"BAKIT naman kasi hindi ka kaagad nagpaliwanag?" Halos mapatalon pa si Dirk sa gulat dahil sa biglaang pagsasalita ng kuya nitong sumalubong sakanya papasok. Wala pa rin siya sa sarili, hindi nga nito mawari kung paano siya nakauwing muli rito kahit hindi na halos maisip ang nadadaang mga lugar. Napako ang utak niya sa init ng paghahalikan nilang dalawa ni Vivianne. Pagkatapos kasi noon ay gulat na humiwalay ang dalaga sa mga halik pagkatapos ay hindi na muling umimik pa hanggang maihatid niya ito hanggang sa tinutuluyan. Umupo ito sa tapat ng kuya niyang nag-aantay pa rin ng sagot. "Ayoko kasing gamitin na rason ang nangyari kay Mama para lang tanggapin niya ako ulit. Kasalanan ko naman talaga." Deric tsked. "Paulit-ulit tayo, Dirk. Sabing hindi mo nga kasalanan 'yun. Besides, mabait

