Maxine's POV
"Aling Sesing naman, pwede naman ho sana pakiusapan na huhulug-hulugan namin iyon" nanglulumo na pakiusap ni Tatay kay aling siseng.
Malaking problema ito, masyadong malaki ang nautang ni nanay Kay aling siseng, bukod kay aling siseng ay may iba pang inuutangan si nanay at tatay na pilit silang pinagbabayad.
"Marvin ang hiniram mo sa akin na 5,000? matagal na iyon! hindi mo pa rin nababayaran!" isa si mang kaloy sa mga nautangan nila nanay at tatay.
"Kaloy, sabi ko naman sa iyo babayaran ko naman iyon!" pakiusap ni tatay.
" Aling Siseng magkano ho ba ang nautang ni inay? At baka ho magawan ko ng paraan"
"60,000 ang nautang sa akin ng nanay mo"
"HA?! p-paano ho nangyari i-iyon?" hindi makapaniwala na sagot ko dito.
"Abay syempre, inamag na ang utang ng magaling na ina mo, syempre tutubo ng tutubo iyon!"
"G-ganun ho ba s-sige ho g-gagawan k-ko ho ng p-paraan"
"EH PAANO NAMAN ANG SAMIN MAXINE!"
"ANG UTANG SA AKIN NG TATAY MO 2,000"
"PAANO ANG AKIN MAXINE? 1,000 ANG AKIN"
Pag sigaw naman ng iba na inuutangan din nila nanay at tatay.
Umuwi na muna ako dahil kahit papaano ay may naipon naman ako sa paglalabandera ko.
"1,2,3,4,5,6," six thousand, ito ang naipon ko sa higit 3 taon na pag sideline ko sa paglalaba, pang aral sana ito ni bunso, pero hayaan na at magiipon na lang uli ako.
"1,2,3,4,5," five thousand, ito naman ang naipon ko sa 3 taon, pangpa- repair sana namin ito ng bahay namin dahil sira sira na yung mga bubong.
"1,2,3,4,5,6,7,8,9,10" ten thousand, ito ang naipon ko sa higit 3 taon, ito naman para ang sa akin ipang-aaral ko sana ito, para naman mas makahanap pa ako ng magandang trabaho pag ako'y nakapagtapos.
Sa higit tatlong taon na paglalaba ko, paglilinis, ay nakaipon ako. Wala akong magagawa dahil kailangan ito nila inay, dahil kahit ano mang oras ay makukulong sila.
Sa tatlong taon na pagtitiis ko sa gutom, at hirap ay naka ipon ako ng 21,000 na sana ay para sa mga pangarap namin ngunit sa mga oras na ito ay mas higit na kailangan muna ito nila inay, alam kong kulang pa ito pero sapat na ito para kahit papaano ay mabawas-bawasan at mapakiusapan na hulog hulogan namin iyon.
"Anak, dapat hindi mo na inilabas ang mga ipon mo, para sa iyo iyon eh"
Napakiusapan na namin ang mga inuu-tangan nila inay na huhulug-hulugan na lang namin, at pumayag naman sila.
"Syempre nay,tay Hindi ko kayo kayang nakikita na nahihirapan, Kaya hangga't may naitutulong ako ay tutulong ako!"
"Maraming salamat anak"