"Jae, calm down—"
"Hindi, Red! Tanginang 'yan bakit ako kakalma sa ulol na 'to? Ha! Bakit kita igagalang? Bakit ako ang mahihiya?! Ikaw ang mahiya gago ka!"
Ang eksenang iyan na ang naabutan ni Vivianne, pinagkukumpulan na ng iilang estudyante ang komusyon.
Sa isip niya, alam niyang hindi na rin makontrol ni Jae ang sarili. Dahil kung oo man, she'll be really disturbed by how these other students look at them.
Agad niyang dinaluhan si Red at tinulungang pakalmahin ang kaibigan.
"Jae, tara na.." Ayan lang ang kaya nitong sabihin. Mula sa anggulong ito, kita niya ang boyfriend ni Jae na si Raizen at ang katabi nitong magandang babae rin.
What? I know that.. girl.
"Ulrica? Ulrica ano? Alam mo bang may girlfriend yan bago mo landiin? Baka hindi mo alam? O baka alam mo.." Nagsisimula ng magmaldita ang kaibigan.
"..Baka alam mo pero pumatol ka parin. Alam mo tawag don?" Tumawa tawa ito. "Malandi."
"Malandi ka! Isa ka pang Raizen ka! Ano makati na ba yang ano mo dyan at naghahanap kana rin ng kakamot?"
Bumungkaras ng tawa si Red sa tabi niya bago niya tampalin para tumigil. Ang babaeng ito talaga!
Maya maya pa, may dumating ng isang lalaki para patigilin ang komusyon.
"Miss?" Siya narin ang nagpumilit magpakalma kay Jae.
"Ako na ang hihingi ng pasensya sa ginawa ng kaibigan ko—"
"Bakit ikaw?" Pumalatak pa ang kaibigan. "Sanay na ba kayo sa ganto? Pare parehas kayong cheater!"
Ayun na ang huling sinabi ni Jae bago tumakbo paalis doon. Wala ring sinayang na pagkakataon si Red na habulin ang kaibigan.
Naiwan siyang nakatanga roon na oarang hindi pa alam ang gagawin.
Sa huli, pinili nitong harapin ang lalaking umawat. "Salamat po."
Yumukod ito ng kaonti kaya pagkaangat niya palang ng ulo saka niya nakita ang guwapong mukha ni Axl!
"Hala, Axl?"
Natawa ang binata sa reaksyon ni Vivianne. "Sige na, puntahan mo na 'yung kaibigan mo. Kailangan kayo nun."
Agad namang tumango si Vivianne pagkatapos ulit magpasalamat saka sinundan na ang dalawang kaibigan.
Nadatnan niya ang umiiyak na si Jae, sa isang puno, malayo na sa lugar kanina. Katabi nito si Red na walang imik.
"Jae, iiyak mo lang ha? Andito lang kami." Niyakap niya iyon, ng mahigpit.
Hindi niya alam ang pakiramdam dahil hindi pa naman siya naloko pero may ideya siya kung gaano iyon kasakit.
Naihalintulad niya ang nakita sa sitwasyon niya noon.
Kahit wala pa namang sila ni Dirk, masakit rin para sakanya na makita itong may kayakap na iba.
Hindi nga lang siya kasing tapang ni Jae dahil agad agad din siyang umalis doon.
"K-Kahit alam kong wala siyang pakealam sa akin.. inintindi ko parin siya. Inintindi ko parin yung nga rason siya, na kesyo may gagawin siya, kesyo busy.. kesyo kailangang tulungan si Mama niya! Pero niloloko niya na pala ako.. tangina niya Viv."
Hindi magkandaugaga si Vivianne sa kung paano nito aaluin ang kaibigan kaya bumaling ito kay Red na nagkibit balikat lang sakanya.
Red is not the clingy type, ayaw nitong masyadong madikit sakanya at mahawak sakanya. Nakasama na niya si Red ng ilang taon at naiintindihan niya na yun ngayon.
Kahit hindi alam ang pupwedeng mai advice, nagpatuloy ang panyayakap ni Vivianne sa kaibigan habang hinahaplos haplos ang buhok nito.
"Hindi ko makuha... why? Bakit kailangan pa niyang lokohin ako kung pwede niya namang sabihin sakin na ayaw na niya!? s**t naman!"
