Eighteen: Hiring! Girlfriend

1023 Words
PINAGSISISIHAN ni Vivianne ang ginawa niyang pakikipag ayos sa lalaki, sigurado siya roon. Taliwas kasi sa iniisip at hinihiling nitong wag nang makita ang binata ay inaraw araw pa nito ang pagbisita sakanya sa classroom. Ginagawa nito ang lahat para maiwasan ito. Ang totoo ay wala siyang tiwala sa sarili, naulit ng dalawang beses ang pag-asa nito sa lalaking iyon kaya kung hindi niya pipigilan ang sarili ay malamang maging tatlo pa ang mga iyon. Ilang araw na ang lumipas pero hindi pa rin tumitigil sa pangungulit si Dirk. Katunayan nga ay minsan nadadala pa siya sa mga pinaggagawa nito kaya dapat lang na bakuran na nito ang sarili. "Viv, nagluto ako nito. Hindi ba favorite mo 'to?" Tinitigan niya lang ang kare kareng nasa harapan, nasa loob iyon ng isang malaking Tupperware at kung aakalain mo ay parang dadalhin sa handaan. Nangingiti na siya, nagsimula na naman kasing kumilos ang mga paru-paro nito sa tyan. "At saan mo naman nalamang paborito ko 'yan?" Nagbusy busyhan ito sa pag-aayos ng mga notebook na nasa ibanaw ng mesa niya para maiwasan ang mga nakakabaliw na titig ng lalaki. "Sa co-teacher mo," binato niya ito ng matalim na titig. Hindi na talaga siya makapaniwala. Hindi pa rin nagbabago ang pagiging A for effort nitong si Dirk. Pinilig niya akg ulo para maiwasang isipin ang panliligaw nito sakanya noon. "Dali na, kain na tayo." Nagmamadaling kumuha si Dirk ng isang bakanteng upuan pagkatapos ay tinapatan si Vivianne sa pagkakaupo sa tapat ng mesa nito. Lunch break kasi at katulad nang nakagawian, sa classroom lang sila kumakain. Oo, sila dahil palagi nang dumadayo sa eskwelahan si Dirk para lang magkasabay silang kumain ng dalaga. "Saan ka ba nagtatrabaho?" Natanong niya na rin sa wakas, palagi kasi itong nagtataka dahil ni minsan simula noong um-oo ito sa paghingi ng tawad ni Dirk ay hindi na ito lumiban sa pananghalian kasama siya. "Ah," inantay muna ni Dirk na malunok ang kinakain bago magsalita. "Nadestino ako sa Quiapo." Nanlaki tuloy ang mata ni Vivianne, "Sayang ng gasolina!" Pagkatapos ay bumaling ulit siya sa kinakain, hindi nito maiwasang hindi kumain ng marami. Masyadong masarap ang kare kareng iyon. Hindi niya inasahang magaling magluto ang lalaking kaharap. "Bakit sayang? Eh, ikaw naman ang pupuntahan ko." Gusto niyang paniwalaan ang sariling ginawa nito ang lahat para hindi mahalata ang pagngiti pero hindi pa rin siya nagtagumpay. "Alam mo, ang korni mo." Ilang pananghalian niya na rin nakakasama si Dirk, ilang uwi niya na rin na ito ang naghahatid sakanya. Kalaunan ay hindi na rin nito napansin ang pagsisisi lalo pa't natutulungan naman siya ng binata sa kung ano. Hindi na nito kailangang pekein pa ang pagpapatawad. Isang buwan lang ay magkaibigan na ang turing nila sa isa't isa. Natutulungan siya ni Dirk sa kahit anong mga kailangan nito at ganoon din naman siya sa lalaki. "Magbibirthday na si Terron," matamang pahayag ni Dirk sa kaharap. Uwian na naman kasi ng pamangkin kaya siya na ang nagsundo, sakto ring hindi naman siya gaanong kailangan sa HQ. Tinitigan lang siya ni Vivianne, pakiwari niya'y nag-aantay ng susunod na sasabihin. "Can you help me? Kung may oras ka lang, hindi ko kasi alam ang bibilhin para sa batang 'yun." Nasanay na siya kay Dirk na palagi itong niyayaya kung saan kaya alam na nito kung saan ang sunod na punta ng mga sinasabi nito. Nginitian niya na lang ang binata pagkatapos ay nakita na lang niya amg sariling nakasakay na naman sa kotse nito at papunta na sa mall na sinasabi nito. "School supplies na lang ang bilhin mo," payo ni Vivianne habang busy sa pagtingin sa cellphone nito para maghanap ng pupwede pang bilhin. "Bakit ka kasi magmamall? Pwedeng pwede ka naman bumili online, matagal pa naman." Hinarap siya nang madali ni Dirk, kapagkuwan ay ibinalik ang tingin sa daan bago magsalita. "Gusto kitang makasama mag-mall." Agad na napabungkaras ng tawa si Vivianne, isang buwan lang ang kinailangan niya masanay sa mga ganoong banat ng lalaki. "Kadiri ka." Ang gabing iyon ay napuno lamang nang pag-aasaran, nakapamili naman sila ng ireregalo sa pamangkin ni Dirk ay lubhang natagalan pa rin sila dahil doon na rin naisiping kumain. Mabuti na iyon para kay Vivianne dahil makakapagpahinga na agad ito pagdating. "I'll see you tomorrow," nakangiting sabi ni Dirk sa dalagang pababa sa kotse. Inirapan lang ito ni Vivianne bago matawa. "Sana nga hindi na, eh." Madramang humawak si Dirk sa dibdib nito pagkatapos ng narinig, "Ang hilig mong saktan ako." "Wow hiyang—" "Hiyang hiya ka sa'kin, oo Viv. Mahiya ka dapat." Padabog na isinarado ni Vivianne ang pinto ng kotse nito bago bumungkaras ng tawa. "Babye, D." Sa sinabi ay umaliwalas tuloy ang mukha ni Dirk. What's with the D? Nickname niya ba para sa'kin? Ah, perfect! "D for dog." Patawa patawa pa noong kumaripas ng takbo ang titser na si Vivianne palayo sakanya. Alas nuebe pa lang ng gabi, nakailang hikab na si Vivianne. Sobra sobra na ang nararamdaman niyang antok kaya mabuti ay natapos na nito ang lahat ng kailangan gawin para sa linggong iyon. Makakapagsimula nang muli itong makatulog ng normal— Napabalikwas siya sa pagkakahiga sa gulat dahil sa biglaang pagtunong ng cellphone nito, sino naman marahil iyon? Incoming call.. D for Dog "Hello?" Umayos siya nang pagkakaupo habang nag-aantay ng sasabihin ng tuimawag. "Viv, open the door. I'm outside of your unit." Napalatak siya sa deklarasyong iyon. "What?!" Patakbo siyang nagtungo, pagkabukas ay tumambad sakanya ang bulto ni Dirk na nag-aalangan pa. "Viv, I really need your help." Binukas niya nang tuluyan ang pinto pagkatapos ay pinaupo ang binata, "Anong tulong?" Iyon ang unang beses na nakapasok si Dirk sa condo ni Vivianne kaya hindi rin maiwasan ni Dirk ang mamangha bago makapagsalitang muli. "Please say yes." Kumunot ang noo ni Vivianne bago salakayin ng kaba, mukhang seryoso kasi roon si Dirk kaya naisip nitong baka tungkol iyon kung saan. "Dirk, sabihin mo muna kung anong tulong." Frustrated na ginulo ni Dirk ang buhok bago pagod ang mga matang ibinaling iyon kay Vivianne. "I need you to be my girlfriend."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD