Chapter 2

475 Words
"Pansit,pansit Kayo diyan murang mura lang sa halagang sampung piso ay may pangtawid gutom na Kayo" pagsigaw ko. Eto na muna ang naisip namin ni inay hangga't Hindi pa kami nakakabawi sa pananim namin. "Ate bili na Po kayo, murang mura Lang!" Pag aalok ko sa babae na ito. "Eh, magkano ba iyan?" "Ate, sampung piso lang, sa sobrang sarap nito tiyak akong makakalimutan mo ang pangalan mo" "Sige pabili ako ng dalawa" "Ano? Dalawa lang? Sure na kayo diyan! Ay pramis talaga pagnatikman mo ito ay hahanap hanapin mo!". Pang-uuto ko dito. "Ayssuss, ikaw talaga sige na nga i-apat mo na". Nakangiti nitong Sabi. "Maraming salamat ate!". Hay,buti na lang nabibili Itong paninda namin. Sapat na itong kikitain ko na Ito sa pagkain namin sa araw araw. Pauwi na ako ng may nakita akong nakapaskil doon sa poste. "YAYA FOR HIRE" "Iha! Gusto mo ba mag apply diyan?" Pagtatanong sa akin ng baklang ito. "A-ahh h-hindi po". "Ay sayang naman, naghahanap pa naman kami" malungkot na saad nito. Naghahanap pa sila ibig sabihin ay pwede pa akong mag apply! Kung mag aaply ako diyan tiyak na matutulungan ko sila inay at itay. "A-ah k-kailangan h-ho ba diyan ay nakapag tapos ng pag aaral?" Pagtatanong ko dito. Kasi kung hinahanap nila ay nakapagtapos ng pagaaral ay hindi ako pwede diyan dahil elementarya lamang ang natapos ko. "Nako iha! Hindi ano! Yaya Lang iyan te! Hindi Ito company! Okay?" Natatawang sabi nito. "H-hehehe ganun ho ba" "Eh ano mag aaply ka ba?" "S-saang lugar ho ba iyan?" "Sa maynila ito,Bata naman ang babantayan mo, pero huwag ka dahil marami ng sumuko sa batang iyon!" "Maynila? Tapos Bata? Pero marami ng sumuko?" "Hmmmm!" Tatango tango na sagot nito "Ano iha mag aaply kana ba?" "A-ahh h-hindi po" nakangiti Kong sabi dito "Tse! Ano ba yan hindi naman pala mag aaply Kay dami dami ng Tanong! Nakakaloka!" Pagsabi nito at tinalikuran na ako. ---- Pag uwi ko ay nadatnan ko sa labas ng bahay ang mga tao at PULIS! "HOY ELIZABETH LUMABAS KA DIYAN" "HOY MARVIN LABAS" "ELIZABETH WAG MO NAMAN KAMI PAG TAGUAN!" Ilan lamang iyan sa mga naririnig ko sa sigaw nila. "Hep!Hep! Sandali ano po bang nangyayari dito?" Pagtatanong ko sa kanila. "Maxine! Itong nanay mo ay di marunong mag bayad ng utang!" "Aling sesing sinasabi ko sa Iyo na magbabayad naman ako sa iyo!" naiiyak na sabi ni nanay "Sawang sawa na ako sa mga sinasabi mo na iyan elizabeth sawang sawa na ako! Hala sige damputin nyo iyan!" Pag utos ni aling Siseng sa mga pulis na ito!. "Teka Lang naman ho aling Siseng baka naman pwede pa ito pakiusapan!" Pagsagot ni itay. "Pasensya na po pero sa presinto na lang po kayo mag pa liwanag" ani ng pulis
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD