ALA-SAIS NG GABI kung saan naisipang magtipon ng mga empleyado bagaman dahil sa sobrang paglalaro ng anak ay mabilis nakatulog ang bata kaya binantayan ni Nanay Selya sa suite si Calei habang si Sabrina ay hindi mapakali sa loob rason para magyayang lumabas ang dalaga. Habang naglalakad sa pathway ay nakasalubong namin ang ilang ka-opisina sa ibang departamento na halos nakakatunaw ang klase ng tingin sa'ming dalawa ng kaibigan. "If I'm not mistaken he's the finance supervisor of Del Fierro, right?" may kilig ang boses ni Sabrina. "Si Sir Clyde." "OMG, he's a drop dead gorgeous guy whom luckily staring at us," she sneered. Maya-maya'y lumapit ang binata sa kinaroroonan namin saka lumapad ang ngiti. "Hi ladies wanna join us?" paanyaya ni Sir Clyde. "Naku Sir nakakahiya po" tanggi ng

