Eight: Nervously in love

1363 Words
Siguro para sa isang ordinaryong tao, madali lang lumipas ang mga araw. Pero sa kaso ni Vivianne, ang bawat minutong pumapatak ay ramdam na ramdam niya. Sa sumunod na mga araw, hindi ito naubusan ng mga gagawin. Nakaschedule kasi ang midterms isang linggo pagkatapos ng Bicol University Week kaya kailangan nitong bilisan ang pagtapos sa mga requirements na kailangang ipasa bago matuloy ang examination. Pero kasabay rin dito ang pagdalo at pagsuporta sa mga program na nakapaloob sa BU week. Kung paano magagawa ang lahat ng iyon? Siguro pwede na isama sa skill ng mga BUenos. Nasa New Grandstand sila ngayon habang nag aabang ng laro sa football. Wala naman silang pambato pero susuportahan nila ang kani kanilang colleges. Pagkatapos makapag attendance per block ay doon na nagkita kita sila Vivianne. "Asan na si Jae?" Humahangos pa noong nagtanong si Red, kararating lang ng dalaga na kaagad ding nahanap si Vivianne. Napabaling agad si Vivianne sa suot ng kaibigan, itim na Pointed U neck mula sa F21 ang mas lalong nagpakita ng ganda ng katawan ng kaibigan tapos ay pinaresan pa ng puting flare pants at Chelsea boots. Akmang sasagutin naman niya ang kaibigan ng bigla na ring sumulpot si Jae na hindi rin nagpatalo sa suot na pulang blouse na may kimono sleeves, skinny jeans na binagayan pa ng suot nitong cocktail hat at itim na flatform pumps. Naiiling nalang niyang tinawanan ang sarili. Dahil sa mga kaibigan, naramdaman nitong nawala siya sa lugar. Paano ba naman lalaban ang suot niyang asul na tshirt ng College of Education at faded jeans? "Tingnan mo itong mga lalaki rito, tingin ng tingin. Kaya mas gusto kong nakauniform ako, pakiramdam ko ligtas ako." Reklamo na naman ni Red ang nanguna pero si Jae na ang nakipag usap doon. Sandali siyang natahimik dahil inililibot ang paningin sa buong lugar. Pilit na hinahanap si Dirk. Ganon lang ang naging sitwasyon nila ni Dirk hanggang sa maihatid siya nito pauwi. Mas mabuti na iyong ganon dahil hindi na siya namroblema. Mas magandang naging tahimik nalang kaysa mag usap pa ang dalawa. Kaya lang pagkatapos ng araw na iyon ay hindi niya na ulit pang nakita ang binata. Marami na itong naiisip na kung ano at hindi niya magawang maipaliwanag ang lahat ng iyon. Malakas na tili at sigaw lang ang natanggap niya mula sa kaibigan nang minsang kwinento nito ang nangyari, masaya raw ang mga ito para sa dalawa. Hindi niya nalang rin ginatungan ang mga ito dahil ayaw na niyang magtagal ang ganong usapan. Ilang minuto pa, nag umpisa na ang game kaya nag focus narin doon ang magkakaibigan. Pero si Vivianne, hindi parin tumitigil sa paglilibot ng paningin. Umaasang makikita si Dirk sa lugar na iyon. Wala naman itong pwedeng puntahan hindi ba? Nang nagtagal ay sumuko narin ito sa paghahanap at mas ituon ang atensyon sa pinanonood. Vivianne felt her whole body stiffened noong may kamay na pumiring sa mga mata niya. Wala siyang ibang maisip kung sino maaari iyon, gayong katabi niya ang dalawa niya pang kaibigan. Mabilis nitong tinanggal ang pagkapiring tapos ay hinarap sa mabilis na kilos ang taong nasa likod dahilan para magkalapit ng sobra ang mukha niya at ng lalaking kaharap niya. "D-Dirk.." Hindi nakalagpas sa paningin ni Vivianne ang marahas na pag lunok ng binata. Ni hindi rin nito magalaw ang katawan. Parang namamagnet ito sa mukha ng kaharap. Buo ang pasasalamat niya ng biglang tumikhim ang katabing si Jae dahilan para mag ayos ang mga ito. Napatayo ng tuwid si Dirk samantalang iniayos agad ni Vivianne ang pag upong nakaharap sa larong pinanonood. "Can someone please tell me why am I single?" Nagtawanan silang lahat sa gagad ni Jae, madaling napagaan noon ang sitwasyon. Her friends are the best! Naibulong nalang ni Vivianne iyon sa sarili. Masayang winelcome ni Jae at Red si Dirk at ginawan agad ng paraan para maging magkatabi ang dalawa. "Kumusta? Kumain kaba?" Kanina pa nito tinatago ang pagngiti, pero hindi na muli pang napigilan ni Vivianne ang nga iyon ng marinig ang nag aalalang tanong ng lalaking katabi. "Kumain ako. Sana ikaw rin.." Nginitian lang siya ni Dirk bago tumango. Parehas nito pinakikiramdaman ang isa't isa at parehas ding nagpipigil ng mga ngiti. "Kailangan ko ng jowa!" Binatukan ni Red si Jae dahil sa sinabi nito bago ulit magtawanan. Kapagkuwan ay agad ding tumayo ang babae. "Bili muna akong food and hanap akong lalaki." Tumakbo na si Jae at hindi na inantay ang nakaangat ng mga kamay ni Red na handang itama sakanya. Matatalim ang mga matang bumaling muli si Red sa pinanonood. "Kita mo 'yon, parang hindi naloko. Hindi nadadala." Dahil wala nang magawa para sa kaibigan, hinayaan nalang nito ito't nagpukos na sa panonood. "Asan na ba 'yang Jae Natividad na yan?!" Kung asan man si Jae, kailangan niya talagang sumulpot. Tiningnan ni Vivianne ang kaibigang naghuhuramentado na, kanina pa kasi nagpaalam si Jae pero mag iisang oras na nang matapos ang larong pinanonood ay walang bumalik ni anino ng kaibigan. Pagkatapos ng laro ay agad din silang bumaba para kumain, nagbabakasakaling makikita doon ang kaibigan pero wala. "Tinatawagan ko out of coverage eh." Yun na ang huling sinabi ni Dirk bago nila kaagad nakita si Jae. Pilit ang mga ngiti nito dahil kaagad ding nakita ang galit na mukha ni Red. "At saan ka naman nagsuot?!" Napailing nalang si Vivianne sa nakikita. Nagmukhang nanggigigil na nanay si Red sa pasaway nitong anak na si Jae. "Red.." Mahina itong tumawa bago pabirong niyakap ang kaibigan. "Ano ba, get off me!" Nagkatinginan sila at sabay na natawa ni Dirk. Kahit kailan talaga walang pinagbago ang mga kaibigan niya. "Alright, fine. Guys, I want you to meet Khlar." Sabay sabay na napatingin ang tatlo sa lalaking katabi ni Jae. Mahina namang natawa si Red sa biglaang pag anunsyo, "Talagang naghanap nga." "Dirk, pare." Tumayo si Dirk at sinikap makipagkamay sa lalaki habang halatang mainit parin ang ulo ni Red. "Anong pare? Kuya mo yan, Dirk!" Dahil sa narinig, bumaling ulit si Vivianne sa lalaking tinutukoy na agad ding nalukot ang mukha. "Jae naman." Bumungkaras ang kaibigan, pagkatapos ay sinaway ni Red dahil masyado raw maingay. Natatawa nalang siya sa mga nakikita pero hindi nito ipinilit ang makisabay. Natuloy ang usapan nang umupo na si Jae at si Khlar at sumama sa kwentuhan, naenjoy iyon ni Vivianne at lalo na ni Red dahil siya ang madalas na pagtitripan. "Pakealam ko! Hindi ako magboboyfriend dahil lang I feel alone around all of you. Ayoko ngang saktan ang sarili ko!" Naging ganon ang sitwasyon hanggang maisip ng lima ang umalis doon at magkanya kanyang umuwi. "Mabuti naman at hindi mo dala." Hindi na napigilan ni Vivianne ang magsalita dahil sa nalamang hindi dala ni Dirk ang motor nito. Mabuti dahil baka hindi na nito kayanin na maging magkalapit na naman sila ni Dirk ng ganon. "Ah.." Nag aalangang tumawa si Dirk sa narinig, hindi nito maitago ang kabang kanina pa nararamdaman dahil kasama nito si Vivianne. Kailan ba ko magkakalakas ng loob magtanong? "Hindi ko dinala para matagal." Mahina ang pagkakasabi niya noon kaya hindi nito inasahan na maririnig pa ito ng dalaga. "Matagal ang alin?" Wala pa ngang sinasabi si Dirk ay hindi na nito mapigilan ang pamumula. Minsan ay hindi mo rin talaga magugustuhan ang pagiging maputi. Imbes na sagutin ay naging senyales na iyon kay Dirk para ilabas ang matagal ng nakatago sa bag nito. Nangingiti ito ng inabot niya ang tatlong pirasong pulang rosas sa dalaga, katulad ng naunang pagkakataon, hindi siya mapakali at hindi ito handang makita ang reaksyon nito. Kasalungat sa naiisip, tinanggap naman agad iyon ni Vivianne na mayroong ngiti sa labi. "Salamat, Dirk." Hindi nito malaman ang gagawin, halata sa binata ang kasiyahan pero hindi parin ito magkandaugaga sa pag iisip ng kung ano ang susunod na gagawin at kung ano ang susunod na pag uusapan. He wants to be perfect infront of Vivianne, dahil baka sa ganon ay mabigyan ulit siya ng pagkakataon ng dalaga. Ngayon, wala na itong pakealam kung matagalan siya at mahirapan. Nakatutok na ang atensyon nito sa kung gaano kahalaga ang makukuha niya kapag pinag igihan niya at iyon ay si Vivianne.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD