Three: The next pain

1432 Words
"Welcome to Bicol University, Vivianne!" Hindi niya halos inasahan, makakapag aral na siya ngayon sa pangarap na Unibersidad. I can't believe it! Nasuklian ang lahat ng effort nilang magkakaibigan dahil dito. Tahimik niyang biglang naisip ang mga magulang, hindi na sila ganong mahihirapan sa pagpasok ko sa kolehiyo. Thanks, God! Maya maya pa, pagkalabas nito ng registrar office ay agad niyang sinalubong ang kaibigan. Si Red lang ang naroon dahil nalate daw umano ng gising si Jae. Naiintindihan naman nito ang kaibigan at ang pinagdadanan nito. "Get off, Viv. Kinikilabutan ako sa mga yakap!" Pagmamaktol ng kaibigan. The moment Vivianne realized that, agad agad itong kumalas. Kilala nito ang kaibigan, ayaw na ayaw nito ang kung anong clingy act and she understands. "Pasensya na, na overwhelm lang ako!" Hindi niya maitago ang excitement, parang gugustuhin niyang tumalon talon ngayon. She can feel herself flying into cloud nine. "Bueno na rin ako! We did it!" Gusto nitong tumili, magsisisigaw. "Thank you so much, Red." Napailing nalang dito si Red. Ramdam niya ang saya ng kaibigan at higit sa kanilang dalawa ni Jae, alam niyang mas deserving ang kaibigang makapasok dito kaya masaya rin siyang nagawan nila iyon ng paraan. "Yes, miss future educator.." Nagtawanan sila ni Vivianne bago umalis sa lugar na 'yun. Hindi parin makapaniwala si Vivianne sa nangyari kahit nakasakay na sila sa kotse nila Red kasama ang driver ng kaibigan, she made it! Sa pasukan, uniporme na ng Unibersidad ang susuotin! Papunta sila ngayon sa bahay nila Jae, napag usapan kasi nilang bisitahin ang kaibigan pagkatapos mag enroll dahil alam nilang walang ibang gagawin 'yun sa bahay kundi ang magmukmok. At hindi nga sila nagkamali! Pagkarating nila roon, mag isa lang ang kaibigan at nagmumukmok. "Kumain kana ba?" Bungad ni Vivianne sa kaibigang animo'y isang linggong hindi natulog sa pamamaga ng mga mata. "Hindi pa.." Binalingan rin ni Jae si Red sa tabi. "..Ayoko." Humaba lang ang nguso ni Vivianne sa tinuran ng kaibigan, hula niya baka simula gabi pa ito hindi kumakain at lalong hindi rin ito kakain maghapon dahil siya lang mag isa ang nandito. "Jae naman—" "He texted me last night! Ang kapal ng mukha niya. Ang sabi niya, wag ko na raw siya lapitan at tigilan ko na raw siya." Nagkatinginan muna sila ni Red sa kwento ng kaibigan bago magpasyang umupo sa tabi nito. "Gago siya! Akala niya naman hahabulin ko pa siya? Eh siya nga itong nanloko, ano ako tanga?" Tumango tango lang si Vivianne sa gilid habang tuloy tuloy na hinahaplos ang likod ng kaibigan. "Aish! You don't deserve him.." Napatayo ulit si Red kahit hindi pa nagtatagal ang oras ng pag upo. "..Let's go shopping, wag kana umiyak dyan." Agad agad na lumaki ang ngisi ni Jae, nakalimutan ata ng mga kaibigan nito na iyon ang pinakagusto niyang gawin! "Really? Alright!" Mabilis pa sa alas kwatro ang pagkilos ni Jae kaya napailing nalang ang dalawa. They know Jae too well, hindi yan makakahindi kapag niyaya mo magshopping. Masayang masaya agad nito na akala mo'y walang nangyari, hindi nangyari ang kahapon. Sa naisip, pumasok muli sa sistema nito ang babaeng kasama ni Raizen kahapon. Natawa nalang ito nang maisip si Ulrica. Ito ang dahilan kaya naudlot ang kanila ni Dirk noon pagkatapos ay siya rin ang dahilan kung bakit naghiwalay si Jae at ang boyfriend nito. Ulrica, the model girl, na palaging nakikitang may kasamang iba't ibang lalaki. Sandali niya tuloy naisip kung alam ba talaga nito ang ginagawa. Maaari itong mapahamak lalo na sa panahon ngayon. "—ano sa tingin mo, Viv?" Nagpakurap kurap siya, pinipilit na may maintindihan sa sinabi ng kaibigan. "I said, we'll go to Red Lights later. Kung okay lang ba 'yun sa'yo?" Tumango lang si Vivianne at nagpatuloy sa pananahimik, hindi naman na bago sakanya ang tanong ng mga kaibigan. Simula kasi noong nag eighteen sila, naging madalas na ang pagpunta nila sa mga ganong lugar. Pero sa lahat ng pagpunta nila, hindi man lang siya pinilit ng mga kaibigang uminom ng alak. My wonderful friends. Pero siya naman ang taga alaga sa mga ito kapag tumatawag na ng mga uwak. Napailing nalang siya habang pigil na tumatawa tawa. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit iinom ang mga ito ng marami at magsasayang ng pera, pagkatapos ay isusuka lang rin naman. Nang matapos makapamili ng iilang gamit, natuloy nga ang mga ito sa Red Lights, iyon ang sikat na bar sa lugar na iyon.. at doon na rin naging suki ang tatlo—dalawang umiinom. Alas sais palang iyon ng gabi pero naging kapansin pansin agad ang pagrami ng mga tao. Madaling nakahanap ng pwesto ang tatlo kaya wala ring sinayang na oras si Jae para uminom. Nanatili si Vivianne sa pag inom ng juice bago iwan ang mga kaibigan para mag cr. Her social anxiety is reigning its way up, hindi talaga niya kahit kailan nagustuhan ang ganto karaming mga tao lalo pa't halos nagsisiksikan. "STOP finding the girl, Dirk! Drink!" Napailing nalang ito sa matinis na boses ng babaeng kasama, it was Ulrica na hindi na halos maimulat ang mga mata. Alas sais palang ng gabi pero tinamaan na ng alak kaya mukhang madali na rin sila umuwi. "Dirk, hindi naman ako sigurado. Saka anong gagawin nun dito? She looks so innocent for a place like this." Si Yvo naman ang nagsalita, katabi nito ang lasing ng kapatid. Hindi niya nalang iyon pinansin at awtomatiko nang tinanggap ang bawat basong inaabot. Lingid sa kaalaman ng mga kasama, may posibilidad talagang magpunta sa gantong mga lugar si Vivianne dahil sa mga kaibigan nito. Alam niyang medyo malabong magkita ang dalawa pero itinuloy niya parin ang pag asa. Maybe we could talk? Kahit madali lang sana. Ang totoo, ngayon lang talaga siya nagkaroon ng lakas ng loob para magpaliwanag. Kaya lang mukhang hindi na kakailanganin ni Vivianne ang mga yun. She seems so fine without me. Iniisip niya tuloy ang mga nangyari noon pa. Ang madalas na paglabas nila ng dalaga at ang pagkukulitan. Miss na miss na niya ang mga iyon. At kung hindi lang saka siya nakagawa ng kung anong katangahan, edi sana hindi siya nahihirapan ngayon. Sa pagkakataong ito, gusto na niyang iumpog ang sarili dahil sa sobrang pagsisisi. "Kuys, cr lang ako." Tinanguan lang ito ni Yvo pagkatapos ay sinenyasan siyang umalis na. His kuya Yvo seems tipsy, napailing nalang siya ng maisip na baka siya ang mag aalala sa mga lasing nitong kasama mamaya. Pabaling baling ito habang naglalakad papuntang cr kaya hindi nito napansin ang babaeng paparating at agad niya ding nakabunggo. "Aray.." Nalukot ang mukha ng babae sa sakit ng pagtama ng siko nito sa likod niya. "Vivianne?" Napansin nito ang agad na pag iiba ng ekspresyon sa mukha ng babaeng kaharap. Mukhang hindi nito gusto ang makita ako ah. "Can I talk to you?" Deretsahan nitong sabi. Dahil kung tama nga siyang ayaw ni Vivianne na makita siya, dapat mas lalo niyang bilisan ang pagpapaliwanag dahil alam niyang lalala lang iyon kapag natagalan pa. "I'm sorry I can't —" "Viv, please.. gusto lang kitang makausap." "Dirk, may mga kasama ako—" Nagsisimula nang mairita si Vivianne sa pamimilit ng kaharap. Bakit ba kasi sa dinami rami ng pwedeng makabangga ang lalaking ito pa? Mas lalo niya lang itong mapagbubuntungan ng galit dahil hindi pa mawala sa isip nito ang Ulrica na iyon. "Madali lang naman, gusto ko lang.. na magsimula ulit. Gusto kong bumalik tayo sa dati." Napanganga ito. Hindi niya alam kung nakainom lang ba ang lalaki o seryoso na ito sa mga sinasabi niya. "Dirk, alam mo na ang sagot ko riyan. We can't." Her face became blank. Katulad ng totoong nararamdaman niya. Umalis na si Dirk sa buhay niya kaya ayaw niya na itong papasukin ulit. Marami ng nangyari at nagbago. "Pero bakit?" Nanatili lang siyang tahimik. Maski siya ay hindi alam ang pwedeng isagot. Hindi naman pwedeng basta ayaw niya lang dahil alam niyang hindi iyon matatanggap ng nakausap. "M-May iba ka na bang nagugustuhan? Sino?" Mahirap para kay Dirk na sabihin ang mga iyon, ayaw niyang isiping mayroon na nga pero kailangan niya paring malaman. He'll take the risk. Samantalang ang tanong naman na iyon ang ikinagulat ni Vivianne, wala siyang ibang taong nagugustuhan. Totoong wala. Pero mukhang kailangan na mayroon para mahinto na rin si Dirk sa panggugulo rito. Nang tumunog ang pintuan ng bar ay agad na doon siya napabaling, nagulat ng iluwa noon ang lalaking nakabungguan nito sa BUCENG at ang umawat kay Jae. Mukhang wala namang masamang mangyayari. I'll rather take the risk, as well. "Viv—" Nagsimula ang mahihina kong pagtango. "Si Axl."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD