"I DIDN'T make it."
Pagkasabi noon ni Vivianne ay agad na nagsitahimik ang mga kaibigan nito sa kabilang linya. Walang gustong magsalita at walang gustong maniwala.
Kahit siya, kahit si Vivianne ay hindi rin makapaniwala sa sarili. Kung anong nangyari at kung bakit.
Baka magkulang yung pagrereview ko, o baka distracted. Paulit ulit na pagkumbinsi niya sa sarili.
Bago pa man ang lahat, alam niyang kailangan niyang maipasa ang entrance exam. Andun na siya, kailangan niya nalang makapasok pagkatapos ay malaki na ang tyansa nito para sa pangarap.
Vivianne's family is on the middle class. Hindi lang siya ang pinag aaral ng mga magulang niya. In fact, mayroon pa itong mas maliliit na kapatid na kailangang bigyan ng pansin.
Kaya malaking bagay para rito ang makapasa.. mas kailangan niya iyon. Pero bakit hindi niya pa nagawa?
Tumikhim muna si Jae, isa sa mga kaibigan ni Viviane bago magsalita pagkatapos ng matagal na pagtahimik.
Napailing nalang siya, kanina bago niya sabihin ang nakuha niyang resulta hindi magkamayaw ang mga kaibigan niya kakasigaw dahil mismong sila ay hindi makapaniwalang nakapasa ang mga ito. Nakapasa ang dalawa niyang kaibigan, kahit gaano pa nito gustuhing samahan silang magsaya alam niyang hindi rin niya magagawa yun.
Halos manliit doon si Vivianne, alam niyang mataas ang expectation sakanya ng mga magulang at mga kaibigan kaya hindi niya halos mapigilan ang kalungkutan at disappointment para sa sarili.
Saan siya nagkamali at nagkulang?
Sinikap niya namang magreview, hindi naman siya gutom noong nag exam, hindi naman siya kinulang sa dasal.
"You're saying what, Viv?" Awkward itong tumawa at nahalata niya iyon. Paniguradong pinapagaan lang ni Jae ang sitwasyon.
"Are we supposed to laugh our asses off? Sira! Ngayon kapa namprank."
Pero hindi siya nagbibiro! Hindi talaga siya nakapasa! Hindi talaga siya nakapasok.
Bumaba ang tingin niya sa papel na hawak, iyon ang makakapagpatunay ng lahat. The mail from the Bicol University's admission office speaks truth! Na baka wala na talaga siyang pag asa.
"QBQ. Hindi ako nagbibiro."
Halos magliparan ang mga mura ng mga kaibigan sa kabilang linya sa sinabi, doon palang nila nakumpirma iyon.
"Alam na ba nila Tita?" Si Red naman ang nagtanong, alam nito ang estado ng kaibigan kaya paniguradong magulang niya ang susunod na maaapektuhan. Iyon ang pinag aalala niya bukod pa sa nararamdaman ni Vivianne.
"Alam na nila, ang sabi nila okay lang daw pero.." Gusto niyang maiyak, sa isip ni Vivianne, wala namang pwedeng sisihin dito kundi ang sarili niya.
"Pero kilala niyo naman sina mama at papa. Hindi ko alam kung saan kukuha ang mga 'yun ng pera pero alam kong mahihirapan sila." Tahimik lang ang mga kaibigan kaya doon palang siya nakapaglabas ng nararamdaman.
"Eto na nga ba ang sinasabi ko eh, sana mas nagreview pa ako. Sana mas tinaasan ko pa! Alam niyo naman kung gaano ko ito kailangan, it is my dream school and also a way to all of my dreams. Kaya bakit?"
Matindi ang nararamdamang panghihinayang ni Vivianne, matindi rin ang pagkainis niya sa sarili dahil sa nakuha. Kung mas pinagsikapan niya, kung mas inayos niya.
"Anong average mo?" Bumaba ulit ang tingin ni Vivianne sa papel na hawak dahil sa tinanong ni Red.
"94.250."
"Are you kidding me?!" Si Jae na ang nagkumahog mag tanong. "Sobrang taas niyan! Paano ka naging QBQ?"
Bumagsak nalang siya, hindi na siya makapag isip ng maayos. Puro lungkot at disappointment nalang ang nararamdaman.
"Jae, possible yan lalo na kung mas matataas ang nakuha ng mga nakapasa. Qualified parin naman siya pero below quota. Meaning hindi na siya umabot sa number ng students na kukunin para sa course na yun."
Natahimik muna ang lahat, pinipilit mag isip ng kung anong pupwedeng gawin.
"I lost it, I lost my dream.." Gagad ni Vivianne na tinatanggap na ang pagkatalo.
Iyon naman talaga ang totoo, sa isip niya. Alam niyang kapag umasa pa siya baka mas lalo lang lumaki ang nararamdaman niyang disappointment. Ayaw niya namang maranasan iyon.
Marami pang eskwelahan, alam niya iyon. Pero ang makapag aral aa Bicol University ang gusto niya.. ang kailangan niya. Bakit ang hirap hirap pa nun maabot?
Vivianne got the highest rank noong grumaduate sila ng Senior high, hinangaan siya ng lahat dahil doon. Halos sumakit pa nga ang leeg niya sa mabibigat na medalyang natanggap niya.
She's a consistent honor student, simula pa iyon kahit nung nasa day care pa lang siya. Kaya hindi niya halos maisip kung paano nangyaring kinukwestyon niya ang sarili dahil lang hindi nakakuha ng posisyon sa Unibersidad na iyon.
Of course, I can do better. Mayabang na pag aalu nito sa sarili para maiwala ang pagiging malungkot.
Pero katulad ng mga nauna pang pagkakataon, she failed. Alam na niya simula't sapul ang gusto niya.
Gusto niyang maging guro sa sekondarya at sa Bicol University niya gustong makapagtapos. Hindi lang sa iyon lang kaya ng mga magulang niya kundi dahil iyon talaga ang kagustuhan niya. Sobrang attached niya sa eskwelahan at mismong siya hindi alam kung paano nalang nangyari iyon.
"Magready ka for enrollment." Madiin ang pagkakasabi noon ni Red kaya sabay silang napalatak ni Jae.
Kilala nito ang kaibigan, ayaw niyang umasa pero hindi rin naman magsasabi ni Red ng walang kasiguraduhan. "Magready ka nung mga requirements for enrollment. Sabay sabay na tayo."
Dahil hindi sinabi ng kaibigan kung paano nila iyon gagawin gayong hindi naman siya nakapasa, doon palang siya nakapagtanong. "Pero anong gagawin ninyo kasama ako?"
Hindi narin nagsalita si Jae, parehas silang nag aabang sa sasabihin ng kaibigan. Paminsan minsan ay humihiling si Vivianne na sana'y kahit papaano ay mabigyan sila ng kaonting pag asa.
"We will follow your lost dream."
PATAWA tawa lang si Dirk nung paulit ulit na kinakantyawan ng ama at nakatatandang kapatid.
"Nako, sino ba naman ang mag aakalang makakapasa ang anak kong ito sa Bicol University?" Mayabang at nagmamalaki ang pahayag na iyon ng ama.
Sama sama ang mga ito sa tanghalian, ilang oras pagkatapos malaman ang resulta. "Gulat nga ko pa, pagkatanggap ko ng mail sabi pa sakin nung nagdeliver, 'Congrats' kala niya siguro ako. Eh mas gwapo pa ako sayo!" Nagtawanan muli ang dalawa at syempre maya't maya ang pakikisali doon ni Dirk.
Pero lingid sa kaalaman ng tatlo, ang tahimik na ina sa tabi ni Dirk ay hindi natuwa sa deklarasyon na iyon.
"Tingnan mo ang mama mo, speechless. Sobrang saya niyan!"
Doon palang sila binalingan ng ina. "Dencio! Pwede ba tigilan mo iyang kakakunsinte sa anak mo?"
Natahimik ang tatlo, lalo na si Dirk. Alam niyang sa una palang ay tutol na ang sarili niyang ina sa desisyon niya.
"Mahal naman, may sariling utak na si Dirk. Alam niya na ang mga gusto niya, isa pa maganda rin naman ang kursong kukunin niya—"
Nanatiling tahimik lang si Dirk noong maramdaman na ang tensyon sa mga magulang.
"Gusto kong maging seaman si Dirk! Mas magiging maganda ang buhay mo doon, tingnan mo ang kuya mo nak.."
Tahimik lang si Dirk habang dinidinig ang paulit ulit na sinasabi ng ina. Ayaw nitong sundin ang sinasabi nito, ayaw nitong maging seaman.
Ayaw nitong maging katulad sa kuya niya. Gusto niyang maging si Dirk, yung walang ginaya at gumawa ng sarili nitong pangalan pagkatapos ay makilala bilang siya.
"Anak, pakinggan mo naman si Mama," dagdag pa nito.
"Ma." Ngayon palang ay gusto na niyang matanggap at respetuhin ng ina ang desisyon. Mayroon din siyang pangarap para sa sarili at oo, marami rin namang eskwelahan ang pwedeng pasukan pero eto na oh.
Nakapasa na siya. Magagawa na niya ang lahat ng gusto niya, makukuha na niya ang dapat sakanya.
"Ayoko pong maging seaman, ayoko pong maging katulad ni Kuya. Ayoko rin pong umalis ng bansa."
Iyon ang kauna unahan niyang gustong gawin, to serve the country. Malinaw sakanyang hindi na niya kailangan pang umalis ng bansa para maging matagumpay. Iyon ang pinanghahawakan niya.
Hindi naman halos makapaniwala ang ina sa sinabi, agad itong tumayo at umalis doon. Isa lang ang nasa isip at ilang beses nitong sinisi ang babaeng alam niyang nakapagbago ng isip ng anak.
"So ano, sigurado na ba? Parehas na kayo ng University ngayon?"
Natawa pa si Dirk, alam na niyang hindi titigil ang kapatid at ang ama sa pag usyoso.
"Parehas na campus ba?"
Umiling lang siya. Kahit ilang beses nitong sinubukang kumbinsihin ang sarili na gawing magkapareha ang campus nila ng dalagang nasa isip, magiging mahirap iyon.
"Hindi ho, Pa. Education eh."
Sa sinabi ay mas lumakas pa ang pagtawa ng ama kaya agad na nalukot ang mukha ni Dirk. Ito na nga ba ang sinasabi niya, magiging pulutan pa siya ng tatay at kapatid dahil sa balita.
"Hindi ka talaga pwede don 'nak."
Napailing nalang siya, ayaw patulan ang pang aasar ng ama at kapatid.
"De, pero 'tol, kapag kailangan mo ng tulong o kaya pandate lapit ka lang sakin. Suportado kita."
Kahit napipikon ay agad ding napangiti ang binata. Sapat na para sakanya ang marinig na susuportahan siya ng kapatid sa kahit anong gawin niya.
"Ako rin 'nak. Basta ipakilala mo agad!"
"Hindi ko alam kung saan kita igogoodluck." Nagtawanan sila sa pahabol na sinabi ng kapatid.
"Parang misyon ah." Ang ama naman nila ang nagpatawa. "Mission number 1. Following Dirk's lost dream."
Natigilan siya narinig bago naramdaman ang sandamakmak na paro paro sa tyan. This will be the toughest one.
"Following my lost dream."