lang muli siya ginapang ng kaba. Baka nabigla ko si Vivianne pagkatapos ay hindi na lalo tumuloy. Damn you, Dirk.
"K-Kung ganon, sige. Kailan ba para naman makapaghanda ako?" She needs to try. Naisip nitong mas okay din atang makilala siya ng magulang bilang nililigawan ng anak nila.
Kaya lang, doon naman siya inabot ng pressure. Itinatanong sa sarili kung kailangan din ba niyang ipakilala si Dirk sa mga magulang niya? Parang hindi pa ako handa para doon.
"This friday. Pero wag kang mag alala, ihahatid kita. Saka hindi ka rin aabutin ng gabi, I swear." Tiningnan lang niyang muli si Dirk bago ngumiti at tumango.
Mayroon pa naman itong apat na araw para maghanda pero ngayon pa lang abot abot na ang kabang nararamdaman niya. Paano niya haharapin ang mga ito? Paano kung hindi siya magustuhan? Ano ang isusuot niyang damit? Paano kung husgahan nila ang mga kilos niya? Hindi niya sanay sa mga ganon, paano kung pumalya siya? Paano kung maipahiya niya si Dirk?
She really needs help.
"Hey, Viv. Ayos ka lang?" Kanina pa kasi siya balisa, hindi man halata kay Vivianne pero ramdam iyon no Dirk. Nasanay na kasi siya sa dalaga. Pakiwari niya ay eksperto na siya sa mga kahulugan ng ikinikilos nito. Posible namang mangyari iyon dahil highschool pa lang ay nakakasama na siya ni Vivianne.
"Ayos lang." Alam niyang hindi epektibo ang pagsisinungaling niya kay Dirk pero sumubok pa rin siya. Kung sakali naman kasing sasabihin nito ang totoo, hindi niya rin alam kung paano niya iyon gagawin.
Marahang hinawakan ni Dirk ang pisngi niya, sapat na para maramdamang muli ang mga paru parong pagala gala sa tiyan nito. "Viv, I'm here. Pwede mo namang sabihin sa akin kahit ano. Kahit hindi mo alam kung paano mo sasabihin, makikinig ako."
Nabanggit niya na ba kung gaano siya kaswerte sa binata? Kasi kung hindi pa, maswerte talaga siya. Kilalang kilala at basang basa siya nito. Madalas ay hindi niya na kailangan pang magsabi dahil mas nauuna pa si Dirk madalas na magsabi ng posible niyang maramdaman.
See, that's my Dirk, bulong na lang niya sa sarili.
Nang makauwi ay agad niyang tinawagan ang mga kaibigan para manghingi ng tulog, katunayan ay kanina niya pa iniisip ang mga iyon pero ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon para sa gawin.
"What?! No! Fine, I'll let you borrow my Jewel Kilcher inspired long gown. It's aqua blue—"
"Wait up! Why is she wearing that? Mukha naman siyang ikakasal, Red! Ipapakilala pa lang naman sa magulang."
Katulad nang nakasanayan, nagtatalo na naman ang dalawa. Nabanggit niya pa lang ang isusuot niya ay ganoon na kaagad kahaba ang diskusyon. Paano pa kaya kung sasabihin pa nito ang kabang nararamdaman niya.
"Why? What's wrong with that? Some parents kasi will judge you! Ang gusto nila 'yung bongga at sophisticated! Kaya dapat ang akin ang suotin mo, the gown screams elegance. 'Yung unang pasok mo palang parang kaya mo na silang bilhin!"
Napatanga siya sa sinasabi ng kaibigan. "Red, 'yun na nga. The 'real' me can't buy them. Sa akin lang, I don't wanna hide my true identity para lang magustuhan nila ako. Gusto kong ma-impress sila, pero ayokong magpa-impress."
Sumimangot siya, naiisip na baka maging ang mga kaibigan niya ay hindi na naiintindihan ang pinagsasabi nito.
"Fine. Kung may problema kayo about my dress, so be it. Bahala kayo." Natawa na lang siya sa mabilis na pag iba ng mood ni Red. Ganoon naman talaga ang kaibigan, handa siyang makipagdebate sa'yo kahit sa mahabang oras pa basta wag mo lang kakantiin ang mga collection gowns at clothes niya.
Napabuntong-hininga nalang si Vivianne, mukha talagang mahihirapan siya. At kung ganoon man ay siguradong dapat maghanda na siya ngayon pa lang.