Four: Hear the truth

1758 Words
Pagkatapos ng sinabi ni Vivianne kay Dirk noong gabing iyon hindi na halos siya pinatulog ng pag iisip. Bago palang para sakanya ang mga ganitong bagay. Hindi niya tuloy masabi kung tama ba ang ginagawa niya. Pero pinagdadasal niya paring sana. Nalaman niyang sa BU rin pala papasok si Dirk dahil sa mga kaibigan. Jae and Red knew Dirk too well, pero hindi na nila nagawa pang malaman ang nangyari kay Dirk at Vivianne noon. Pasalamat na rin siya. Pero lingid sa kaalaman ng dalaga, may kung anong naririnig rinig na rin ang mga kaibigan nito noon palang. Desisyon ni Red na wag nang tanungin si Vivianne tungkol rito dahil baka raw mas makasama pa sa kanya. For the past days sinubukan niya namang libangin ang sarili niya para maiwala ang kung ano anong iniisip tungkol kay Dirk. Minsan ay nagtatagumpay pero madalas ding hindi. Buti nalang agad agad naring nag simula ang klase, her friends will make her forget those thoughts dahil narin sa kakulitan ng mga ito at sigurado siya doon. Hindi halos makapaglakad ng maayos si Vivianne pagkapasok niya sa campus, sobra sobra ang kinain nilang tatlo sa lunch lalo na siya dahil nakakapagod na para rito ang paulit ulit na pagpapakilala ng sarili. "Viv, double time. Andyan na raw yung teacher natin." Hindi tuloy siya nagkandaugaga, masakit ang tyan siya sa sobrang kabusugan pero kailangan niya pang tumakbo dahil sa ikatlong palapag pa ang room nila para sa oras na 'yun. Hindi kalakihan ang lugar ng college of Education pero inaabot hanggang sa ikatlong palapag ang building. Napairap nalang siya habang pinilit na hinahabol ang hininga dahil sa pag akyat na animo'y umakyat eto ng Mt. Everest. I lowkey hate room 305. Hihikain pa ata siya ng wala sa oras. Pagkarating doon, nagkaroon ulit ng pagpapakilala at pagdiscuss ng iilang topics na macocover for the whole sem. Pinilit niyang makinig, Vivianne swears. Pero walang ibang pumapasok rito kundi si Dirk at ang naging huling pag uusap nila. She's really having a hard time. Nagsisisi ata ito sa sinabi niya, paminsan minsa'y naiisip nitong gusto niya iyon bawiin, pero para saan pa? "I can't believe that I lasted a day wearing this freaking blouse that I hate!" Si Red iyon at ang hindi matawarang pagrereklamo nito tungkol sa suot. Hindi parin ito makamove on na hindi ito pinapasok sa CSB4 dahil sa suot na sweetheart top. "Favorite ko nga ang high neck eh!" "Bukas bibigay ko sa'yo lahat ng high neck ko." Tinawanan nalang ni Vivianne ang mga kaibigan, kahit kailan hindi ito nagkamali. Ang dalawang ito talaga ang nakakapagpagaan ng loob niya. Nagdesisyon silang maglakad lakad muna at libutin ang campus, excited sila para roon pero nakaramdam ng kaonting pangamba si Vivianne. Paano kung makita ko si Dirk? Ngayon tinatanong niya na ang sarili. Kung makita ko ano naman? Parang nakaramdam tuloy siya ng awkwardness sa pangalawang pagkakataon. Mula sa CE, ang College of Education, naglakad ang mga ito na nadadaanan ang College of Medicine sa gilid. Namawis nalang si Vivianne ng masilip na palapit sila ng palapit sa IPESR, mabilis niyang naisip ang lokasyon ni Dirk. Hindi pa siya handa. Sana wag ngayon. "Dirk!" Napalatak nalang siya sa sarili, pinagdadasal palang niya eh! Nakita nito ang pag aalangan ng lalaki, nagpabalik balik ang tingin nito sakanilang tatlo bago ngumiti at lumapit. "Uy, Jae. Kumusta?" Pagkatapos sa naunang babae ay kay Red naman ito bumaling, "Red." Huling tiningnan ng binata ang babae sa likuran, tahimik lang iyon at