I'm in my exorbitant office today, Xavier dropped by at my place just to tease me around. It was very skeptical if why he's always free to the extent that this guy is a f*****g tycoon.
He loves to roam around without giving any heads up. The man is fond of surprise visits as if you owe him his f*****g presence. I think that's the curse of having a jerk buddy.
"Sup, man!"
"What's with the visit, asshole?"
"Nothing. I just miss my best buddy" he smirked.
I raised my middle finger.
"Spill the tea, gago. I'm not in the mood right now. Pass ako sa gaguhan, Villaforte."
"Woah! It hurts here." he pointed his left chest then laughed.
Itinaas ng binata ang dalawang kamay ng makitang seryoso ako at ni hindi nadadala sa pagbibiro nito. I gave him cold stare. Yes, I woke up in the wrong side of the bed because of my mother's sick marriage game.
"What seems to be the problem, man?" anito sabay tapik ng binata.
Bumuntong hininga ako nang malalim sapagkat parang mayroong nakabarang kung ano sa lalamunan dahil hindi mabigkas ang salitang kasal.
"It's mom.”
"Si tita na naman? Akala ko ba okay na kayo kasi nakapag-stay kana sa mansiyon niyo?f**k! Don't tell me, tama yung nasa isip ko?"
"She did that as part of her cruel scheme. Elena Ayala tricked me!"
Humalakhak ang kaibigan kaya lalong nainis ngunit mukhang hindi natitinag ang binata kahit pumorma na parang shut-up-gesture. I told him the conflict between my mom and I about that f*****g marriage deal!
"If she wanted to push you on some trill marriage, then what's your next move, bud?" anito at nagsalin ng alak sa baso na tila komportable yata ang binatang makialam ng mga gamit ko kahit mapa-condo o opisina.
"I have one in mind.” inabot ko ang basong sinalinan ng alak.
"Well then sip the tea, buddy"
"Buong akala ko 'yong mga pahaging niya noong nag-usap tayo sa unit ay isang malaking joke! I'll bound for States cause I heard Trisha is living independently in California and then, I’m going to ask her to act as my temporary wife."
"Let me just remind you Ayala, that woman dumped you like a f*****g hot potato because of another gigolo. If I were you, I'm gonna save my balls, bud."
I slowly felt the pressure in the kind of conversation we were having.
"That f*****g issue died three years ago. They broke up and we both knew that we are on a same page when it comes to marriage perspective. Alam mong tulad ko, ayokong matali ng ganoon na lamang. I have to choose the lesser bimbo I mean evil."
"How about Vanessa?"
"She's not even on my A-list, bro. I'd rather hit my McLaren in a ten wheeler truck."
"Kiss my ass, moron! Hindi mo ba naisip kung gaano katalino ang ina mo pagdating sa ganiyang bagay? Bago mo pa naisip 'yan naisip niya na 'yan. This f*****g "temporary" term is actually brilliant but disregards the plan of going to US."
"You mean to say, I'll choose Vanessa as a yucky wife? She's a definition of trouble—Argh! Okay, then what?" I bursted out of frustration however, he just smiled with malicious glee
"Consider your problem solved. Thank me in advance my dear fella!" Xavier said.
--
Lumipas ang isang linggo matapos magtungo ang butihing ina sa Europa ngunit magpasa hanggang ngayon hindi pa rin alam kung paano lulusutan ang kinakaharap na problema. It gives me headache and put limited time to live on my own f*****g terms. It's been exactly seven days since she bombarded me with her marriage trip. Ubos na ang isang buwang ibinigay na palugit kaya mayroon na lamang natitirang mga linggo upang isagawa ang paghahanap ng tamang tao sa naturang misyon. The heaven and angels are still in favor of me because of some unusual circumstances likely when Uncle Rick advised me with their adjusted flight on going back here in the Philippines. It only means one thing; I can still find a temporary fiancé while they're not yet around at Corinth for some period of time.
Kailangan ko lamang siguro ng kaunting tiyempo upang gawin ang suhestiyon ng matalik na kaibigan.
Matapos tumambay sa opisina at makipag-usap ay nagimbita ang binatang tumungo sa Flip Bar kasama ng buong HOMIGEN sapagkat nagpa-reserve na naman ang kaibigan ng couch sa naturang bar. He's not really excited alright! Even though this is just a manic Monday but Xavier's thought were always thank god it's Friday! Hindi niya pinalagpas maging araw ng linggo at nangakong doon ilalatag ang kaniyang plano patungkol sa problema ko.
Pucha, imbis na 'yon ang mapala'y kabaligtaran dahil bukod sa hang-over na malupit, idagdag pa ang pananantsing ng babae. Hindi ko makalimutan ang araw na 'yon na sadyang nagpainit sa'kin bilang lalaki. ‘The fuckable reality is that I had this thing in our own maid? No way!’
Buti na lamang mabilis nakaisip ng paraan kung paano hindi tuluyang malamon ng kalasingan. Magmula ng mangyari ang bagay na 'yon sa pagitan namin ng dalaga'y minabuting iwasan ni anino ng babae. Ewan kung bakit biglang nakaramdam ng pagkadisgusto sa dalaga kaya bago ihatid ang ina sa airport ay nasabihan ito nang hindi magagandang salita. Although, I admit that she's really funny and I couldn't explain why I became rude ever since I'd felt this unexplainable kind of thing to her. I always remind myself that I should ignore the maiden because she's just nobody.
Mahirap iwasan ang taong nananadya yatang magpapansin.
Thursday morning, when I planned to go for a swimming and was about to dive but I forgot something very important then, I’ve decided to go upstairs and grab my towel.
Papasok sana sa sariling silid nang makarinig ng nagha-humming. Marahang binuksan ang pinto upang mapagsino ang tao sa loob. I saw the rat girl and she was at the corner of my bed while sweeping the floor. I was shocked when the lady abruptly thwarted then danced like crazy. I couldn't remember where did I hear that jolog song but right after her ludicrous gesture she again continued sweeping as if nothing happened.
Hindi pa nakontento ang dalaga ng tumuntong sa sofa at nagsasasayaw habang pinupunasan ang bintana. She wiggled her hips and both hands while holding the feather dust. ‘This rat girl was really f*****g lunatic!’
Gustung-gustong tumawa ng malakas sa mga ikinikilos ng babae, parang wala itong pakialam sa paligid hanggang sa nakita ko ang pagiging over acting ng dalaga sa pagsasayaw kaya nahuhulaan ko ang mga susunod na mangyayari. Maaari siyang matumba patalikod kaya mabilis ang naging pagkilos kagyat sinalo ang dalaga sa maaaring disgrasya.
I had pretended that I was angry with what she did so I confront the young lady which cause her to become stuttered.
Madali akong mainis kaya imbis patulan ang pagiging clumsy ng dalaga'y tumungo na lamang sa closet saka mabilis kumuha ng towel.
‘Damn too much stories about the rat girl!’
Today is actually a start of the week but my face is like “Please god it's Friday”. I couldn't help myself from thinking about some unresolved issues and scheme that I have to execute.
‘How shall I make it surreal?’ Naputol ang malalim na pag-iisip ng may kumatok mula sa nakapinid na pinto.
"Yes come in.'
"Sir I'm off to bounce." my executive secretary uttered.
"Sure."
It was already five in the afternoon, I was then driving my McLaren when Nana Guring called up. I don't want to experience congested traffic so I'd decided to have an early out at the office.
Binilinan ang matanda na kung sakaling may kailangan 'wag mag-alinlangang tumawag. Si Nana Guring ang pinakamatagal sa lahat ng katiwala namin sa mansiyon. Inalagaan niya ang aking ina at maging ako noong bata pa. She has decided not to tie a knot and dedicated her service in the rest of Ayala clan.
"Yes, Nana?"
“Hijo, rito ka kakain ng hapunan, ha? Naghanda ako ng paborito mong potchero."
I couldn't say no to this charming and sweet oldie.
"Sure Nana, I’ll be there in no time."
"Mag-iingat ka, hijo.”
Kinabig ang sasakyan sa U-turn upang umuwi ng diretso sa Corinthian. Plano ko sanang mag-order na lamang ng pagkain sa restaurant upang hindi na maabala ang mga kasambahay sa paghahanda ng hapunan.
‘Potchero is not bad after all.’
Mabilis akong nakarating sa mansiyon at kasalukuyang tinatahak ang daan papasok sa loob hanggang sa nalakaran ang malaking sala na sentro ng naturang entrada. Centralized air conditioned space and carpeted floor. Nagpasiyang tumungo sa sariling kuwarto upang magpalit ng pambahay at makapaghinga sandali para ganahang kumain ng hapunan lalo't paborito ko ang ulam na inihanda ni Nana Guring. Hindi talaga siya nagbabago magmula noon hanggang ngayon. Nana Guring is my second mother next to my biological mom Ang matanda ang naging ina sa twing' wala ang mga magulang upang mag-asikaso ng mga negosyo sa ibang bansa.
Maya-maya’y papanhik na 'ko ngunit bago pa man makahakbang sa grand staircase ay saglit natigilan dahil may kakaibang bagay na naamoy. ‘It was like a burnt smell.’
CHAPTER 08
—————————————————————
Kahapo'y naihatid na si Lena sa terminal at ngayon ko lamang napagtantong nakakalungkot pala kapag walang kasama. Mayroon ngang mga kausap ngunit hindi katulad noong nandito pa ang matalik na kaibigan, mabait naman sina Nana Guring at ate Zeny.
Labindalawa kaming tagasilbi sa mansion; apat na driver, dalawang hardinero, isang stay-out cook at si Nana Guring ngunit kahit ganun , hindi matutumbasan ang mga ginagawa ni Lena.
Kung susumahin siguro mga sampung Zeny at Minda ang katumbas ng kababata. Maging si Randy' ramdam ko ang pangungulila sa dalaga ngunit ayos lamang daw
dito, paano hindi pa yata nag-iinit ang puwet ni Lena sa bus ay magka-chat na ang mga ito. Wala akong nagawa kundi magyaya na lamang pauwi upang masulit ng dalawa ang kanilang pribadong oras. Buti pa 'ko si Tiyang lamang ang katext-mate, no hassle at single pa o di ba?
Kasalukuyang naglalaba ng tawagin ni Chi-chi. Ito lamang sa lahat ng kasambahay ang medyo masama ang ugali, may pagka-two faced b***h at maitim ang gilagid. Hindi ko alam bakit palagi na lamang mainit ang dugo ng lukaret sa'kin,, sa pagkakaalam ko'y wala naman akong ginagawang masama sa kanya, panay ang puna at pintas na akala mo isang diyosa.
Hindi maitagong mayroong paghanga rin ang babae kay Bebe Mich ngunit buti nga sa kaniya hindi pinapansin ng binata dahil napaka-chararat kasi ng mukha.
‘Insekyura lamang si ate mo girl?’
"Hoy Leah, nakatanga ka na naman diyan, wala ka nang ginawa kundi mag-day dream! Binabayaran ka kaya rito hindi para tumunganga!"
"Hindi mo ba nakitang naglalaba ako?" sagot ko na sinabayan naman nito ng matinding irap.
"Ako na lamang diyan, pasalamat ka tapos na ko sa mga gawain ko. tabi diyan!"
‘Himala ng mahabaging langit mukhang naihipan yata ng mabuting hangin ang utak ng babae?’
"Sigurado ka?"
"Oo sigurado. Ayaw mo, makakapahinga ka? Napansin ko kasing kanina ka pa nakatunganga"
"Nakakahiya sayo, aba'y kaya ko na ito."
“Huwag kang mag-alala walang bayad. Peace offering ko sa'yo. Na-realize ko kasing palagi kitang nasusungitan kaya pagpasensiyahan mo na 'ko. May meryenda nga pala sa dirty kitchen kung gusto mo sa'yo na lamang."
"T-talaga? Salamat Chi-chi."
"Oo ba, basta bati na tayo, ha?" ngumiti ito.
Sa loob ng ilang buwang pananatili sa mansiyon, ngayon ko lamang nakitang ngumiti ng sinsero ang bruha, maganda rin naman pala siya kahit papaano. Sabagay, masakit na'rin ang katawan sa paglalaba magmula pa kaninang umaga, kaya't pumayag ako sa alok ni Chi-chi. Hinayaan na lamang ang dalagang akuin ang mga gawain 'saka tumungo sa dirty kitchen. Nakita ko ang nakatakip na pagkain na tinutukoy ng babae na kagyat kong nilamtakan dahil na'rin sa gutom.
‘Thank You Lord! Wala nang kontra-bida sa buhay ko!’
Eksaktong papalabas ako sa kusina habang nagkakagulo ang ilang kasambahay at parang nanggagaling sa kabilang bahagi ng mansiyon. ‘Teka, mapuntahan nga!’
Nasalubong ko si Mang Lito na mayroong dala-dalang timba papasok sa naturang kusina, naaamoy rin ang kung anong bagay na nasusunog kasabay ang makapal na usok na nanggagaling mula sa loob. Ito ang dahilan kung bakit hindi magkandaugaga ang mga kasamahan sapagkat kailangang maapula ang apoy.
‘Sunog!’
Tumulong na'rin ako sa pagbubuhat ng timbang mayroong lamang tubig dahilan upang mabilis naagapan ang lalong paglaki ng apoy na kung saan muntik lumikha ng pagkatupok sa kanang bahagi ng mansiyon. Buti’y eksklusibo ang kusina't kaunting pinsala lamang ang natamo ng mga materyales. Nagkaroon ng bahagyang itim ang dingding na sadyang malapit mismo sa kalan. Kung hindi siguro naabutang ganoon ang mga nangyayari'y baka sumabog ang gasul at natusta kaming lahat na naroon sa naturang mansiyon.
‘’Wag naman! Hindi ko kakayanin kung mawala ang pugad ng pagmamahalan namin ni Bebe Mich—chos!’
Kasalukuyang nasa sala ang lahat, kaharap ko este namin si Sir Michael tila' mababakas ang galit sa kaniyang mala-anghel na mukha dahil sa kapabayaan ng kung sinong kasambahay ang naatasang magbantay sa nilulutong ulam.
‘Trivia: Paboritong ulam ni Sir Michael ang potchero.’
Nakabalandra kami sa sala habang ang binata'y pabalik-balik sa harap, panay ang buntong-hininga ng marahas sa hangin animo nagtitimpi lamang upang hindi kumawala ang nagpupuyos na galit.
"Nana, can you tell me if what was really going on here?"
"Ah, eh—Sir."
He tried to calm down.
"How this effin' fire started? Who the hell should be responsible for this?
"Sir, hindi ko naman talaga gustong iwan ang nakasalang na pochero ngunit kinailangan ko lamang umakyat sa itaas dahil mayroong kinuhang labahin saglit." paliwanag ng matanda.
Hinawakan ng binata ang sentido't muling humarap sa mayordoma.
"Then who?"
"Si Chi-chi po. Nakita ko siyang dumaan sa kusina, hijo. Tinawag ko siya upang bantayan sandali ang nakasalang na ulam." Yumukod ang matanda na parang maiiyak, tinapik ito ng binata na nagsasabing ayos lamang.
"Who's Chi-chi?" matiim nitong saad.
Napatingin ako sa kasamahan na sadyang nagtaas ng kamay.
'Sayang! Kung kailan nagkabati na kami 'saka naman ganito ang nangyari. Buhay nga naman hindi mo masabi kung ano at paano tatakbo.’
"Are you Chi-chi?" rumehistro ang galit sa mukha ni Sir Michael. Marahang tumango ang babae tila nasindak sa klase ng titig ng binata.
"I need your valid explanation for not showing up your proper sense of responsibility and if you failed to prove your innocence, you know where to go, miss!"
Nanginginig ang labi at kamay ni Chi-chi, bakas ang matinding takot kung kaya matagal bago ito nakahuma. Maraming mata ang nakatutok at naghihintay ng maaring paliwanag ng babae at maging ako'y nakikisimpatya sa mga nangyayari.
"S-sir, binantayan ko ho talaga ngunit mayroong tumawag sa'kin. Ang sabi niya masakit daw po ang mga kamay niya sa paglalaba naawa naman ako kaya nagpresintang tutulungan siya pagkatapos ko magbantay ng nakasalang na ulam pero nagpumilit na siya na lamang daw ang magbabantay. Nagtiwala ako dahil mabait naman ang pakikitungo niya sa lahat. Hinayaan kong magpalit kami ng gawain kaya nilabhan ko ang mga damit pagkatapos siya naman ang nagbantay sa kusina. Ipinagmalaki niya pa nga na magaling daw siyang magluto at kabisado ang mga gagawin ngunit hindi ko po inaasahang ganito ang mangyayari. S-sorry po Sir Michael." mahinang saad nito.
‘Kung sino man siya aba'y napaka walang puso! Tinulungan na nga nakuha pang ipahamak ang kasamahan? Magpupumilit siya pagkatapos hindi gagawin ng maayos ang trabaho? Muntik na tuloy magkasunog ng dahil sa kaniya!’
"Who are you referring then?"
"Si L-leah po Sir Michael."
Kaagad lumipat ang tingin ng mga tao sa gawi ko. ‘Aba'y sino ba kasi
iyang babaeng 'yan? Parusahan agad-agad upang magtanda kawawa naman si Chi-chi at Nana Guring.
‘Teka?’
’S-sinong Leah?’
‘M-mayroong Leah pa ba bukod sa'kin?’
‘Parang may mali!’
Bahagya akong siniko ng katabi sa hilera na si Minda.
‘Bakit ako?’
Kagyat lumipat ang nagbabagang mata ng binata sa kinatatayuan. Kung hindi siguro naging babae baka kanina pa tumilamsik ang tatlong ipin ko sa parteng harap dahil sa klase ng kaniyang titig.
“Sir, teka hindi po 'yan totoo! Chi- sabihin mo ang totoo. Ikaw ang nagprisintang maglalaba di ba? Nananahimik ako tapos bigla ka na lamang sumulpot!"
"Leah, hindi ko gawaing magsinungaling. Ikaw nagsabing babantayan mo ang Potchero kaya nagtiwala ako! Kung iisipin mo, bakit ko iiwang nakasalang sa kalan kung alam kong masusunog? Umamin ka na para matapos na!"
‘Anong kalokohan ang pinagsasabi ng lukaret na 'to?’
"Wala akong aaminin dahil wala akong ginawa! Ang sabi mo magmeryenda ako kaya iniwan kita sandali. Sinabi mo bilang peace offering aakuin mo ang mga gawain ko kaya nagtungo ako saglit sa dirty kitchen dahil sa pagkaing tinabi mo." halos maputol ang litid sa pinipigilang galit sa pangyayari.
"Hindi totoo 'yan! Wala akong sinasabing kahit ano sa'yo. Bakit ko naman gagawin ang peace offering na sinasabi mo kung wala naman tayong samaan ng loob sa pagkakaalam ko? Baka nagutom ka kaya inuna mong kumain imbis bantayan ang nakasalang na ulam?"
