Chapter 6

384 Words
Maxine's POV "Magiingat ka doon anak ah! Wag na wag mo pababayaan ang sarili mo, pag nagkaproblema ka sabihin mo sa amin ah! lagi kang magpapadala ng sulat ah!" "Opo nay!" "Anak, wala na akong masabi dahil lahat ay sinabi na ng nanay mo!" Natatawa nitong sabi. "Mamimiss ko po kayo, wag niyo po pababayaan ang sarili niyo ah! Wag niyo po pababayaan ang kalusugan!" At binalingan ko ng tingin ang dalawa kong kapatid "Hoy kayong dalawa! Alagaan niyo si nanay at tatay ah! Wag niyo hahayaang mapagod iyan!" "Opo ate" Ayos na ang lahat, pagluwas na lang at magiging ganap na isa na akong kasambahay, sa totoo lang ay exited na ako, bata daw ang aalagaan ko tiyak akong Kay cute cute non! "Oh byaheng pa-maynila!" Nakasakay na ako ng bus, habang naglalagay ako ng maleta sa taas ay bigla itong nabagsak dahilan para lumaglag sa katabi kong lalaki na natutulog. "Nako Po!" ng gumalaw Ito ay kinabahan ko,ngunit hindi parin ito nagising, laglagan ko kaya ulit ito ng maleta nonstop! "Tsk,nagasgasan ata ang napakagwapo mong muka" Sabi ko dito habang sinisipat ang bawat anggulo ng muka nito. Maya maya lang ay naramdaman ko na nakahilig ang kaniyang ulo sa aking balikat dahilan para gisingin ko siya! "Kuya!kuya!" "Ahmmm" ng bigla itong magmulat ng mata ay napatulala ako, dahil napaka-amo ng mata niya para akong ginagayuma sa paraan ng pagtitig niya, ano ba yan kakay napakalandi mo! "K-kuya y-yung u-ulo mo kase" "Bakit nakasandal lang naman ah, ikaw nga nilaglagan mo ako ng maleta mo nagreklamo ba ako?" Hala! Alam niya. "A-alam mo?" Tanong ko. "Oo, di na lang ako nagreklamo ang sarap Kasi ng tulog ko kaya di ko na lang pinansin" "A-ahh sorry" Pag hingi ko ng paumanhin Hindi na kami nagkibuan hanggang sa huminto na ang bus dahilan na nandito na ako sa maynila,pagbaba ko literal na nalaglag ang panga ko dahil sobrang ganda pala dito sa maynila may nag lalakihang mga building sa kaliwa't kanan ko. "Miss, nakalimutan mo" siya si kuyang nalaglagan ko kanina "Salamat" "Wala yun,pano ba yan mauuna na ako" at binigyan ko naman ng isang matamis na ngiti. "See you again miss bus" at natawa naman ako "See you again Mr, bus"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD