"NO freaking way!" Si Red na ang naunang pumuna. Nasa loob sila ng Bon Appeteá ngayon, lugar na malapit sa Peñaranda Park. Doon kasi magsisimula ang parade na gagawin nila paras sa pagbubukas ng Bicol University week.
Ala una ng hapon, napuno na ng mga estudyante ng BU ang Peñaranda park. Hindi halos mabilang ang mga nandoon, all of them are on their PE uniform. "Nung welcome party na kaya ko pang maglakad sa initan because it's morning! But now? Seryoso? Alas dos?"
Nagkatinginan nalang sila ni Jae habang nakikinig ng mga reklamo mula kay Red. Mainit naman talaga, pero wala ang mga iyon para sakanila dahil kailangan nila itong gawin para sa mga grades nila. Hindi pwedeng bumagsak ang mga ito, hindi nila pwedeng pabayaan ang mga subjects lalo na kung minor lang naman ang mga iyon.
Mula sa itaas, nakikita nila ang iilang estudyanteng nakasuot na ng 'controversial' golden yellow socks na gagamitin para sa BU Hataw mamaya. Controversial dahil nakatanggap ito ng iba't ibang kritisismo sa loob at labas ng eskwelahan.
"Look..." Bumaba ang tingin nila sa mga estudyanteng nakasauot ng ganon. Si Red parin ang nagsasalita at hindi tumitigil sa kakareklamo. "I am not wearing that thing!" Napailing nalang si Vivianne, sa ipinapakita ay halos maghuramentado na ang kaibigan.
"Yep.. I am not wearing that as well—"
Pinutol ni Vivianne ang pagsegunda ni Jae, "Kailangan."
Isang salita lang pero dalawang kaibigan na niya ang halos manggalaiti. Well, iyon naman talaga ang totoo. Lahat naman siguro hindi pipillin ang ganon kung may pagpipilian.
Maya maya pa, nang nakita na nila ang pagsisimulang pag aayos sa pila ay bumaba narin sila. "Nagsunblock ba kayo? Jae, Viv?"
Tumango roon si Jae at humindi naman siya. "Uy, magsunblock ka!" Natatawa ito kay Red, alalang alala sa mga kaibigan.
"Allergic ako sa mga ganyan, okay lang naman."
Nang maintindihan nito ang sinasabi niya agad rin itong tumigil pagkatapos ay sinuot ang hoodie nitong nasa mga balikat lang. Kapagkuwan ay naghiwa hiwalay narin dahil nagkakaroon na ng mga pila sa bawat course program.
Nang magsimula ang parade, halos malula si Vivianne sa sobrang daming taong naroroon. Bukod pa sa mga estudyante, may iilang alumni din na naroroon at halos lahat ng mga propesor sa iba't ibang colleges.
Kulang kulang sampung libo siguro ang lahat ng iyon kaya naman natapos ang nasimulang parade ng pasado alas sais na ng gabi.
It was a little bit boring for Vivianne lalo pa't hindi niya kasama ang mga kaibigan. May iilan din naman siyang mga kaklaseng nakakausap pero hindi siya nagsettle sa mga iyon.
Nagsimula ang programa ng madilim na ang kalangitan, hindi nito mawari kung anong oras na dahil nilagay na nila sa gilid ang mga gamit at naghanda na para sa BU Hataw.
Doon lang siya kinabahan, hindi siya sanay sa mga okasyong katulad nito. Paniguradong maraming taong nakapalibot sakanya, hiwalay pa roon ang mga manonood.
Abot abot na kaba ang naramdaman ni Vivianne nang magsimulang magsalita ang presidente ng Universidad. Ayon sa plinano, magsisimula ang pagsayaw pagkatapos nito makapagbigay ng mensahe.
Hindi pa nangangalahati ang presidente sa kaniyang talumpati nang malakas na bumuhos ang ulan.
Hindi nila iyon inasahan at hindi narin napigilan, hinayaan ng mga estudyanteng naroroon na mabasa at magpaulan. Vivianne enjoyed it!
Ilang beses nga lang ba siya nakaligo sa ulan noong bata pa siya? Hindi niya tuloy maimagine ang kaibigang si Red, ano kaya ang reaksyon nito? Tahimik nalang siyang natawa sa likod ng pag iisip.
Sumuong sila sa BU grounds nang magsimula ang BU Hataw, hindi sila napigilan ng malakas na ulan kahit alam na nito ang kahahantungan kinabukasan.
Sumasayaw ang mga ito habang mas lalo pang nababasa ng libo libong butil ng ulan, the students are really enjoying pati narin ang mga nanonood sakanila.
Madalas ay napapasigaw at napapatili si Vivianne kapag hindi nito napipigilan ang kasiyahan. Kahit papaano ay nakalimutan nito ang problema, kahit papaano ay makuha niya paring maenjoy ang buong araw.
Napag usapan ng tatlo na kahit ano man ang mangyari, pagkatapos ng hataw ay magkikita kita sila sa Gracianas, iyong lugar at kainan sa foodcourt na madalas nilang tinatambayan kaya pagkatapos ay hindi na nag antay pa ng ilang minuto si Vivianne. Agad na siyang nagpunta doon.
Bitbit ang malawak na ngiti kahit basang basa sa ulan, excited si Vivianne magpunta para makamusta ang mga kaibigan pero hindi naman iyon ang nadatnan niya.
"Vivianne?"
Nawala ang mga ngiti niya pagkatapos ay agad na binalingan ang sarili. Agad siyang sinalakay ng kahihiyan, iniisip kung ano ang posibleng itsura nito sa harap ni Dirk.
Magtatanong palang sana ito kung nasaan ang mga kaibigan niya ng sabay na tumunog ang telepono ng mga ito.
From Red Valencia
Because we're good friends, we know that you'll be safer with Dirk. Derecho hatid yan hanggang sa bahay niyo. Ingat kayo, viv! Ily.
"Pinapunta nila ako rito, hindi ko alam na hindi pala sila makakapunta."
Pinakatitigan niya ang lalaki, bakit siya nagpapaliwanag? Bakit mukhamg siya pa ang guilty sa ginawang pang iindian ng mga kaibigan?
Hindi na muna nirereplyan, tinago na nito ang cellphone nito. Mabuti ay tumigil na ang ulan kaya nakabawas na iyon sa hassle sa pag uwi nila.
Napabaling lang ito muli sa kasama ng may inabot itong paperbag, a dry paperbag.
"Uhm, magandang makapagpalit ka kaagad para hindi ka magkasakit." Gulat na ibinaba niya ang tingin sa loob ng paperbag. At nang maisip na baka hindi naman natatanaw ni Dirk ang mukha niya ay pinakawalan na nito ang kanina pa pinipigil na ngiti.
Nang muli siyang mag angat ng tingin ay nakumbinsi na niya ang sarili niyang pumirmi at umayos. Bumuntong hininga muli ito bago magsalita, "Magpapalit na muna ako, s-salamat."
Gusto nitong manggigil sa sarili. Hindi ba masyado siyang halata? Magsasalita nalang ng maayos ay hind niya pa nagawa.
Tumango lang si Dirk at ngumiti, doon lang rin nito napansin na nakapagpalit na rin ang binata at nakasimpleng shorts at itim na tshirt nalang ito.
Nang makaalis naman si Vivianne, agad na napainom ng tubig si Dirk. Nag aalala ito para sa sarili dahil sa kanina pa nito pinipigil ang paghinga.
He needs to calm down, matagal tagal na oras pang magkasama ang dalawa kaya hindi na niya hahayaan ang sarili na pumalpak pa.
Hindi man plinano ay alam nitong tinulungan parin siya si Jae and ni Red. Kailangan talaga nitong magpasalamat ng marami sa mga babaeng iyon.
Ilang beses nitong pinilit ang sariling kumalma pero nang makabalik si Vivianne suot ang damit na binigay na ay mistulang may karera na naman ng kung ano sa loob niya.
"Tara na?" Malaki ang ngisi nito sa tanong ng dalaga, hindi na nito napigilang ipakita ang totoong nararamdaman. Tama nga ang kuya nito, hindi niya dapat sukuan ang babae. Lalo pa't malinaw sakanya ang nararamdaman niya para dito.
"Tara.."
Hindi napigilan ni Vivianne ang gulat ng huminto sila sa paglalakad sa harap ng isang motor. "Are we.."
Hindi na natuloy ang sinasabi nito ng mismong si Dirk na ang ekspertong sumakay doon. Sandali pa itong natulala pero mabuti't agad ding nakabawi.
Sasakay siya riyan? Sa likuran mismo ni Dirk at yayapos siya rito para makahawak? Napalunok nalang ito. The motorcycle itself looks scary, paano pa kaya kung ganoon na ang posisyon nila ng lalaki?
"Tara, Viv. Hinahanap kana sainyo panigurado."
"Safe ba?" Silly! Malamang alam nito na hindi naman sila maaano ni Dirk sa kalsada at sa pagmamaneho nito, ang talagang tinatanong niya lang sa sarili ay kung safe ba ang puso nito sa kaharap? Napailing agad ito sa mga naiisip.
"Oo naman, sakay kana." Kahit si Dirk ay halos pagnginigan pa ng mga kamay, pinilit nito ang sariling umakto ng normal. Ayaw nitong layuan siya ni Vivianne dahil lang sa kung ano anong ka weirdan nito.
Napakagat nalang si Dirk ng sariling labi ng maramdaman nito ang pagsakay ni Vivianne doon at ang paglapat ng mga kamay ng dalaga sa likod niya.
Sa pagkakataon palang na iyon ay gusto na niyang makipagsapakan sa hangin sa sobrang galak pero hindi niya magawa. Anatayin niya nalang na maihatid niya sa bahay nito ang dalaga. Para itong maiihi o ano sa sobrang saya at excitement!
Tuluyan na siyang nawalan ng lakas ng mapaimpit ito nang yakap na mismo siya ni Vivianne at nakikita pa nito ang magaganda nitong mga kamay na nasa katawan niya. Hindi niya inasahan iyon pero panigurado siyang hindi niya iyon makakalimutan.
Agad niyang pinatakbo ang sinasakyan at sinikap na makarating sa sarili nitong bahay pagkatapos maihatid ang dalaga ng hindi naiihi sa sariling salawal.