"BAKIT ka andito?" Alas kwatro na nakalabas ng eskwelahan si Vivianne, alas dos dapat iyon pero dahil may kailangan pa itong pirmahan at ayusin ay nahuli na siya nang paglabas.
Binalingan niya si Dirk, nasa harapan lang niya at paniguradong kanina pa nag aantay.
"Inaantay kita." Sa narinig ay halos hindi niya magawang huminga ng ilang segundo, may kakaibang nararamdaman sa tyan pero pinili niyang baliwalain kung ano man iyon.
"Bakit? Driver ba kita?" Nagtuloy tuloy na ito sa paglalakad. Kailangan na nitong makauwi agad dahil tatapusin nito ang lesson plan at reports na ichecheck bago matapos ang buwan.
"Viv naman, kanina pa ako dito oh. Mag-usap naman tayo."
Iritado na siya noong hinarap niyang muli ang binata. "Para lang sa kaalaman mo, no? Hindi ko sinabi sa'yong mag antay ka. Pangalawa, ayaw kong makipag-usap sa'yo."
Nagdere derecho na siya sa paglalakad, malayo layo pa kasi ang kailangang tahakin bago makarating sa terminal ng jeep. Nakahiga nito ng maluwag nang magawa niyang makalayo na walang sumusunod na Dirk pero agad din siyang nagulat ng may bumusinang sasakyan sa gilid nito.
"Dali na, Viv. Kahit ilang minuto lang basta kausapin mo ako."
Ilang beses na niyang tinawanan ang pinaggagawa ni Dirk. Naglalakad siya samantalang mabagal naman ang pagmamaneho nito sa sinasakyan. "Please?"
Nakangiti niyang hinarap ang lalaking nasa loob ng sasakyan, "Ayoko."
"Ganon ba? Sige."
Huminto ang kotse doon kaya labis na ikinatuwa iyon ni Vivianne. Finally, dere derecho na siyang makakauwi—
"Ayaw mo, ha? Okay."
Nang maramdaman ni Vivianne ang pag angat ng katawan ay alam na niya ang ibig sabihin noon. Bakit pa nga ba niya iniisip na basta na lang na titigil ang bwisit na lalaking ito?
"Dirk! Ibaba mo ako!"
Pero hindi nakinig binata hanggang sa naramdaman na lang ni Vivianne ang sariling nakaupo sa loob ng kotse nito. Nice.
Nanggagalaiti ito pero walang magawa lalo na noong nagsimulang umandar ang kotseng iyon, "Bakit ba kasi tayo mag uusap?!"
Nang hindi siya sagutin ay mas pinili na lang nitong tumahimik, pinakakalma ang sarili.
Naiintindihan niya kung bakit gusto ng closure ng lalaki at baka kapag napag-usapan nila ang lahat ay hindi na siyang muling guluhin ng binata.
Mabilis ang naging pagkirot ng puso nito sa sinabi.
Para bang hindi noon nais na tigilan siya ni Dirk. Ah! No!
Of course, gusto ko layuan ako ni Dirk. Nakaya ko ang walong taong wala siya.
Mas gugustuhin kong wala siya.
Sa isip niya ay mabuti na rin ang makapag-usap para matapos na ang lahat ng ginagawang pag iisip nito tungkol sa nangyari sa nakaraan.
Tumigil ang sasakyan sa isang mawalak na talampas, ni hindi nga namalayan ni Vivianne iyon dahil sa malalim na pag-iisip.
Nauna na siyang bumaba nang makitang nagmamadali pa ang binata para mapagbuksan siya ng pinto.
"Vivianne," sabi nito habang mabilis na sinusundan ang lakad ng dalaga.
"Tapusin na natin 'to, marami pa akong gagawin." Taliwas sa sinabi ay hindi maiwasan ni Vivianne ang pagkamangha dahil sa natatanaw. Over-looking ang buong Maynila dito. Napakaganda noon lalo pa't mula rito ay hindi mo makikita ang mga kalat mula sa tao.