halatang hindi interesado sa nangyayari. "Viv." Ni hindi man lang siya binalingan ni Vivianne katulad ng inasahan. Doon nagsimulang kumirot ang kung ano sa loob nito. Ganon ba talaga kahirap iyon? Na bigyan ulit siya ng pangalawang pagkakataon? Na bigyan siya ng tsansang magpaliwanag? Nung napansin ang matagal niyang pagtitig kay Vivianne ay agad din itong nag iwas ng tingin at ngumiti. Kung may gusto na talagang iba ang dalaga, saan pa siya lulugar? "May kasama ka? Join us!" Si Red na ang nagsalita, napapansin ang ilangan ng dalawa. Sa isip niya'y hindi na rin maganda na hindi nabigyan ng closure ang kung anong meron sakanila. Mabuting kaibigan si Dirk at Vivianne kaya ayaw niya rin naman itong nakikitang nahihirapan. "May kasama ako pero sure I'll join you, minsan lang 'to eh." Ramdam na ramdam ni Vivianne ang pagtitig ng mga kasama pero nagkunwari itong hindi niya nalang napapansin. Ang totoo, gusto niya nalang iwasan. Ayaw niyang malaman ng mga kaibigan ang problema at madamay pa ang mga ito. Isa pa, hindi lang naman siya ang kaibigan ng dalawa kundi si Dirk din. Sinundan nilang tatlo si Dirk papunta sa food court para makita at makilala ang mga kaibigan nito pero ganon naman halos ang gulat nila. Dirk's company were Ulrica and his brother, Yvo. "I can't do this." Si Jae na ang unang nag react at agad na umalis noong mamukhaan palang si Ulrica. Mabuti't nagets iyon ni Red at hinila na si Dirk palayo roon para tuluyan nilang makasama. Habang si Vivianne naman ang naiwang nakatanga roon, nakalimutan ata siyang antayin ng mga kaibigan. Naiilang nitong hinarap sina Ulrica at Yvo, yumukod ng kaonti para humingi ng pasensya sa ginawa ng kaibigan bago umalis at sumunod sa mga iyon. "Seriously, Jae, I'm sorry. Hindi ko alam ang nangyari pero alam niyo namang malapit ako kay Yvo kaya madalas ko ring kasama si.." Hindi na natapos ni Dirk ang sinasabi nung dumating si Vivianne. Maging siya ay nanghihina, magkasama parin pala ngayon si Dirk at Ulrica.. are they in a relationship? Hindi na nito namalayan ang pagsikip ng dibdib dahil pinipilit niya ang sariling ngumiti. Nakaupo ang mga ito sa iilang mga bleachers sa new grandstand. Doon palang tuloy niya nagawang ilibot ang paningin. She was really amazed, maganda at peaceful ang lugar na iyon para sakanya and by just looking at it, parang hinihiling nito na may higaang naroroon dahil sa biglaang pagdalaw ng antok. Humihikab pa itong bumaling sa mga kaibigan, umalis si Dirk dahil bibili raw ito ng pagkain para sakanila. "Kung sino sinong lalaki nalang ang nakikita kong kasama ni Ulrica.." Pinapakinggan niya lang ang mga nagkwekwentuhang mga kaibigan, pinipigil ang madalas na pagbaba ng talukap ng mga mata. I'm so sleepy. Masarap matulog dito panigurado. With that thought, hindi na niya namalayan ang sarili nito hanggang sa makatulog. HALOS pakyawin na ni Dirk ang mga pagkaing nasa harapan. Hindi nito alam ang gusto ng tatlong naiwan sa Grandstand kaya medyo natagalan ito sa pagpili. "Kaya mo pa ba tong bitbitin lahat?" Biro sakanya ng tindera, tinawanan niya lang ito bago kunin ang mga pagkaing inabot. Nahirapan nga siya sa pagbitbit pero hindi niya na iyon pinansin. Ang mahalaga dito ay madalhan niya ng pagkain si Vivianne. "She fell asleep.." Bumaba ang tingin ni Dirk sa babaeng nakahiga sa hita ni Jae. "Hindi ata nakatulog dahil sa excitement sa first day of school." Nagtawanan pa silang tatlo at biniro biro pa si Vivianne kahit hindi naman nito naririnig dahil sa mahimbing na pagtulog. Inihanda ni Dirk ang mga biniling pagkain saka inisa isa ang mga babaeng kaibigan para magsikain. "Are you sure okay to?" Natawa nalang soya sa reaksyon ni Red, anak mayaman kaya paniguradong hindi gugustuhing tumikim ng mga ganong pagkain. May mga may kaya rin namang nagugustuhan ang mga pagkaing katulad noon pero hindi si Red panigurado. "Eat up, Red! Nakatikim na ako nito last time, the orange one is delicious. Swear." Nagsimulang kumain ang dalawa pero hindi na niya naisip na saluhan ang mga ito, nakapokus ang atensyon niya sa babaeng natutulog. I missed her so much, kung pwede lang na yakapin niya iyon at alagaan katulad ng ginagawa niya dati ay walang pagdadalawang isip na gagawin niya iyon ngayon. Pero wala ng pag asa. May gusto nang iba si Vivianne. "Dirk, pwede ba ikaw na rito? My legs are tired." Maarte ang pagkakasabi non ni Jae, hindi naman talaga pagod at masakit ang mga paa nito, gusto niya lang tulungan ang kaibigan dahil kahit papaano nararamdaman din naman niya ang maaaring maramdaman ni Dirk. Wala siyang alam sa kabuuang istorya pero alam niyang hindi naman magagawa ni Dirk na saktan ang kaibigan. Hindi sinayang ni Dirk ang pagkakataon, isipin man ng karamihan na baka nagtatake advantage ito sa dalaga ay talagang tatanggapin niya parin. Pwede ko parin naman siyang alagaan kahit hindi na ako, hindi ba? "Bagay kayo.." Hindi na napigilan ni Jae ang sarili, ganyan pa nga lang ay kinikilig na siya sa dalawa. "What happened, Dirk? The last time we check, gusto niyo naman ang isa't isa—" Bumuntong hininga muna ang binata, dahilan para matigil ang pagtatanong ni Red. "I'm sorry. Nung araw na yun, balak ko na talaga siyang tanungin kung pwede ko siyang maging girlfriend.." Nagsimula ito sa pagkukwento kaya agad na nagsiksikan ang dalawa papalapit sakanya para marinig iyon. Inaalala niya akg nangyari nung araw na iyon habang paulit ulit na sinusuklay ang buhok ng tulog na Vivianne sa hita niya. "But something came up, wala si Yvo kaya nagbilin siya sakin na kung pwede icheck si Ulrica.. nakalimutan ko yung usapan namin that day. Pinag antay ko siya, pinuntahan niya pa ako only to see Ulrica and I.." Natigil ito ng maalala ang eksaktong pangyayari, ang pagkagulat, ang pag takbo ni Vivianne papaalis sa lugar at ang pagkawala ng pag asa nito sa dalaga. Napasabunot nalang siya sa sarili niyang buhok. "Magkayakap kami noong nadatnan niya, I am just trying to comfort her dahil may problema ito sa family nila pero hindi ko naisip na magiging ganon ang resulta!" Tiningnan agad nito ang dalawang babaeng nakikinig, parehang nakalagay ang mga palad sa bibig. Hindi halos makapaniwala sa sinabi ni Dirk. Totoong may ideya na sila pero hindi nila inexpect na totoo ang mga 'yun. Isa pa, wala rin namang nababanggit si Vivianne kaya inisip nilang baka chismis lang, pinalipas lang nila. But now, after knowing the truth, pansamantala nilang naisip ang ginawa ng kaibigan. Alam nilang ginawa iyon ni Vivianne dahil ayaw nitong makadagdag pa sa problema nilang dalawa. Alam nilang ayaw ni Vivianne na dumagdag pa siya sa mga iisipin ng mga ito. Hindi pa halos sila makapagsalita noong nagsimula ng imulat ni Vivianne ang mga mata. Agad itong tumayo sa pagkakahiga ng narealize ang posisyon nito sa hita ni Dirk. Walang sabi sabi itong tumayo. "Red, Jae. Una na ako. Bukas nalang ulit.." Ilang tawag pa ang ginawa ni Jae at ni Red sa papalayong bulto ni Vivianne ng maisip na hindi na talaga ito papapigil pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD