Chapter 5

352 Words
Maxine's POV "YAYA FOR HIRE" Pangalawang beses ko na itong nakikita,hindi kaya ito ang sagot sa lahat ng paghihirap namin. "Tama! Kasi pag nag-apply ako diyan ay matutulungan ko sila inay,makakapagpadala ako ng pera sa kanila,tapos mababayaran na namin yung mga utang nila nanay!" *tok*tok*tok "Tao po,tao Po!" "Sandale!" ito ata yung bakla na nakausap ko nung isang araw "Ikaw pala! Ms. Questioner!" taas kilay nitong saad "Hello po, hiring pa po iyan?" "Oo,hiring pa naman, hiring siya sa mga mag aaply!" akala niya ata magtatanong lang ulit ako, "Halika't pumasok ka ng mapag-usapan natin iyan" "Ahmmm,balak ko po sana magapply, kung pwede ho" "Pwede naman,by the way ano nga pala ang pangalan mo at ilang taon kana?" "Ako po si Zeanna Maxine Quirion, maxine for short, 21 years old," nakangiting sabi ko dito "Pwedeng pwede ka nga dito maxine,kung sure na sure kana talaga, bukas na bukas din ay pwede ka nang umalis," "A-ahmmm t-tatanungin ko m-muna ho s-siguro yung mga m-magulang ko." "Okay, bukas na bukas din ay bumalik ka" "Sige po salamat" "Nako maxine, hindi hayaan mo kami ng tatay mo ang mag trabaho!" pagtutol ni inay "Maxine, tama ang nanay mo! Hindi kami papayag na magtrabaho ka at sa maynila pa!" Sinabi ko sa kanila na gusto kong magtrabaho,upang makatulong sa kanila,ngunit hindi sila pumayag dahil masyado na daw iyon malayo. "Nay,tay! Para naman Po sa atin iyon! Pag nagtrabaho na Po ako makakapagpadala ako dito,yung mga inuutangan natin,mababayaran na natin!" "A-ayy basta Hindi ako papayag!" pagtutol ni nanay. "Anak,hindi mo Ito kailangan gawin labis labis na ang naitutulong mo sa amin ng nanay mo!" Ani ni tatay "Tay,panahon na siguro para ako naman ang mag-alaga sa inyo, hangga't maaari ay wag na nga kayong magtrabaho ako na ang bahala!" "Nay,tay sige na po para naman po sa atin Ito e!" Pagpapasang_ayon ko dito "Sige na nga Basta mag iingat ka doon ah!" sa wakas at pumayag din. "Salamat nay,tay!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD