NATAPOS ang welcome party na iyon ng hindi na lumapit pang muli si Dirk kay Vivianne, basta basta nalang siyang lumabas ng gymnasium na yun agad agad.
He can feel her heart throbbed. Bago iyon sa pakiramdam niya.
Hindi pa ito nakuntento sa paglabas dahil dumerecho na ito pauwi, naalala niyang pilit pa siyang kinakausap ni Red at Jae bago ito tuluyang lumabas.
Tinanggihan siya ni Vivianne para makipagsayaw sa ibang lalaki? That's bullshit!
"Oh anak ang aga—"
Hindi na niya nagawa pang makapagmano sa ina niyang sumalubong. I wanna be alone.
Sa pagkakataong iyon, gusto niyang suntukin ang lalaki. Pero alam niyang wala naman itong karapatan.
Gusto niyang hilain papalayo roon si Vivianne pero hindi niya magawa dahil alam niyang hindi rin iyon magugustuhan ng babae.
"Ano nalang ang gagawin mo, Dirk?" Natawa siya ng mapansing sarili na nito ang kinakausap.
Nagawa na nito ang lahat, iyon ang tingin niya roon. Pinagsisisihan niya naman talaga ang nangyari, hindi niya naman ginusto at lalong lalo na wala naman siyang kung anong bagay para kay Ulrica. Para na nga silang magkapatid.
Kaya bakit hanggang ngayon hindi parin siya magawang patawarin ni Vivianne?
Sinundan niya na ito sa Unibersidad kahit alam niyang wala naman doon ang gusto nitong kurso. Sinundan niya ito para tuloy tuloy siyang makapagpaliwanag at makipag ayos, hindi naman ganon kabigat ang ginawa ko diba? Hindi ko naman siya niloko.
Sa sobrang pagkainis ay nagawa niyang suntukin ang pader na nasa harapan, agad na sinalakay ng sakit sa kamao si Dirk pero binalewala niya iyon. The pain that he's feeling right now is more than that. More than the physical pain.
Ilang sandali pa ay nakarinig na siya ng katok sa pinto. Wala naman sa intensyon niya ang mandamay ng ibang tao pero hindi niya mapigilan ipakita ngayon ang nararamdaman.
Tinanggihan siya ni Vivianne para makipagsayaw sa ibang lalaki!
"Noy, bukas mo na yung pinto." Rinig nito ang boses ng kuya niya. Ang taong kakampi nito sa lahat. Nakakalungkot nga lang dahil sa susunod na buwan ay sasampa na muli ito sa barko.
He wants someone to talk to, dahil kung hindi ay baka kausapin nito ang sarili niya magdamag.
"Kuya." Agad na pumasok si Deric sa kwarto ng kapatid. May dala dala itong sitsirya at iilang bote ng beer. Natawa naman agad si Dirk sa nakita, hindi pa nagsasalita ang nakatatandang kapatid ay alam na nito agad ang pupwedeng mangyari.
Hinagisan ni Deric ang kapatid ng malaking sitsirya bago tuluyang sakupin ang buong kama. "Madaya ka, nagdadrama kang hindi ako kasama."
Close na close ang magkapatid simula bata at hanggang ngayon ay hindi man lang iyon nabawasan. Kaya alam ni Deric ang posibleng maramdaman ng kapatid, dumadaan na siya sa mga ganon kaya mayroon na itong ideya.
Nalukot ang mukha ng kapatid bago humiga sa kama, "I asked her to dance.." Tumawa pa ang kapatid bago magpatuloy. "Kaso sumama parin sa iba."
Naramdaman nito ang bigat ng loob ng kapati lalo pa't kita iyon sa mga mata. Dirk's not good in hiding his emotions kaya mas naging madali sakanyang makita at patunayan ang mga iyon.
"So, anong plano mong gawin?" Pilit pinapagaan ni Deric ang sitwasyon, madalas itong magpapatawa at kung minsan makikipagbatuhan ng pagkain sa kapatid. Kahit naman madalas ay pinagtitripan niya iyon, ayaw niya pa rin itong nakikitang nasasaktan.
Ako lang ang pwedeng manakit dyan sa kapatid ko, Deric thought.
"I wanna give up—"
Agad agad niya iyong pinutol, "Nope. Hindi ka susuko."
Sa pagkakataong tiningnan nito ng maigi ang kapatid mula sa pagkakahiga ay mas naging seryoso ang paligid. "I know how much you like that girl. Pinagsikapan mo 'yun! And look at you, andyan kana. Malapit kana, Dirk."
Sa sinabi ay mas lalo lang nalungkot si Dirk. Tama ang kuya niya, malapit na siya. Kaya hindi siya agad agad dapat sumuko. Totoong pinaghirapan niya ang kung paano makakalapit, pagkatapos ngayong nakalapit na siya ay pipiliin niyang tumigil agad?
"Don't tell me na porket na tanggihan ka isusuko mo na agad?" Mabilis na naiwasan ni Dirk ang unang agad na ibinato ng kuya nito. "Marami kapag kakaining bigas, oy!"
Nagtawanan ang dalawa. Sa ganoong paraan lang ay mabilis na napagaan ng kuya niya ang nararamdaman niya. Pasalamat ito dahil may kuya siyang ganyan kahit madalas ay sobrang harot.
Pagkatapos maubos ng iilang bote, nagpasya na ang dalawang matulog dahil may klase pa si Dirk kinaumagahan.
Tama ang kuya niya, hindi lang ito ang mga susunod niya pang pagdadaanan. He can't just give up now. Hindi niya ibibigay ng basta basta si Vivianne kay Axl. Sigurado siya doon.
Ilang minuto nalang sana bago niya maipikit ang mga mata ng may kumatok na naman sa kwarto nito. "Dirk?", ang mama niya.
Madali itong sumulyap sa relong nasa dingding, madaling araw na pero gising parin ang mama niya?
"Ma," sabi nito at agad na mas nilakihan ang bukas ng pintuan para makapasok agad ang ina.
Pero imbes na sabihin agad ang kailangan ay masuyo pa itong umupo sa higaan nito. "Anak.."
Dirk can feel it. May ibang motibo ang ina nito sa pag punta. Tinitigan niya lang ito, nag aantay ng kasunod na sasabihin. "Pwede ka namang magdrop out, tumatanggap pa naman ang Mariners ngayon ng late enrollees. Lumipat ka nalang anak, wag mong ipagsiksikan ang sarili mo sakanya."
Pinakawalan nito ang malalim na paghinga. Sinasabi niya na nga ba at ito marahil ang sadya nito.
Maaari niyang gawin ang sinasabi ng ina. Pupwede pa mga siyang magdrop at lumipat ng eskwelahan para sundin ang gusto nito, pupwede siyang sumuko agad, pupwedeng tigilan niya na si Vivianne.
Nginitian niya muna ang ina bago umiling.
Hindi ko susukuan si Vivianne.
"—VIV?" Ilang araw ng hindi siya makausap ng matino, totoo iyon. Pagkatapos ng ball, hindi na halos makilala ni Vivianne ang sarili.
Nagsisisi siya! And that's a fact.
Ilang beses niya naring sinisi ang sarili sa nangyayari, paano kung tigilan na talaga siya ni Dirk? Paano kung ituon nalang nito ang atensyon sa iba?
Wala pa ngang nangyayari pero ngayon palang ay nasasaktan na ito. At sarili niya ang may dahilan noon!
"Ayos ka lang ba? You seem off, mag iilang araw na yan Viv." Napangiti siya sa kung paano kaconcern iyong sinabi ni Jae. Masaya siyang may gaanong klaseng kaibigan.
Nang makita ang nangyari noong ball, hindi na rin nagtanong ang dalawa. Masaya siya sa kung paano siya respetuhin ng mga ito. Mabuti nang hindi siya itanong dahil alam niyang hindi rin naman siya magsasalita.
"Ayos lang ako, pagod lang." Pinilit niyang pasiglahin ang pagkakasabi kaya sana ay tumalab iyon. Buong araw niyang inaabangan si Dirk gayong magkalapit lang naman ang mga lugar nila pero wala siyang nakita.
Mukhang tumigil na nga ito. Naninikip nalang bigla ang dibdib niya twing naiisip na baka nakahanap na ito ng ibang babae. I honestly don't want that.
Nagkwentuhan muna sila sandali at kumain sa foodcourt, nagbabakasaling makita niya roon si Dirk pero wala pa rin.
"Napapagod na ako! I really don't want to dance!" Pagmamaktol ni Red, tinutukoy nito ang nalalapit na BU Hataw. Ilang araw narin kasi silang nagpapractice para doon, kailangang pag igiham dahil isasama iyon sa grades sa Physical Education.
"Pareha na ngang kaliwa ang paa ko, paulit ulit pa!" Nagtawanan nalang sila ni Jae, hindi sila makarelate sa kaibigan. Si Jae kasi ay paniguradong talented pagkatapos si Vivianne naman ay pupwede narin, hindi nga lang kasing galing ni Jae.
"Ano, di kayo makarelate? Sabi ko nga para akong tuod!" Napailing nalang sila, pinili na hindi gatungan ang kung ano anong sinasabi ng kaibigan.
Nang matapos kumain at magdidilim narin, nagpasya na siyang gumayak pauwi. Nanghihinayang man dahil hindi tuluyang nakita si Dirk, sumang ayon narin doon si Vivianne. Marami kasi ang gagawin, araw araw ay mas nadadagdagan kaya hindi na dapat pang ipunin.
Habang naglalakad, iniisip na nito ang mga pupwedeng nangyari. Baka nga ay sumuko na si Dirk, baka nauntog na ang ulo nito at nagising dahil sa mga masasamang pinakita niya noong mga nakaraang araw.
Hindi nito mapigilan ang magsisi.
Pasakay na sana sila sa kotse ni Red na maghahatid sakanila sa kani kanilang bahay noong may marinig na malakas na sigaw.
Si Jae ang naunang nakaaninag ng lalaking mabilis na tumatakbo papalapit sakanila. "Oh my gosh, Dirk!"
Nanigas si Vivianne habang nakahawak sa pintuan ng naibukas na sasakyan. Dirk?
Nang tuluyan na siyang nakalingon, nanlaki ang mata nito dahil nasa harapan niya na si Dirk. May hawak itong tatlong pirasong rosas at inaabot sakanya.
"Hi, Viv. Ingat ka sa pag uwi."
Wala sa sarili nitong tinanggap ang mga bulaklak, kapagkuwan ay tumatakbong umalis na rin doon ang binata matapos magpaalam.
Bumaba ang tingin nito sa mga rosas na hawak, maya maya'y hindi na niya napigilan ang pagguhit ng mga ngiti sa labi na nasundan nang pang aasar ng mga kaibigan.