Dirk cleared his throat. Sa totoo lang ay hindi siya handa, wala man lang siyang naipong mga salita. At kung mayroon man ay paniguradong lilipad lang kung saan dahil sa panginginig sa trato ni Vivianne sakanya.
"Ah.. ano." Halata sa pag aalangan ni Dirk ang nararamdamang kaba. "Viv."
Seryoso siyang binalingan ni Vivianne, nagsisimula na naman niyang maalala ang mga nangyari doon.
Ang ginawang panliligaw ni Dirk sakanya at ang pagpapaasa nito. Ang hindi pagsipot sa pinag-usapan at ang paglaho nitong parang bula. Gusto nitong malaman ang dahilan ng lahat ng iyon!
"Bakit mo hindi mo ako sinipot nung araw na 'yun?" Natahimik si Dirk sa biglaang pagtatanong ng dalaga. Katunayan ay nabigla pa nga ito, hindi niya inasahang kakausapin talaga siya ni Vivianne. Naisip niyang baka siya at siya lang ang magsasalita.
Bumuntong hininga muna si Dirk, "Vivianne, I'm really sorry. Hindi ko iyon ginusto, maniwala ka sa'kin. Hindi ko lang talaga—"
"Sorry lang?" Nagulat pati si Vivianne sa sarili. Parang iilang minutong hindi niya nakontrol ang bibig niya.
Natawa siya ng bahagya. Bakit ano ba ang gusto mo, Vivianne?
Hindi ba iyon naman talaga ang dahilan ng binata para makapag-usap? Ang humingi ng tawad?
Gusto niyang magbigay ng rason si Dirk kung bakit niya nagawa ang mga iyon. Pero naisip niya rin na pasasaan pa ang mga paliwanag kung hindi na nito kayang paniwalaan ang kahit ano roon.
"Okay." Kung iyon ang tamang salita para matapos na ang pag-uusap at pangungulit ng lalaki ay sasabihin niyang talaga.
"Really? It's okay with you? Papatawarin mo na ako?"
Even without explanation, "Yes." Gusto ko nang matapos ang lahat ng ito.
Gusto nang matakasan ni Vivianne ang lalaki, hindi na nito gusto ang magtagal pa sa sitwasyong ito.
Bumabalik na naman marahil ang mga sakit na matagal niya na ring binabalewala at isinasantabi pero bahala na! Hindi na rin nito maintindihan ang sarili.
"Thank you!"
Sa kabilang banda, masayang masaya si Dirk. Wala ni isang ideya kung ano ang naiisip ng dalaga. Maya maya pa, nilapitan niya ito at umambang yayakapin pero mabilis siyang napigilan ni Vivianne.
"I only said yes to your apology. Bawal ang yakap," nalukot ang mukha ni Dirk doon. Pati ito ay nagulat sa napiling aksyon. Bakit nga ba sumagi sa utak nito ang yakapin agad si Vivianne?
Napangiti na lang siya nang mapansin ang pagiging masungit ng dalaga. Parang mas gusto niya ang Vivianne ngayon.
"Now that we're done, can you drive me home?"
Malalaki man ang ngisi ni Dirk habang nagmamaneho ay grabeng pagkairita naman ang nararamdaman ni Vivianne. Patagal nang patagal ay mas lalo lang nitong kinukwestyon ang dahilan ng pagpapatawad niya roon.
"Kumusta ka? Okay ka lang ba riyan sa eskwelahan? Pasaway ba si Terron? Anong mga ginagawa mo pag bakante ka?"
"Anong oras ang uwi mo araw araw? Same time ba?"
"Kapag ba weekends, saan ka?"
"Okay lang ba kung yayain kitang lumabas?"
Napairap na lang sa kawalan si Vivianne habang nakatingin lang sa bintana ng sasakyan, sinasadyang hindi na sagutin ang mga tanong ni Dirk.
Inaantay na lang na matapos ang araw at maglahong muli sa paningin nito ang binata.
Katulad ng dati.