Nagpatuloy lang siya sa ginagawa hanggang naging tahimik ang kaibigan. Natigil din ang pag iyak at paghikbi.
"What if it is really meant to happen? Baka kailangan mo talagang magsimula sa college? Bagong buhay, Jae. Walang mga toxic na tao and all. Baka ganon. Treat that as a blessing.. na buti ngayon palang nagloko na siya. Atleast alam mong hindi talaga siya para sa'yo. Kaysa umaasa kang makakasama mo pa siya in the future tapos dun pa siya magloko."
That was a great speech from the Ms. Know-it-all. Napanganga nalang si Vivianne sa naisip. How come she knows all of that? Eh wala pa namang nagiging boyfriend si Red?
"Don't look at me like that, Viv. Nabasa ko lang 'yun." Saglit siyang natawa bago bumaling ulit sa kaibigan na nagsisimula na namang humikbi ng marinig ang sinabi ni Red.
With that, pinukol niya ng masamang tingin ang kaibigan.
"What?" Nagkibit balikat ito. "Sinabi ko lang ang dapat kong sabihin. It'll help her."
Tama nga ang sinabi ng kaibigan dahil kakaonting minuto lang ang inantay namin ay kusa naring kumalma si Jae.
"Let's eat. Ginutom ako roon."
Sa huli nagtawanan nalang ang magkakaibigan bago magtalo na naman ulit sina Jae at Red kung saan kakain.
"Mag giligans na kasi.." Si Jae iyon.
"Jae, stress eating makakasama sayo yan. Wag na mag eat all you can." Napabaling naman siya kay Red na nakagawa ng punto.
"Pero gusto ko! Minsan lang naman Red eh."
Red sighed in defeat. Wala naman talaga siyang magagawa, kailangan niyang pagbigyan ang kaibigan.
Nakunsumo ang buong tanghalian nila ang tawanan at pagkukulitan. Jae was really thankful. Dahil sa makukulit na mga kaibigan, onti onti nitong narerealize ang sinabi ni Red. Mas magandang bagay talaga na ganon palang ay nalaman niya kung gaano kakati ang ex ng hindi na siya lalong maattached pa doon.
Palakihan sila ng tyan ng makalabas doon at pinilit na bumalik sa BU, bumalik na naman tuloy ang kabang nararamdaman ni Vivianne.
Hindi niya parin maisip kung anong mangyayari sakanya ngayong araw.
"Basta, we'll make ways. Wag kana mag alala.." Tumango ako sa pangungumbinsi ni Red, tahimik lang akong pinakikiramdaman ang kaba pati ang takot.
"I just wanna ask, secondary education ba talaga ang gusto mo?"
Napaisip ako sa sinabi niya, "I heard kasi na masyadong marami talaga ang nag eenroll dyan. Naisip ko lang baka mahirapan tayo, pero magtatry parin tayo okay? You chill."
Sinusubukan niyang pag isipan ang sinabi ng kaibigan. Wala naman sigurong problema doon, as long as maging guro siya't makapagturo.
Kung ano siguro ang bakante basta education, pupwede na.
Sana meron pa, sana makakuha kami.
Galing sa SM, pinili nilang sumakay ng tricycle dahil si Red naman raw ang magbabayad. Pwede naman silang sumakay ng jeep kaya lang hindi raw kaya ni Red ang may makalapit o makatabing hindi niya kilala.
Pagkatapak ulit sa tapat ng registrar office, parang kakawala na naman ang puso ni Vivianne sa pwesto nito. Moment of truth; kung aasa pa ba siya o hahanap na ng ibang pupwedeng pasukan.
We'll that was a bit absurd, sa Bicol University lang kasi siya nag exam at alam nitong tapos narin ang mga CET ng ibang University dito.
Malakas ang naging buntong hininga ng dalaga. Bahala na.
Pagkarating doon, wala na silang sinayang na panahon. Dahil kay Red, nakakapagtanong tanong na sila ng pupwedeng gawin at paunti onti naman nilang sinusunod ang mga iyon.
Paminsan minsang nagkakatinginan ang tatlo at nagngingitian, masaya na nakakakuha ito ng kakaonting progress kahit papaano.
"f**k, we really need to fall in line."
Kahit ayaw at puro reklamo, wala silang ibang nagawa kundi ang pumila. They are heading in their goal, kaya bakit ganon pa sila aayaw?
Saktong alas kwatro y media, si Vivianne na ang kinakausap ng assigned personell na naroon. Ang dalawang kaibigan nito ay nasa gilid lang at hindi naririnig ang napag uusapan.
"Bale ganto kasi iha, hanggang ngayon nalang kami aako ng mga qualified students. Nakikita ko naman na mag aalas singko na kokonti nalang kayo sa pila.." Nanginginig ang mga kamay ni Vivianne habang nag aantay matapos ang sasabihin ng kaharap.
"I can assure you a slot. Pero hindi pa kita pwedeng maenroll doon ngayon." Lumawak ang ngiti ni Vivianne sa narinig. Really? OH MY GOD!
"Baka bumalik kapa bukas.. plus, it's Elementary Education. Okay lang ba sayo—"
"Opo okay lang!"
She's grateful, alright? Hindi naman niya sinasadyang maipakita ang pagiging excited.
"Mukhang okay na okay nga." Mariing natawa ang babae kay Vivianne. "Paano, magfill up ka muna rito at makikita namin bukas ang progress."
Ganon nga ang ginawa niya, pagkatapos maisulat ang iilang impormasyon, hindi na halos siya matigil sa kakapasalamat. Kung hindi lang dahil sa pila sa likuran niya ay baka magtagal pa siya lalo roon.
"What?!" Bungad ni Jae pagkabalik niya sa mga kabigan. Sa gilid naman nito ay nangingiti na si Red na parang alam na ang resulta.
"I think I got it?"
Sa nalaman ay napasigaw na talaga si Jae. Of course, masayang masaya sila! Hindi naman sila nagtyaga pumila para maging malungkot.
"Oh my God.." Nailibot ni Vivianne ang paningin at iilang estudyante na ang nakatingin sakanila. Bahala sila, basta kami masaya.
"So, anong plan?"
Sa tinanong ni Jae, doon palang nagsalita si Red. "I bet pinapabalik ka bukas? So, babalik tayo. Sureball na yan."
Masayang masaya silang nagkatinginan. "Ms. Know-it-all talaga."
"KUMUSTA my bueno brada?" Nilagpasan lang ni Dirk ang kapatid na sumalubong sa kaniya.
Madilim ang kabahayan kaya alam na agad ni Dirk na wala ang mama nito gayon din ang ama.
"Huy, anong nangyari sayo?" Ulit pa ni Deric, ang kuya niya.
Sinalampak ni Dirk ang sarili sa mahabang sofa na naroon at bumuntong hininga.
"Mahihirapan ako."
Napailing nalang si Deric sa pinapakita ng kapatid. Nagsisimula palang, masyado pang maaga para umayaw. At kahit papaano, ayaw nitong umayaw ang kapatid.
Kahit papaano, kahit hindi pa nakikita ang dalagang kursunada ng utol, ay gusto niya parin si Vivianne para sa kapatid. Alam nitong matalino at mabait ang babae.
"If you wanna pursue her, mahihirapan ka talaga. Worth it ang babae eh.." Tinabihan nito ang kapatid na animo'y pinagtakluban na ng langit at lupa.
"Saka sa una ka lang naman mahihirapan, you just have to treat her right.. make them a priority. Hindi mo naman kailangang bigyan iyan ng kung ano anong mamahaling bagay, they don't need that. Ang gusto ng mga yan, effort. Mahihirapan ka, pero sa una lang yun. Worth it yang mga yan magmahal."
Napanganga nalang si Dirk sa narinig. Hindi halos maimagine na ang kapatid ang kausap. Hell, bakit hindi ko man lang namana ang ganoon?
"Makapagsalita ka kala mo may girlfriend ka!" Tumatawa tawa nitong binalingan ang kapatid at inatake ng suntok.
"Ikaw ang girlfriend ko, baby Dirk!"
Napaatras si Dirk sa papalapit na kapatid. Iyon na nga ba ang sinasabi niya, sasapian na naman ito ng kung anong demonyo't mag wewrestling naman ang dalawa. Pagod naman dahil sa enrollment, wala itong choice kundi mahinang makipagsuntukan kahit nauubos rin ang lakas dahil sa tawanan.