Akmang lalapitan ang babae sa sobrang sama ng loob, hilam ang aking luha at pilit pinipigilan ang hagulgol na gustong kumawala. Parang sa pagkakataong iyon ay wala akong kakampi at dahil sa kagustuhang ibulalas ang nasasaloob hindi ko napansing napapalakas na pala ang boses. Yung tipong gusto mong ipagtanggol ang sarili laban sa mga ibinibintang sa'yo ngunit walang kakayahang gawin ang nararapat at patunayan na wala kang kasalanan dahil imposibleng paniwalaan?
"Sinungaling ka!"
‘Hihilahin ko ang buhok mo hanggang sa walang matira sa'yo!’
"Stop it!"
"P-pero, Sir Michael? Nagsasabi po ako ng totoo, wala akong-"
"I don't care and I want both of you to go to the library later."
Walang maaninag na kahit anong ekspresyon sa mukha ng binata. Hindi mo mawari kung galit o nomal kaya mas nakakakaba kung iisipin ngunit pagkatapos ng nakaka-stress na senaryo'y umakyat ang lalaki patungo sa kwarto marahil.
Maya-maya, humupa ang tensiyo't kanya-kanyang nagsilapitan sa'ming dalawa ang mga katrabaho. Kanya-kanyang kuro-kuro patungkol sa insidente habang ang iba'y walang pakialam sa nangyayari at sadyang nakikiusyoso lamang.
Ilang sandali ang dumaan ng pinatawag kami ni Sir Michael sa library at sa kamalas-malasan, si Chi-chi ang naunang pinatawag sa loob ngunit bago pumasok ang babae'y tinapunan ako ng ngising nakakaloko. Ngayon ko lamang napagtantong kunwari lamang pala ang pinakita niyang kabaitan upang i-frame up ako, hanggang sa bumilang ng ilang sandali ng lumabas ang lukaret na may wagas na pagkakangiti.
‘s**t! Mukhang na-brain wash niya si Bebe Mich! Parang iba yata ang kalalabasan ng sa'kin.’
"Come on in."
Bantulot binuksan ang pinto't tumambad ang binata na sadyang nakatalikod at prenteng nakaupo sa swivel chair.
"Take a seat, Miss Martinez."
Napilitan akong umupo sa bakanteng upuan sa harap. Bumuntong-hininga upang hindi pangapusan ng hangin sa kabang nadarama. Kanina pa nagpapawis ang kamay tila gusto nang tumakbo palabas ng silid-aklatan. ‘Ano kayang sentensiya ang ipapataw ng binata?’
‘Susko! Buti sana kung life time imprisonment in his yummy arms!’
"Speak!"
"S-sir, maniwala ho sana kayo sa'kin hindi ko po magagawa ang bagay na 'yon. Hindi ko po alam ang ibinibintang ni -"
"Tingin mo tanga ako para maniwala sa baguhang katulad mo?"
Marahas na umikot ang upuan at hinarap ako ng binata talagang nakakatakot ang inaakto nito animo mga tinging kakainin ka ng buhay!
"S-sir?"
"Hindi ka ba aware sa maaring mangyari sa'yo kung sakaling natupok ang bahagi ng mansiyon? Puwede kitang kasuhan ng arson dahil sa pagiging pabaya mo! And the next thing you knew, you were rotten in jail."
‘Por dios por santo! Mahabaging langit, tinatawagan ko ang lahat ng diyosa ng kagandahan!
"Sir, maawa naman po kayo! Maniwala ho kayo na hindi ko po magagawa 'yon."
"Maawa? Muntik mo nang masunog ang mansiyon, Miss Martinez!"
"Sir, please have mercy on me!" hilam ang luha't uhog dahil sa pag-iyak.
Kung hindi pa pinigilan ang sarili sa pag-atungal na parang baka' aba'y baka lumubo pati uhog ko sa mga nangyayari.
"Get lost"
"A-anong ibig niyong sabihin?" humihikbing tanong sa lalaki.
"Pack your things and never get back, understand?"
"S-sir, tinatanggal niyo na po ako?"
"Clear as crystal, Miss Martinez! You're fired. Don't worry you can get your last salary and
“I’m not that cruel just to shoo you away without anything on your pocket." madilim ang mukha ng binata ngunit mas nakakatakot ang kanyang mga tingin.
Sa nadaramang kadesperaduhan, lumuhod ako upang magmakaawa sa lalaki sapagkat kailangang-kailangan ko ng pera. Iyon ang matibay na dahilan upang kapalan ang mukha at gawin ang lahat nang naisin ng lalaki, kagyat natigilan ang binata sa nagawa kaya biglang nablangko ang ekspresiyon nito.
"Sir, parang awa niyo na, bigyan niyo po ako ng isang pagkakataon. Lahat gagawin ko para mapatunayang inosente ako sa mga paratang sa'kin."
Matiim na tumikom ang bibig ng binata saka tumalikod sandali, may kinalkal sa vault na kung anong mga dokumento. Kahit naguguluha'y nanatiling nakaluhod habang hinihintay ang kanyang pasya. Matapos makuha ang kung anong papeles ay inihagis ang mga ito sa'king harapan.
"You will do anything right? Walang bawian or else..."
"O-opo, Sir."
"Good. I’m a considerate man Miss Martinez so I'll give you some chance to prove your self but in one f*****g condition."
"A-ano po iyon, sir?"
"Get those f*****g documents and sign! Read properly and when you agreed on every terms that stated there then, viola! I will not fire you or put you to jail but there's an expiration from every favor you asked so might as well think about it. You only have three days left!"
Hindi nagawang tapunan ng tingin ang mga dokumento't basta na lamang tinipon 'saka nagmamadaling lumabas ng library. Atleast, binigyan ako ng pagkakataong manatili sa mansiyon. Juicecolored, buong akala ko matatanggal na 'ko, ngayong pa namang kailangang-kailangan namin ng pera ni Tiyang Berta.
‘Ang bait mo talaga, Lord!’
Nagmamadali tumungo sa servant's quarter upang makapagpahinga sapagkat patang-pata ang katawan sa dami ng nangyari ngayong araw. Pagkarating sa silid ay diretso nahiga saka mabilis itinapat sa nababanaag na ilaw ang mga dokumentong ibinigay ni Sir Michael.
‘Kailangang pag-aralan ang mga ito at baka kagalitan ako.'Di kaya mga rules and regulations 'to sa mansiyon?’
Marahang binasa ang mga nakasulat at sadyang nanlaki ang dalawang mata rason upang bumalikwas ng bangon saka paulit-ulit binigkas ang mga nakasaad sa papeles. Word for word, punctuations, and the combination of rising and falling intonations. ‘s**t!’
*Temporary Fiance' Agreement*
Laws:
1.Never fall in love with Mr. Michael Ayala III.
2.Keep it absconded as long as Elena Ayala doesn't aware of it.
3. Show-off your biggest drama theatre acting when you're with my whole kinsfolk.
4.If Plan A failed then proceed to Plan B.[Impossible mission of all]
5.Plan B: Marry me until Elena Ayala transferred all the businesses and properties under my name.
‘So on and so forth!’
Tatlong pahina ang naubos bago nakita ang dapat pirmahan. Samantala, ito ang nakasaad sa written oath ng naturang memorandum of agreement:
I, _________, hereby declare that I agree from all the terms and conditions of this foresaid documents and not unhold any decision. When it does not follow the punishment is to return the amount worth of one million that will be transferred on my account once it's approved.
Post Script:
The power of law vested on me so take it seriously. Will you be my temporary fiancé.?
____________
Signatory
Hindi ko alam kung paano mag-rereact sa mga nababasa ngunit ang tanging tumimo sa utak ay:
‘Desisyon na ba aga-agad? May lakad ka, Leah? Ano 'tong kalokohang napasok ko?’