Chapter 4

340 Words
Maxine's POV Hindi agad ako makatulog dahil iniisip ko ang mga nangyayari, nasira ang pananim namin, nagsuguran ang mga maniningil ni inay at itay, sa mga oras na ito ay isa lang ang malalapitan ko. "O diyos ko,alam ko pong pagsubok lang ang lahat ng ito, alam ko pong sinusubukan niyo lang po kami kung gaano kami katatag na pamilya,alam ko pong sa oras na mga laban na ito ay kasama po namin kayo,alam ko pong ano mang pagsubok ang ibigay mo po sa amin ay nandiyan pa rin po kayo,alam ko pong sa lahat ng mga paghihirap namin ay may kapalit ang lahat ng ito, diyos ko sa mga oras na ito ay humihingi po ako ng gabay." Ako na lang ang maaring gumawa ng paraan para hindi na maghirap ang pamilya ko KINABUKASAN "GOODDDMURRRNENGGGGGG EVERRRYYYOONEEE" masigla na pagbati ko sa kanila,kahit araw araw ko naman itong ginagawa. "Oh,bakit ganyan mga itsura niyo dapat smile lang! Tsk, ang aga aga ang lulungkot niyo!" "Anak, pasensya kana ah, sa ating lahat ikaw ang nahihirapan!"ani ni tatay. "Nak,hindi kami naging mabuting mga magulang sa iyo, sa mura mong edad ay nagtratrabaho kana,hindi kapa namin napag-aral ng mabuti" naiiyak na sabi ni nanay. "Maxine, anak pag pasensyahan mo kami ng nanay mo ah,alam namin na pangarap mong makapag-aral pero ipinagkait namin sa iyo iyon," malungkot na saad ni tatay. "Nay,tay! Ano ba Yan! Kaya nagkaka-crinkles kayo e, nagpapaka-stress kayo! Opo, pangarap ko pong makapag aral, makapagtapos! Pero naiintindihan ko po yung sitwasyon natin,Hindi man ako nakapag aral, napalaki niyo naman akong mabuti!" At bumaling ako sa dalawa kong kapatid. "Kayong dalawa! Pagaaralin kayo ni ate ah! Magtatapos kayo,tapos magtratrabaho kayo,para matulungan niyo kami, naiintindihan niyo?" at tumango naman ang dalawang kapatid ko. "Salamat anak!" At niyakap kami ni tatay at nanay. Hindi ko kailangan panghinaan ng loob, dahil ako na lamang ang pag-asa nila. "Zeanna Maxine Quirion! Maxine for short! Kaya mo iyan!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD