Nine: You can court her

1642 Words
SANDAMAKMAK na tsokolate ang naabutan ni Vivianne sa ibabaw ng upuan nito para sa unang araw ng midterm exams. Pakiramdam nga niya ay lumulutang siya dahil inubos niyang pagkaaralan ang lahat ng diniscuss nila simula sa simula. Napabalik lang siya sa sarili nang makita ang mga paborito niyang tsokolateng nandoon. Halos manubig ang bagang niya. Sino bang bastos ang maglalagay pa rito ng tsokolate nila para lang mainggit siya ng wala sa oras? Maya maya, wala sa sarili nitong itinaas ang tsokolate na ipinapakita pa sa lahat ng kaklaseng nandoon. "Kanino ba 'to?" She really wants some chocolate, masama iyong naiisip niya pang manghingi kung kanino man iyon. Natawa nalang siya sa sarili bago ibinalik ang tingin sa mga kaklase. Lahat ng iyon ay nakatanga lang sakanya. "Uy! Sabog rin ba kayo?" Sa tinuran ay nagsimula nang mag ingay ang mga kaklase nitong natahimik sa bigla niyang pagtatanong kanina. "Ikaw yung sabog! Para sa'yo kaya yan." Si Marie na ang sumagot, ang presidente ng klase nila. Napuno ng tawanan sa loob na sinundan ng pagkunot ng noo ni Vivianne. Kapagkuwan ay agad rin itong natauhan, parang bumalik siya sa pagiging si Vivianne. Yumukod ito ng kaonti, ninanais na makahingi ng tawad sa mga kaklase dahil sa pagiging maingay bago umayos ng upo. Bakit ba nawala sa isip ko na baka bigay na naman ang mga ito ni Dirk? Napailing nalang siya. Pagkatapos ng mga pangyayari noong BU week hanggang ngayong mayroon nang normal na klase, hindi natitigil si Dirk sa paghahatid sakanya pag uwi at pagbibigay nito sakanya ng kung ano ano. Hindi niya tuloy maiwasang isipin na baka nanliligaw na ang binata. Pero wala pa naman itong sinasabi. Sa naisip ay mas lalong hindi siya mapakali, paano kung oo na pala at mabansagan siyang manhid katulad ng mga sinasabi ng kaibigan? Maya maya'y naisip na kung manliligaw man ang binata, handa na ba siya para rito? Handa na ba siyang bigyan ulit ng pagkakataon si Dirk? Pinuwersa nito ang sariling kalimutan ang iniisip nang magsimula na ang exam pero hindi pa nito halos magawa. It was a hard battle between her mind—to focus on the exam, and her heart— to think about what Dirk will do next. Halos naipagsabay na niya ang pagsagot sa exam at ang pagde daydream. Tatlong araw tumagal bago nila matapos ang midterm examination, maiksi na iyon kumpara sa araw na itinatagal ng exams para sa mga kaibigan dahil mukhang aabot pa iyon ng limang araw. Depende kasi sa subject at sa professor ang pag eexam, sila mismo ang gumagawa ng schedule kung kailan pupwede na at natapos na ang lahat ng araling kailangang talakayin. At dahil doon, tatlong araw niya na ring hindi nakakasama ang mga kaibigan— Red and Jae. Nalulungkot din ito para sa mga kaibigan, naiisip niyang pagod na rin ang mga iyon kakareview pero hindi pa sila matapos tapos. Sa tatlong araw ng examination, hindi natitinag si Dirk sa pagbibigay ng kung ano ano. Napansin niyang mas lumalala pa ang mga iyon kumpara sa mga dati nitong ginagawa. Sobrang naaappreciate niya ang lahat ng iyon. She couldn't even ask for more! Masayang masaya na ito sa pinapakita ng binata sakanya. Kaya lang, hindi pa siya sigurado sa nararamdaman sakanya ng binata. Pero ganon din naman ito sa sarili. Hindi nito kayang obserbahan ang nararamdaman. May epekto sakanya si Dirk, hindi niya iyon maitatanggi. Hindi lang malinaw sakanya kung saang aspeto iyon nabibilang. "Vivianne, saan kana?" Binalingan nito si Tessa, kaklase niya. Madalas na rin silang nakapag usap kaya hindi na siya gaanong naiilang pa sa babae. "Uuwi na, Tessa. Busy din kasi mga kaibigan ko." Malawak siyang nginitian ni Tessa, ngayon tuloy ay nagsisimula na naman siyang mailang. Hindi siya sanay sa ganong pagtrato ng ibang taong hindi nito kaclose. "Uh.." Sa ikinikilos ay halatang nag aalangan ang kaklase. Medyo weird, paulit ulit iyong tumatakbo sa isipan ni Vivianne. "Pwede bang magpasama ako sa'yo sandali?" Dahil wala naman talagang sunod na gagawin at hindi pa nagtetext si Dirk—na kanina niya pa inaantay, hindi na rin nito napigilan ang pagtango. Tahimik lang na babae si Tessa, kaya siguro siya ang unang kinausap nito dahil may pagkakapareho sila. Hindi nila parehas gusto ang makipagsalamuha sa maraming tao. "Saan tayo, Tessa?" Totoong nag aalangan parin si Vivianne lalo na ngayon dahil sa daang tinatahak nilang dalawa. "Ah, dyan lang sa IPESR." Sa narinig ay parang mauubos ang dugo ni Vivianne. Paano kung makita niya roon si Dirk maging ang mga kaklase nito? Agad siyang nabalot ng kaba. Kahit kasi parati silang magkasama ni Dirk, hindi pa rin maalis dito ang mabilis na pagtibok ng puso niya kahit ang malaman lang na magkikita silang dalawa sa araw na iyon. Hindi niya iyon basta basta matatago! "B-Bakit?" She's nervous, alright? "Anong gagawin mo dun?" Pinilit niyang pinapakalma ang sarili. Hindi naman siya magpupunta roon para sa binata, pupunta siya para samahan ang kaklase. Wala namang dapat ipag alala doon. Gusto niyang maniwalang nagtagumpay na sila sa pang aalu sa sarili pero alam niyang isang malaking kalokohan lamang iyon. Kaya pagtapak na pagtapak niya palang sa daan papasok ay habol na nito ang hininga. Vivianne, you need to calm down. Madaling oras ka lang naman dito. She failed, for the hundred times of trying. Gusto nalang niyang ipukpok ang sarili para matigil pero imposible naman, tinawanan niya nalang ang sarili habang dahan dahang umaakyat patungo sa tinatahak na room na sinasabi ng kaklase. Bumagsak ang mga balikat niya, halatang napapagod narin dahil sa abnormal na pagtibok ng puso. Nang marating ang tinurang palapag ni Tessa ay sabay pa silang pumihit ng lakad papalapit sa isa sa tatlong mga rooms na nandoon. "Sorry, Vivianne. Nautusan lang ako." Nagtataka kaya awtomatikong napakunot ang noo niya sa kaklase bago tingnan ang room na nandoon. MALAWAK ang ngiti ni Dirk nang sinubukan nitong harapin si Vivianne, katulad ng turo ng mga kaklase at kaibigan ay isa lang ang kailangan niyang imaintain kapag kaharap ang babaeng gusto— ang confidence. Kaya naman itinatak niya iyon sa utak niya. Hindi natinag ang ngiting iyon kahit mabilis na napadpad ang mga palad ni Vivianne sa bibig na ngayon ay gulat na gulat sa nakikita. Katulong ang mga kaklase at kaibigan ni Dirk, pinaghandaan nilang mabuti ang araw na ito. Nagkataon pang tapos na ang midterms kaya naman talagang napagbuntungan ng iba't ibang efforts. Nahati sa dalawa ang klase, ang unang kalahati ay nag aabang lang ng mangyayari sa labas nfg room at ang kalahati naman ay nasa loob at may hawak ng iilang mga papel na kalaunan ay ipapakita kay Vivianne—iyon ang plano nila. Nang unti unting naglakad papasok doon si Vivianne ay hindi na niya napigilan ang mapahawak sa mesang nasa harapan. Parang biglang nawalan ng lakas ang mga tuhod nito at sa mga minutong lumilipas ay baka bumigay pero hindi pa rin nito iwinala ang pag ngiti. "Dirk.." Hindi makapaniwalang inililibot ni Vivianne ang paningin sa loob ng room na iyon, aakalain mong isang ordinaryong kwarto nalang iyon at hindi na isang classroom. Halos manubig ang mga mata ni Vivianne sa mga nakikita, puno ang mga lobo sa kisame na may mga nakataling mga litrato ng dalaga. Marami iyon kaya hindi halos siya makapaniwala, kailangan ng maraming oras at lakas pati na rin effort para makagawa ng katulad nito. Kung iisipin niya lang ang mga iyon hanggang mamaya ay paniguradong maiiyak siya. Kung ano man ang nangyari sakanila noon ni Dirk, alam parin nito sa sarili na hindi nito ang deserve ang mga bagay na katulad nito pero ginawa pa rin para sakanya ng binata. Maswerte ako kung ganoon. Nang binalingan niyang muli si Dirk, nawala na ang ngiting kanina pa nito pinanghahawakan. Napangiti ulit siya sa ganon, ginagawa nito ang lahat para sakanya. Halatang halatang gusto nitong bumawi at seryoso ito sakanya, hindi lang dahil sa ginawa niya ngayon kundi pati narin sa mga ginagawa pa ni Dirk noong mga nakaraang araw. Nang itinuon ni Vivianne ang atensyon sa mga palamuting naroroon pati na sa mga kaklase niyang nasa loob ng kwartong iyon, don na nagsimula ang napag usapang plano. Unti onting iniharap nang mga kaklase niya ang hawak na mga papel na nagsasasad ng tanong na, "Pwede kabang ligawan?". Hindi na halos magkamayaw ang sistema ni Dirk. Pero kailangan niyang mas maging malakas at confident dahil hindi pa nito nagagawa ang buong plinano. Nanlaki agad ang mata ni Vivianne nang mabasa iyon, hindi niya alam kung ano ang iisipin. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman dahil tila nag uunahan ang lahat ng iyon! Nanginginig dahil sa mga nangyayari, bumaling ito kay Dirk. Alam nitong bata pa sila para sa mga ganitong bagay pero may mga pagkakataon din naman sigurong mararamdaman nila ang ganto. Ang kilig at ang saya. "Viv, I want to ask you, ayaw ko narin kasing maguluhan ka pa pati ang sarili ko, pwede ka bang ligawan?" Maiksi lang ang mga 'yon pero napasigaw nun ang halos lahat ng kaklase niya, naghihiyawan ang mga ito na parang masaya sila para sakanilang dalawa ni Dirk. With that, her heart flutters. Hindi pa pala siya nanliligaw noong mga nakaraang araw? Gusto nitong tawanan ang kaharap para maitago ang kabang nararamdaman pero naisip nito kung paanong irespeto ni Dirk ang nararamdaman niya. Pupwede na siyang tanungin ni Dirk ngayon kung pwede nang maging sila pero hindi niya ginawa dahil hindi pa ito nakakapagpaalam sa panliligaw. He's always that thoughtful. Hindi parin siya magbabago. Bumuntong hininga muna si Vivianne, bumaling sa lahat ng efforts at palamuti na nasa kwartong iyon pati na rin ang mga kaklase niya bago malawak ang ngiting nagsalita. "Pwedeng pwede, Dirk. Salamat sa ginawa niyo—" Hindi na nito natuloy ang sinasabi dahil sa mahigpit na yakap ni Dirk. Pinayagan ko palang manligaw, hindi ko pa naman sinasagot. Napailing nalang siya saka hinayaang lumabas ang tinatagong ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD