Sixteen: Vivienne, the beautiful

1063 Words
HINDI tuloy alam ni Vivianne kung paano nito haharapin si Terron kinabukasan. Kinakausap siya nito tungkol kay Dirk pero pinipilit na lang niya ang sariling makinig. Mabuti at agad nq simula ang klase kaya may rason siya para maiwasan ang bata. Pati siya tuloy ay nadadamay. Nagawa niya ito hanggang sa magtanghalian sa araw na 'yun, bumalik siya sa mesa niya para sana kunin ang pitaka pero ganoon na lang ang gulat nito noong may nakapatong doong paperbag na mula pa sa mamahaling restaurant sa lugar. Nagpalinga linga siya, kanino 'to? Nilapitan niya iyon, wala naman sigurong masama kung pakikialamanan niya lalo pa't nasa mesa niya naman nakalagay. Agad niyang inabot ang maliit na papel na naroon dahil inakala niyang resibo, pero nagkamali siya dahil sulat kamay ang nandodoon. Lunch ka na, Ma'am. Walang nakalagay kung kanino galing pero may naiisip na si Vivianne at hindi niya gusto iyon. Inalis niya sa ibabaw ng mesa ang paperbag, ibinaba sa sahig pagkatapos ay tuluyang kinuha ang pitaka at lumabas na doon. Ang lalaking iyon talaga! Kailan ba siya titigil? "Ate, pabili naman nitong kain saka nilaga." Tinitingnan pa lang ni Vivianne ang mga iyon pero halos maglaway na siya. Hindi rin kasi niya nagawang mag-agahan kaya siguro sobra sobra na ang pagkalam ng tyan niya. "Nako, Ma'am. Binilin sa akin ni General na huwag na raw po kitang pagbilan dahil may binili na siyang pagkain para sa'yo," agad na kumunot ang noo niya. "At sino naman 'yang General General, Ate Lin?" Nagsisimula na siyang mairita, siguro ay dahil sa gutom na nararamdaman. "Si General Rangasa po," napatanga na lang siya. Kung ganoon ay kakontyaba pa pala nito ang mga tao sa paaralang dito para lang makuha ang kung ano mang gustuhin niya? "Sige na naman Ate, ayaw ko po noon. Bibili na lang po ako sainyo," nag-aalangan na noong una pero nagawa pa rin nitong umiling. "Mahal daw po 'yun sabi ni Sir kaya sayang daw." Huminga muna si Vivianne nang malalim bago mag-isip ng pupwedeng gawin. "Sige, Ate Lin. Ganito, ibibigay ko 'yun lahat sayo. Walang bawas. Pero pagbibilhan mo na ako? Pwede na ba?" Bumungkaras muna ng tawa ang babae bago bumaling sakanya, "Nako, sige Ma'am. Kayo po ang bahala." Sumimangot si Vivianne habang pabalik sa classroom. Ngayon siya na ang bahala, pero kanina si Dirk ang nasusunod? Talaga nga naman oh. Mabilis niyang kinuha ang paperbag at nakipagpalitan ng pagkain sa tindera sa canteen. Pangisi ngisi na siya noong bumalik, akala mo ha. Magana siyang nagsimulang kumain, paminsan minsa'y natatawa kapag naalala ang ginawa. "Bakit nga ba ako umasang maiisihan ko ang Magnacumlaude?" Nahinto ang pagsubo nang nagawang samaan ang tingin ang lalaking kakapasok lang sa silid. "Practice ka pa," natatawa lang siyang ipinagpatuloy ang pagkain. Buong akala talaga ni Dirk ay maiisahan niya si Vivianne. In you dreams, Dirk. Nang marealize ang ginawang pakikipag-usap sa lalaki ay agad na tinapunan niya iyon ng masamang tingin. "Bakit ka ba nandito?" Itinaas ni Dirk ang dalawang kamay na parang sumusuko at hindi na lalaban sa matalim na titig ng dalaga. "Susunduin ko si Terron, hindi muna makakapasok ngayong hapon kasi may pupuntahan sila nila Kuya." Tumango tango muna si Vivianne saka minadali ang pagkain, sanay na rin naman siya sa ganoon. Mayroon lang siyang isang oras para kumain pero kadalasan ay nagiging sampung minuto na lang dahil sa mga kailangan pang asikasuhin. Tahimik namang nag antay doon si Dirk, matiim lang ang titig sa gurong nasa harapan. Hindi kayang isa isahin ang mga naging pagbabago ng dalaga. Mas lalo lang itong pumiti, may iilang pagbabago na rin sa mukha na gustong gusto niya. Hindi rin nagtagal ang pagtitig na iyon nang seryosong lumapit sakanya ang dalaga, pagkatapos ay iginiya palabas doon. "Tara, Mr. Rangasa. Kukuha muna tayo ng form sa admin para tuluyang makuha niyo ang bata." Abot abot naman ang pagtataka niya, bakit parang nag-iba naman ngayon ang pakikitungo ng dalaga sakanya? Kanina lang ay patawa tawa ito. Agad na ibinukas ni Vivianne ng pinto pagkarating doon, halata ang pagmamadali dahil sa ayaw na makasama nang matagal ang binata. "Good afternoon, Ma'am. Hihingi lang po kami ng form, kukunin po kasi ni Mr. Rangasa ang anak niya ngayong hapon dahil—" Pilit ang ngiti ni Vivianne nang humarap kay Dirk dahil sa pagpapatigil nito sakanya sa pagsasalita. "Teka, anak ko?" Kumunot ang noo ni Vivianne dahil doon, binalingan naman ni Dirk ang taong kausap ni Vivianne kani kanina lang. "Pamangkin ko po, anak ng Kuya ko." Natahimik doon si Vivianne, lalo na noong inasikaso na ng tao sa admin si Dirk para papirmahan sa form. Hindi nito anak si Terron, bakit parang masaya siya sa nalaman? Ilang beses nitong pinigil ang sarili sa pagngiti. Bakit naman siya ngingiti? Nang matapos ay agad na siyang bumalik sa classroom, para sana iwan na si Dirk doon pero nagawa pa rin nitong sumunod. "May anak na pala ako, ha?" Baritono ang naging tawa ni Dirk na pumuno sa silid, wala pa ang mga bata pero babalik din naman ang mga iyon pagkatapos makapagtanghalian. "Ano ko, single father na iniwan ng asawa?" Iyon na ang naging batayan ni Vivianne para bumaling, "Ikaw kaya ang nang-iiwan." Bumuntong hininga na lang siya pagkatapos ay umiling. Hindi na niya dapat pang sayangin ang oras sa pakikipagdiskusyon sa animo'y isip batang kaharap. Sinikap na nitong asikasuhin ang mga gagamitin para sa panghapong klase. "Anong oras ka uuwi?" Nilingon niyang muli ang lalaking nasa tabi na niya, "Ano ba! Doon ka nga." Lumayo ito ng kaonti pero kuntento na doon si Vivianne. "Anong oras ka nga uuwi?" Umirap lang siya, "It's none of your business, General." "Dada!" Sabay silang napalingon sa batang kakapasok lang, dumerecho agad iyon kay Dirk. "Tara na! Excited na 'kong bumili ng toys!" Nakahinga doon ng maluwag si Vivianne, nagpapasalamat dahil aalis na ang asungot na iyon. Wala nang mang iistorbo sakanya. "Sige, tara. Magpaalam kana kay Teacher." Nginisian pa siya ni Dirk na mas ikinabwisit niya lang. "Babye po!" Tumakbo na naman paalis doon si Terron, nakipaglaro na naman sa mga kaklase. "Aalis na ako." Mabuti pa nga, binulong niya na lang sa sarili para hindi na magsimulang muli ang sagutan. Peke niya na lang na nginitian ang binata pagkatapos ay nagpatuloy na sa ginagawa. "Siya nga pala.." Nilingon niya itong muli, nakakunot ang mga noo. "Ang ganda mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD