"SIGURADO ba talaga kayo rito?" Tahip tahip ang nararamdamang kaba ni Vivianne, malayong malayo sa pa chill chill nalang niyang mga kaibigan dahil tapos na makapag enroll.
Bukod kasi sa maaga silang magpunta, inuna nilang puntahan ang kay Jae dahil kakaonti lang ang taong nandoon kumpara kay Red.
At voila! Nursing student na si Jae at Biology student naman si Red.
Kakaonting ganap nalang ready na talaga sila para sa enrollment kaya hindi rin maiwasang ikumpara ang sarili sa mga kaibigan.
Saan ako nito pupulutin?
"Come on, Viv. Kailan ako hindi naging sigurado?" Mayabang na sabi ni Red.
Nagtinginan nalang sila ni Jae at isinuko na ang korona. Red, ang Ms. Know-it-all ng Bicol University, College of Science.
Maya maya pa nga, natagpuan niya na ang sarili sa registrar ng College of Education.
Inilibot nito ang paningin sa pagkahaba habang pila ng mga qualified student na nandoon.
Phew! That's a lot, may pag asa pa ba ako?
"How sure are you, Red?" Hindi halos makapaniwala si Jae sa nakikita, kung bibilangin niya isa isa ang mga ito aabutin siya ng isang oras. Paano pa kaya kung mag enroll itong lahat?
"I am 100 percent sure—"
"What's with the hundred percent? Nakikita mo ba?" Bumirada na si Jae. Alam na nito ang susunod na mangyayari.
"Of course nakikita ko. You think I'm blind? Seriously, Jae trust me. Alam ko naman ang gagawin ko, hindi ko naman kayo hihilain basta dito kung hindi ako nag iisip."
Sa mapuntong sinabi ni Red, natahimik ang kaibigan. Napailing nalang si Vivianne, wala talagang pagbabago sa dalawa. Parating nagbabangayan.
"Excuse me.."
Dali dali iyong nilingon ni Vivianne, nagbabakasali.
Humarap ang lalaking tinawag ni Red, sa porma at sa suot nitong ID alam mong second year at baka college student council pa.
"Ano 'yun?" Tanong nito saka malawak na ngumiti. Sandaling nakampante si Vivianne, naisip nitong hindi naman pala ganom kahirap pakisamahan ng mga tao dito.
Kung matatanggap siya.
"I got a friend here, QBQ siya. We wanna ask if when kami maientertain—i mean those QBQs?"
Red is intimidating the guy! Iyon ang pinakaunang naiisip ni Vivianne, ni halos hindi na nga niya narinig kung ano ang tinanong ng kaibigan dahil nakapokus ang tingin nito sa reaksyon ng lalaki habang tinitingnan si Red.
"Oh, walang exact time for that pero alam ko papaunahin muna iyong qualified before entertaining those waitlisted and QBQs. After, sila naman ang bibigyan ng pagkakataon."
Kumunot nalang ang noo ni Vivianne nung namataan niyang muli ang lalaking tumingin kay Red.
Ah, Red and her charms.
"Pero try niyong bumalik ng hapon baka makakuha kayo ng susunod na information."
Tumango si Red at nagpasalamat bago umalis ang lalaki.
"Red!" Si Jae iyon na may malalawak ng ngiti, napansin rin ang tingin ng lalaki sa kaibigan kanina.
Pabiro niya itong niyakap yakap, "Turuan mo nga ako.."
Kahit kinakabahan sa posibleng mangyari sakanya ngayong araw, enjoy na enjoy parin si Vivianne habang pinanonood ang dalawa nitong kaibigan na akala ko aso't pusa. Natatawa nalang siya.
"Ng alin ba?" Tinatanggal ni Red ang kamay ni Jae na kanina pa nakaakbay sakanya. "Shocks Jae! Get off, ang init kaya!"
"Fine." Inalis ito ng kaibigan pero hindi maialis ang mga ngiti. "Turo mo pano maging charismatic."
Sa narinig, binatukan lang ito ni Red. Sinasabi niya na nga ba't tungkol na naman doon ang tanong ni Jae.
Ganon naman kasi parati, hindi iyan pumapalya. Palaging kung ano ano ang tanong tungkol sa mga napapansin. It's really annoying!
Pero wala parin naman siyang magawa dahil kaibigan niya parin si Jae. Alam naman nito ang mga ayaw niya, pero parang mas nakasama pa iyon. Nung nalaman kasi ng dalaga ang mga ayaw ng kaibigan, iyon pa ang paulit ulit na ginagawa ni Jae sakanya.
"Hindi naman ikaw ang importante dito. This is about Viv, so go talk to your boyfriend! May pake iyon." Patawa patawang pang aasar ni Red sa kaibigan.
Humaba lang ang nguso nito. Taliwas sa sinabi niya, alam niya namang hindi totoo na may pake ang boyfriend nito sakanya. Jae's boyfriend is such a trash. Hindi nga rin alam ng dalaga kung bakit nag iistay pa ang kaibigan niya sa gagong iyon.
"So, Viv." Siya na ang bumaling sa kaibigan na akala mo'y aliw na aliw sa pagbabangayan nila ni Jae.
Vivianne, on the other hand, well yes— masaya itong nakikita ang mga kaibigan niyang nagbabangayan pero sa loob niya'y hindi parin mawala ang kaba.
What if I just can't make it?
Mahirap na para sakanya ang umasa, para lang siyang dalawang beses na bumagsak sa BUCET kapag nagkataon.
"Tara na, we'll eat first. Then sa hapon babalik tayo rito. Wag kang mag alala, hindi mawawala tong pangarap mo."
Nginitian lang siya ng kaibigan bago nagsimulang maglakad.
Malawak rin siyang ngumiti bago sumunod. She feels so special, and lucky as well.
"KUMUSTA? Tapos na ba?" Isang masiglang thumps up lang ang isinagot ni Dirk sa lalaking papalapit.
"Ikaw kuya?" Pinakatitigan niya ang suot nito. "Aba ayos ha! Ready'ng ready na sa Law school!"
Natawa si Yvo sa narinig, tinutukoy nito ang Half Zip mock neck sweater, skinny jeans at iyong pangmalakasang Brogue boots.
"Para kang siraulo, ganto naman talaga ako magdamit!"
Sa narinig, doon palang iyon narealize ni Dirk kaya nakapag isip isip bago nagkibit balikat.
"Kumusta nga? Mahaba ba pila sainyo?" Gustong baliwalain ni Yvo ang paglinga linga ng kausap pero hindi niya parin napigilan.
Madali lang na bumaling si Dirk sa kausap, "Mahaba kuya. Pero nakaraos din."
Bumalik na naman siya sa paglilibot ng paningin. Bakit hindi ko parin siya nakikita?
Alam niyang nandidito rin ang hinahanap, hindi matatawaran ang excitement noon kaya paniguradong baka ito pa ang magbukas ng University.
Pinilig niya ang ulo para maiwasan ang pagngiti dahil sa babaeng naiisip.
"You look like a real.. crazy.. asshole." Tinaasan niya lang ng kilay ang pang aasar ng nakakatandang kaibigan sa harapan.
Hindi pinapansin kaya naisip ni Yvo na magsalita ulit. "I've heard na hindi qualified si Vivianne."
Sa likod ng isip ay napangisi si Yvo. Tingnan nalang natin kung hindi mo pa ako kausapin ngayon.
"What?!"
Sa itsura palang ni Dirk alam na agad ni Yvo na marami agad itong gustong itanong.
Gotcha.
"Yup, pero gagawan naman daw ata ng paraan."
Nanlaki ang mga mata ni Dirk sa balita. Bakit nga ba hindi muna siya magdouble check?
Kung hindi makakapasok si Vivianne sa Bicol University, anong ginagawa niya roon?
Totoong hindi niya gusto ang magseaman dahil may iba itong gusto. Pero pupwede niya naman iyon itake sa kung saang eskwelahan pa mag aaral si Vivianne.
Nung nalaman niya noong naghahanda si Vivianne ng requirements para sa BUCET, dali dali rin siyang kumilos. Malinaw sakanya na wala sa Unibersidad ang gusto niyang kurso pero magagawan naman iyon ng paraan pa.
Nagbakasali siyang kumuha ng kursong malapit na lugar kung saan mapupunta si Vivianne. At IPESR ang nakuha nito.
Kaonting seminar at general assembly nalang, ready na ito para sa pasukan bilang BS Exercise and Sports Science Major in Fitness and Sports Coaching. Excited din siya para roon. Alam niyang maeextend ang training niya pero hindi na bilang varsity katulad noong highschool.
"Oh, si Vivianne!"
Sa narinig, agad siyang napatayo at luminga linga. Maybe I just need to see her, pagkatapos ay kakausapin ko narin.
"Such an obsess crazy ahole!" Bumungkaras ng tawa ang kaharap kaya nawala lahat ng mga plano ni Dirk.
Bakit ba hindi niya naisip na pinagtitripan lang siya ng lalaking kaharap?
"Hanap ka kausap mo!" Napipikon niyang sabi bago umalis sa foodcourt na iyon.
At ngayong naglalakad na siya, marami na siyang naiisip. Anong gagawin niya kung makita niya nga ang dalaga? Makakausap ko ba? Pwede na ba akong humingi ng tawad?
Halos masabunutan niya ang sarili dahil sa frustration! Bakit ba hindi niya ito naplano noong mga nakaraang araw?
Maya maya pa, napahinto nalang basta ito sa paglalakad seeing that familiar sexy back of her dreams— iniling iling niya ang ulo.
Dirk, what the hell are you thinking?
Paulit ulit niyang pinagsasabihan ang sarili, paulit ulit niyang pinilit kung ano ang gagawin niya? Pinipilit na mag isip ng plano.
But there's none.
Iyon ang totoo, wala siyang ibang maisip. He just stand there staring kahit pa papalayo na ang babaeng iyon at mga kasama nito.
Huli na para maisip niyang sundan nalang ito. He almost laugh at himself thinking how 'stalker' he is by following the girl.
"Pero sabi nga ni Papa, follow my dreams so.. follow Vivanne."
Nakakatawa man pero iyon nga ang ginawa niya, paminsan minsan ay may nakakasalubong itong mga kaibigan pero hindi niya parin hinahayaang makawala sa paningin niya sila Vivianne at mga kaibigan nito. Of course he knows her friends, he's not this 'stalker' if not.
Nagpanic lang si Dirk ng biglaang sumakay ng tricycle ang tatlo. Saan naman ito magpupunta?
"Kuya, pakisundan nalang po yung naunang tricycle." Sa sobrang kaba, nakahinga lang si Dirk nung magsimula rin umandar ang tricylce kahit hindi iyon nagtatanong.
Doon palang naiisip na niya ang mga pinagagagawa. Kung magpapatuloy ang mga ganto paniguradong mahihirapan siya.
"Kasalanan ko kasi ito eh."
Good thing na naamin niya narin sa sarili ang kasalanan. Dirk and Vivianne got their mutual understanding during their senior highschool days, nililigawan narin niya ang babae.
Kaya lang nung handa na itong makipagkita para itanong ang gusto niya, saka naman biglang sumulpot si Ulrica sa eksena. Nadatnan sila ni Vivianne sa hindi kagandahang ayos kaya agad ding nag conclude ng iba ang dalaga.
Kasalanan niya rin dahil hindi niya agad naalala ang usapan nila. Pinag antay niya na nga ito sa meeting place, ginawa parin siyang puntahan ni Vivianne kung nasaan ito para lang makita na yakap ni Dirk ang umiiyak na si Ulrica.
That moment was a real trash! Hindi niya halos paniwalaan na mabilis iyong kumalat sa eskwelahan nila nung highschool. At ang mas nakakatawa pa, eto tuloy siya, habol ng habol kay Vivianne sa hindi niya rin maipaliwanag na dahilan.
Siguro ganto talaga ang mafall in love. Natatawang pag aalu nito sa sarili.
Nang huminto ang tricycle, napatiim ang bagang niya. Anong ginagawa nila rito sa BUCENG?
Nang makapagpasalamat at makapag bayad, pinilit niya paring tanawin ang tatlo. Hindi pa iyon nakakalayo.
Half running na ito nang makalapit sa likod ng dalaga, doon niya palang napansin na mag isa ito. Wala na roon si Jae at Red.
Pokus naman sa paglalakad si Vivianne, kailangan niyang magmadali dahil kailangan rin nitong habulin ang dalawa. Nauna na kasi ito noong nagbayad sila sa Tricycle dahil nagmamadali din si Jae para puntahan ang boyfriend.
Mayroon daw kasing ginagawang hindi maganda.
Pumayag naman agad siya nung mabilis na napagkasunduan ang meeting place.
"Hala!"
Napadarag siya nung biglang nakabangga nito ang isang lalaki. Dahilan para kumalat ang mga papel na hawak sa daan.
Magalang namang humingi ng pasensya ang lalaki pagkatapos ay agad siyang tinulungan. Mula roon, naaamoy nito ang kakaiba at mabango nitong pabango. He smells so nice.
Dahil sa amoy, hindi narin niya napigilan ang pagbaba ng mga mata sa suot nito. Naka bomber jacket na pinaresan ng basic tees at isang chinos pagkatapos ay ang Chuck II Black mono custom Converse.
Natawa siya sa likod ng isip, hindi naman malamig sa University pero bakit ganon halos ang suot ng karamihan dito?
"Axl." Sambit ng lalaki matapos silang tumayo pagkakuha ng mga nahulog na gamit.
"Ah, hi. Vivianne."
Aabutin niya na sana ang kamay ng binata na nasa harap niya noong tumikhim ang pamilyar na lalaking malapit sa kanila.
"Viv." Matalim ang mga tingin nito, hindi sakanya, kundi sa lalaki sa tabi niya.
"Dirk?" Nag iba ng kaonti ang itsura ng kaharap. He actually.. look nice.
Iniwas niya ang paningin at binaling nalang sa katabi na kalaunan ay nagpaalam na rin. "Mauuna na ako, pasensya kana ulit."
Masuyo siyang ngumiti sa papalayong bulto ni Axl, kinailangan pang tumikhim ni Dirk sa pangalawang pagkakataon para makuha ang atensyon ng kaharap na dalawa.
"Dirk.." Ngumiti ito sakanya, agad namang napansin ni Dirk ang pagkakaiba ng ngiting iyon sa ngiti niya sa lalaki kanina.
"I need to go. Inaantay na ako ng mga kaibigan ko."
Hindi inaantay ang sasabihin niya ay agad na gumayak si Vivianne paalis doon.
At that moment, Dirk knows that.. this will be the toughest ride of the millennium.