Fifteen: His son?

1124 Words
"TALAGANG anlaki ng pinagbago niya!" Napailing nalang si Vivianne, talagang hindi siya titigilan ng kaisipang Dirk na iyan dahil nakipagkita rin pala ito sa mga kaibigan niya. "Pero pinagtataka ko talaga, why? Bakit bigla siyang nawala? Tinanong ko siya pero hindi niya na ako sinagot at nagpaalam nalang." Nagkatinginan si Jae at Vivianne sa sinabing iyon ni Red kaya nagtataka rin niyang binalingan ang dalawa bago napagtanto ang ibig sabihin noon. "The hell! That's kinda pure. Si Vivianne kasi hinahawaan ako ng pagiging makata." Nagtawanan ang tatlo, sinusulit ang mga natitirang araw na hindi sila busy. "Makata ba 'yun? Hindi mo nga alam ibig sabihin ng nag-aalimpuyo." Mas lalo tuloy kumunot ang noo ng kaharap. "What the hell is that? May word bang ganon?" Natatawang napailing nalang si Vivianne habang patuloy pang kinikulit ni Red. "Ang unfair ninyo!" Napapangiti na lang si Vivianne tuwing naalala niya ang mga sandaling iyon. Limang taon na ang nakararaan, hindi na nito madalas kasama ang mga kaibigan dahil nagkanya kanya na rin sila ng tinahak na daan. Mas maraming nangyari sa loob ng limang taon, si Jae ay pinili ang magtrabaho sa ibang bansa. Nabalitaan niya na lang noong isang linggo na nagresign na sa trabaho doon at dito na mananatili sa Pinas. Hindi niya pa alam kung bakit pero paniguradong magkikita rin naman sila ng dalaga. Si Red naman? Hayun, isang taon na lang gagraduate na sa pagmemedisina. Labis ngang ipinagmamalaki iyon ni Vivianne. Sinasabing pupwede na silang magtayo ng ospital ni Jae. Sa lalaki namang kinamumuhian, wala na siyang naging balita. Para ngang naging totoo ang huli niyang sinabi dito. Sa isip ni Vivianne na mas mabuti na iyon para hindi tuluyang bumalik sa kanya ang mga alaalang pilit na tinatakasan noon. Mabilis talaga ang oras kapag gusto mo ang ginagawa mo. Ni hindi na nga namalayan ni Vivianne na ganoon na pala katagal siyang nagtuturo. Pagkatapos kasi ng graduation ay hindi na siya agad nagsayang ng panahon, nag topnotcher sa LET at nakapasok din sa paaralan para makapaturo. Hindi niya nga lang kasama ang pamilya dahil naiwan ito sa Bicol. Mag aapat na taon na rin, marami na ring estudyante ang dumaan sakanya. Ganoon pala iyon ano? Kapag nakapagbibigay ka ng karunungan sa isang bata, hindi ka nila magagawang kalimutan. "Teacher! Si Terron po kinuha 'yung lapis ko!" Naibalik siya sa kasalukuyan sa sigaw na iyon ni Sarah. Napailing muna siya bago lapitan ang dalawang nag-aaway na bata. "Terron, ano 'yung sabi ni Teacher?" Marahan niyang hinaplos haplos ang buhok ng batang lalaki sa harapan. Sila na lang ni Sarah ang natira mula sa tatlumpo nitong hawak na mga estudyante. Si Vivianne ang adviser nila, mga nasa ikaunang baitang. "Eh, Teacher Vivianne sa akin po ito." Tiningnan nito si Sarah na nasa gilid niya at umiiyak, pilit na tinuturo ang lapit na hawak ni Terron. Nangingiting napabuntong hininga na lang si Vivianne bago magtungo sa maliit na cabinet nito sa classroom. Sanay na siya sa mga ganitong problema dahil iyon naman talaga madalas ang pinag aawayan ng mga bata. Kumuha siya doon ng dalawang magkaparehang lapis, kapagkuwan ay lumapit sa dalawa. Minabuti nitong magkaparehas na lapis ang ibigay para maiwasang mag-away ulit. "Eto, Terron saka Sarah. May bagong lapis si Teacher Vivianne. Mabuti pa, ibigay niyo na lang sa akin 'yang maliit na lapis pagkatapos tig-isa na kayo ni Sarah dito." Sa sinabi ay halos magsitalon sa tuwa ang dalawang bata, "Talaga, Teacher? Yes!" Agad iyong kinuha ni Sarah, bumalik sa inuupuan at nagsimulang magdrawing. Nanatili sa tabi niya si Terron, nakataas ang tingin sakanya. "Oh, Terron. Anong problema?" Hinawakan nito sa pisngi, hindi niya maiwasang panggigilan ang bata. Napakacute nito at chubby. "Wala, ambait niyo po kasi." Hindi na napigilan ni Vivianne ang pagtawa. "Bakit po? Binigyan niyo po ako ng lapis, eh." Napailing na lang siya, nasanay na sa mga papuring tungkol sa kabaitan niya. Akmang itatanong na nito kay Terron kung parating na ba ang sundo nito ng mayroong biglang nagsalita. "Ron, anong sasabihin mo kay Teacher?" Napabalikwas at napaayos agad siya ng tayo. Sandali kasi siyang umuklo para matapatan ang batang kausap kanina. "Salamat po. Uuwi na po ako!" Nginitian niya si Terron nang magsimulang tumakbo papunta sa sundo na agad niya ring sinundan ng tingin. "Dada!" Halos mabuwal siya sa pagkakatayo, labis ang pagkagulat sa natatanaw. "Ma'am, sunduin ko lang po." Hindi niya magawa kahit tumango man lang. Bakit ganoon ang pakiramdam niya? Bakit hindi nito mapigilan ang panginginig ng tuhod? Sabay sabay silang napabaling noong kuhanin na rin si Sarah ng sundo nito. Mas lalo siyang nanlamig sa katotohanang siya, ang lalaking ayaw nang makita at si Terron na lang ang nandoon. "Dada, antayin na natin si Teacher. Uuwi na rin naman siya, eh." Halos mapamura siya noong tinitigan muli siya ng lalaki. Mas lumaki ang pinagbago nito, five years ago. Para na itong ibang tao kung iisipin, mas madali lang sakanya para malamang siya iyon dahil.. hindi niya alam. At ayaw na niyang alamin. Bagay pala sakanya ang ganyang gupit. Nagulat siya sa itinuran sa sarili, halos manggalaiti pa siya. Ang kulay nito ay mas lalong nadepina sa pagiging kayumanggi, nakauniporme pa ito kaya mabilis ding nalaman ni Vivianne ang propesyon nito. "Ah, 'wag na Terron. Magliligpit pa si Teacher." Agad na siyang tumalikod, huli na para makumpirma sa sarili na Rangasa ang apelyido ng bata. Matagal na niyang alam iyon pero inalis niya sa isip niya sa pag aakalang nasa Bicol naman iyon. "Tulungan na lang natin si Teacher, Dada. Mabait naman siya sa'kin eh." Hindi niya kayang harap-harapang tanggihan ang bata kaya wala na rin itong nagawa noong nagsimulang ayusin ni Terron at ni Dirk ang mga upuan. Siya naman ay nag-ayos ng mga gamit kahit hindi pa rin mapakali. Mabilis naman ang oras kapag siya langh mag-isa pero sobrang bagal noon ngayon. Gusto na niyang makauwi at para hindi na makita pa ang lalaking ito. "Hatid ka na namin," agad nitong binalingan ang lalaking nagsalita. Pagkatapos ay tinaasan ng kilay bago naunang magsalita. Hindi na muling nilingon ang dalawa. Ayaw na nitong makipagplastikan pa, hindi niya gusto ang makasabay o makita man lang si Dirk. Posibleng natanggap na niya ang nangyari pero hindi pa rin nakakalimutan ni Vivianne ang lahat. At isa pa, mas okay na rin ang ganito. Mas okay na hindi na sila nagiging magkasalamuha. Baka maging madalas lang dahil kay Terron pero siguro hindi naman na ito magpupumilit pa. "Hindi ka na niya guguluhin, Viv. May anak na 'yung tao." Dapat lang na maging masaya siya, pero parang habang patagal ng patagal na dumadaan sa isip niya ang anak nito ay may kung anong dumadanak sa dibdib ni Vivianne. Hindi niya alam kung ano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD