KASALUKUYANG palabas kami ng bahay upang maghanda sa pupuntahang outing subalit muling tumakbo si Calei pabalik sa loob dahil may kukunin daw ang bata. "Mommy I forgot Michkitty," anito. "Baby you don't have to bring Michkitty we're getting late," pahabol na saad sa bata. "Yoko po mommy, gusto ko sama si Michkitty---wawa po kasi siya," tuluyang tumakbo sa loob. Bumaling sa matanda saka nakisuyong sundan upang tignan ang anak sa loob. "Nay makikisuyo po kay Calei sa loob," Shock we're very late! "Mommy let's go, Michkitty is here po," anunsyo ng anak ngunit 'di mapigilang mapangiti dahil hindi lamang manika ang dala ng bata kundi maging tsokolate sa refrigerator. Kapagkadaka'y nagmamadaling kinarga si Calei papasok sa inarkilang Grab Car habang ang matanda ay lumigid katabi ng dray

