CHAPTER 2

3437 Words
[DARA SHIN NORVILLE's P.O.V.] Hanggang ngayon, nandito pa rin ako sa kwarto ni kuya at yakap yakap pa rin niya ako. Naka-purple dress pa rin ako na sinuot ko para sa 18th birthday ko. Habang si kuya naman ay naka-dark blue long sleeves pa rin na nakatupi ang manggas hanggang siko niya. Hindi na kami nakapagpalit pa ng pantulog dahil nga hinila agad niya ako dito sa kwarto niya. Tch. Halos kalahating oras na akong nakasubsob sa dibdib niya at siguradong hinahanap na kami ng parents namin. Hinintay ko lang siya na makatulog dahil alam kong hindi niya ako hahayaan makaalis kung gising siya. Kaya naman nang marinig ko ang mahinang paghilik niya, hindi na ako nagdalawang isip pa na bumangon sa pagkakahiga sa dibdib niya. Dinig na dinig ko pa rin ang bilis at lakas ng heartbeat niya kahit alam kong natutulog na siya. Ano kayang nangyayari sa puso ni kuya? Pero binalewala ko na lang 'yun dahil baka magising pa siya at hindi na ako makalabas pa sa kwarto niya. Nag-iingat ako sa bawat kilos ko. Unti-unti kong nilapit ang kamay ko sa isang braso niyang nakayakap sa akin at hinawakan ito kahit na nahihirapan ako. Kinakabahan din ako dahil baka magising ko siya. Nanginginig ang katawan ko habang dahan-dahan kong inaalis ang braso niyang nakayakap sa akin. Goodness! Ang bigat ng braso ni kuya. Sunud-sunod na rin ang paghinga ko nang malalim dahil sa kabang nararamdaman ko. Napadako ang tingin ko kay kuya at nang makita kong mahimbing pa rin ang tulog niya, nakahinga ako nang maluwag. I need to calm down. My heart's still racing from nervousness. Pinilit ko na maalis ito. At naramdaman ko ang bahagyang pagsakit ng balikat ko. Napahinga ako nang maluwag nang tagumpay ko itong maialis. I was about to remove his other arm when I heard him groan. At agad na naman ang pagragasa ng kaba sa dibdib ko. Naramdaman ko ang bahagya niyang paggalaw. Oh please, huwag naman sana siyang magising. Pero naramdaman ko na lang ang pagbalik ng braso niya sa likod ko at muli akong niyakap nang mas mahigpit na siyang ikinanlumo ko. Naiiyak na ako sa sitwasyon ko. Naalis ko na eh, bakit nabalik pa? Tinatraydor 'ata ako ng tadhana. Napakuyom ako ng kamao at napakagat sa ibabang labi ko para pigilan ang hikbi ko. Wala na 'atang chance na makaalis ako dito. I sighed heavily at that thought. Pero biglang bumalik ang pag-asa ko nang makarinig ako ng katok mula sa pinto ng kwarto ni kuya. "Darko, Dara anak?" Narinig ko ang mahinahong boses ni mommy mula sa labas ng kwarto. Gusto ko sanang magsalita pero napipi ako nang maalalang soundproof nga pala mula dito sa loob ang kwarto ni kuya kaya hindi nila kami naririnig. Tanging kami lang ang nakakarinig sa kanila. Napadako ang tingin ko sa pinto nang marinig kong pilit itong binubuksan. Nilock nga pala ito ni kuya nang makapasok kami kanina. I sighed. Naglaho ang pag-asa kong mabubuksan pa 'yun ni mommy dahil laging na kay kuya ang susi at hindi niya ito binibigay kahit kanino para mapa-duplicate. Ewan ko ba sa kanya kung bakit. Hindi ba niya naisip na baka may mangyari sa kanya dito sa kwarto nang hindi namin nalalaman? Inangat ko ang ulo ko para tingnan si kuya. Natutulog pa rin siya. Tch. Tulog mantika talaga. Ano kayang tinatago ni kuya dito sa kwarto niya at ayaw niyang may makapasok dito nang basta-basta? Mula pagkabata, wala na siyang pinahintulutang pumasok dito maliban sa akin. Pero kung makakapasok man ako dito, laging ang tendency ay yayakapin niya lang ako nang mahigpit dito sa kama habang siya ay tulog, kagaya ngayon. Nabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ulit ang malakas na pagkatok mula sa labas. "Darko. Open the door." This time, si daddy na ang nagsalita at may diin ang pagbigkas niya. Sighed. Hindi pa rin magising si kuya. Kaya ako na lang ang gigising. Bahagya ko siyang inuga sa braso. "Kuya, sina mommy, kumakatok." Mahinahon kong sambit. Pero hindi pa rin siya nagigising. Kumunot lang ang noo niya. At mas niyakap lang ako nang mahigpit. Sa inis ko, kinurot ko na siya sa braso niya nang sobrang lakas. "A-RAYYY!!" At dahil doon, nalaglag ako sa sahig dahil bigla siyang bumangon. At matalim akong tiningnan. Napalunok ako dahil doon. Dinig ko ang patuloy pa ring pagkatok at pagtawag nila mommy at daddy mula sa labas pero binalewala niya lang ito na parang walang naririnig. "WHAT THE FVCK, DARA?! WHY DID YOU PINCH ME?!" Matalim niyang tanong sa akin at ramdam na ramdam ko ang inis sa bawat bigkas niya ng salita. Pero hindi ako nagpatinag, bagkus pinagtaasan ko lang siya ng kilay. At nagawa ko pa siyang irapan. Eh sa nakakainis na siya eh. "Sila mommy, kumakatok." Inis na tiningnan niya ang pinto, at binalik ang matalim na tingin sa akin, at binalewala lang ang pagkatok at pagtawag nila mommy mula sa labas. "So?!" Mataray niyang saad sa akin. Napairap ako. Para talagang bakla 'tong si kuya. Napailing na lang ako. "Siguradong hinahanap na po nila tayo, kuya. At nakalimutan mo na ba na debut ko ngayon? Nakakahiya sa mga bisita kung wala ako doon." Naiinis pa rin ako sa kanya. Hindi ko na narinig pa sina mommy mula sa labas na siyang lalong nagpadagdag ng inis ko sa kanya. Mukhang umalis na ang mga ito sa pag-aakalang wala kami dito ni kuya. Tch. Tumalim lalo ang tingin niya sa akin. "Why are you thinking about other people?!" Nagagalit na naman siya at padaskol niyang hinablot ang magkabilang braso ko. "You should think about me! You don't need them. You only need me!" Inalog-alog niya ako at nakakahilo na ang ginagawa niya! "K-kuya, nasasaktan ako." Naiiyak na ako pero parang wala lang siyang naririnig. Ugh! "Fvck, Dara! Ako lang dapat ang iniisip mo!! Walang iba. Ako lang dapat!" Ayan na, nagtagalog na siya. Ibig sabihin, sobrang nagagalit na siya. At 'yan ang dahilan kung bakit ayaw niya akong magkaroon man lang ng kaibigan. Dahil ang gusto niya ay nasa kanya lang ang atensyon ko. At 'yun ang hindi ko maintindihan kung bakit. 'Pag nandito 'yan sa bahay, dapat daw walang ibang taong pagbabalingan ko ng atensyon maliban lang sa kanya. Nabalik ako sa huwisyo nang bigla na naman niya akong yakapin ng mahigpit. Nararamdaman ko na naman ang yakap niyang natatakot. At naririnig ko na ang sunud-sunod niyang paghinga nang malalim. "Don't think about other people again, Dara. Don't even think about our parents. You should only think about me. Your attention is mine, because you're mine, only mine." At mas humigpit pang lalo ang yakap niya na para bang ayaw akong pakawalan. Imbis na magsalita ay napatiim-bagang na lang ako. Kahit pa ang mga magulang namin? What the heck?! Bakit pati parents namin, hindi ko pwedeng isipin?! Hindi naman siya gan'to kalala dati ah. Anong nangyayari sa kanya?! Bakit ba lagi na lang niya ako pinagdadamot sa lahat? Bahagya ko siyang tinulak para tingnan siya pero hindi ako nagtagumpay dahil mas hinigpitan niya lang ang yakap niya sa akin at sinubsob ang mukha niya sa leeg ko. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko at para bang inaamoy na naman niya ako. -_- Oo. Na naman. Dahil lagi na lang niya 'yun ginagawa sa hindi ko malaman na dahilan. Tch. May gusto talaga akong itanong sa kanya at hindi pwedeng hindi ko tanungin sa kanya 'to. Napalunok ako. "K-kuya," "Hmm, what is it, Dara?" Napapikit ako nang mariin nang naging malambing ang boses niya. Bahagya nang lumuwag nang konti ang yakap niya. At sinisinghot-singhot pa rin niya ang leeg ko. -_- Pero inignore ko na lang 'yun, dahil baka hindi ko pa matanong sa kanya ang dapat kong itanong. Binalewala ko pati na ang nararamdaman kong kiliti sa leeg ko. At nagbuntong-hininga ako para pakalmahin ang sarili ko sa ginagawa niya. Tch. "Kuya, p-paano na lang 'pag mag-asawa na ako?" Nawala na bigla ang pag-amoy niya sa leeg ko at hinigpitan na naman ang yakap sa akin. Napakunot-noo ako. "H-hindi pwedeng hindi ko ibaling ang atensyon sa k-kanya." Napaigik ako sa sakit nang maramdaman ko ang pagbaon ng kuko niya sa mga braso ko habang yakap pa rin ako. Bakit parang nagagalit na naman siya? Hindi ko na talaga maintindihan kung bakit ba ganyan siya kumilos. - "Don't go anywhere after your class. You should be home before 5pm." 'Yun ang kabilin-bilinan sa akin ni kuya. Hinatid niya ako dito sa school gamit ang kotse niya at nandito kami sa parking lot. Sa pagiging sobrang protective ni kuya, kahit ang schedule ko ay inalam niya. Tch. "Y-yes, kuya." Sagot ko na lang at palabas na sana ng kotse niya nang bigla niya akong hinapit papalapit sa kanya at hinalikan ako sa noo. At nang bahagya akong makalayo mula sa kanya, napansin kong nakangiti na naman siya nang malawak. Napabuntong hininga na lang ako at binalewala na 'yun at tuluyan nang bumaba sa kotse niyang tinted. Nang pinaandar na niya ito paalis, nagsimula na akong maglakad papasok sa campus. Pagkapasok ko sa gate, ramdam ko agad ang pagsunod sa akin ng tingin ng mga estudyante dito. Sanay na ako, lagi naman silang ganyan eh. Tch. Kaya binalewala ko na lang. First day ngayon ng second semester sa pagiging second year college ko sa kursong culinary. Kinuha ko ang course na ito dahil gusto kong matutong magluto. One week na ang nakalipas simula nung birthday ko at one week na rin mula nang makabalik dito si kuya sa Pilipinas. At sa one week na 'yun, napakaraming nangyari. Dalawang araw matapos ang birthday ko ay nagtungo na pabalik sina mommy sa states to manage their company there. Ang tanging naiwan lang sa bahay ay ako, si kuya, at si manang. At sa loob ng isang linggo, hindi pa ulit ako nakatulog sa sarili kong kwarto. Mas lumala pa 'yun nung umalis na sina mommy sa bahay. Hinahayaan na lang ni manang si kuya sa gusto nito dahil ako na rin ang nagsabi na hayaan na, ayokong madamay si manang. Alam kasi namin paano magwala si kuya 'pag wala sa kanya ang atensyon ko. At nakakainis na si kuya dahil sa pagiging over protective niya. Nakakasakal na. Hindi ko magawa ang mga bagay na gusto kong gawin dahil sa kanya. Flashback.. Papunta ako sa kusina para sana uminom ng tubig nang mapatigil ako dahil narinig ko ang boses ni kuya mula sa loob. Nakauwi na pala siya. Nakipagkita kasi ito sa barkada niya. Tch. Buti pa siya, may MGA kaibigan. "Manang, where's Dara?" Napairap na lang ako sa kawalan. Sa tuwing uuwi na lang siya, 'yan lagi ang naririnig kong tanong niya. Tch. "Ah young master, nasa kwarto po niya at--" "Okay." Bastos talaga ito. Hindi niya pinatapos si manang sa pagsasalita at narinig ko na lang ang mga yabag niya. Nawalan na ako ng ganang uminom ng tubig at naglakad na lang paakyat para bumalik sa kwarto ko. Kailan ba magtitino si kuya? Ugh. Hindi pa man ako nakakaisang hakbang sa hagdan ay narinig ko nang tinawag niya ako. Napahinto ako pero hindi ko siya nilingon. Narinig ko na naman kasi ang walang emosyon niyang boses. Kaya hindi ko alam kung galit siya ngayon or what. Napabuntong hininga ako. Naramdaman ko na lang ang paghawak niya sa braso ko. "Let's go to 'our' room." At hinila na niya ako paakyat. Sighed. Ngayon, ang kwarto niya ay tinatawag na niyang kwarto namin. May sarili naman akong kwarto. Nandito na kami sa tapat ng kwarto niya na katapat lang ng kwarto KO. Nilingon ko siya habang kinukuha ang susi sa bulsa niya habang hawak pa rin ang braso ko gamit ang isang kamay niya. Lagi niya itong nilolock sa tuwing umaalis siya ng bahay. "K-kuya, doon muna ako sa kwarto ko." Napakunot ang noo niya at agad na nagdilim ang mukha niya. Napalunok ako dahil sa kaba. Agad na bumilis ang pagtibok ng puso ko nang mapansin ko ang pagtatagis ng bagang niya at humigpit ang pagkakakapit niya sa braso ko. "K-kuya, nasasak--" "No! We're going to sleep together." Madiin niyang usal at agad akong hinila papasok nang mabuksan niya na ito at agad nilock ang pinto. "P-pero nagugutom ako. Gusto kong kumain." At narinig na lang ang pagkalam ng sikmura ko. I heard him sigh habang nakatingin sa tiyan ko. "Okay. Go inside. I'll bring you your food." Pinauna niya na akong pumasok sa kwarto niya. At siya naman ay bumaba para kumuha ng makakain. Gusto ko sanang dumiretso sa kwarto ko pero ni-lock ito ni kuya at kinuha ang susi sa akin at kay manang. Kaya wala akong nagawa kundi mag-stay dito sa kwarto niya. Nilibot ko ang paningin sa buong kwarto niya. Nang mapadako ang paningin ko sa bookshelves niya. Ewan ko pero nakaramdam ako ng curiosity kaya naglakad ako papalapit dito at... Napahinto ako at napalingon sa pintuan nang marinig ko ang pagbukas at pagsara nito. Nakita kong dala-dala na ni kuya ang tray na may pagkain. "K-kuya.." Napalunok ako nang mapansin ko ang tila pagsasalubong ng kilay niya na para bang hindi niya nagugustuhan ang balak ko sanang gawin. "What are you doing there? Come, let's eat." Nilapag niya ang tray sa mini dining table na nasa gilid ng kama. Lumapit naman ako sa kanya gaya ng sinabi niya at naupo sa gilid ng kama. Nagsimula na kaming kumain ng tahimik. "Don't ever go to my bookshelves again, okay? I don't want anyone tampering with my things, and that includes you," he said coldly. I gulped. Sungit naman nito. Parang books lang! "O-okay." Naisagot ko na lang. Pagkatapos namin kumain, hinila niya agad ako palapit sa kanya at agad akong niyakap nang medyo mahigpit. Sumubsob na naman ang mukha niya sa leeg ko at inamoy na naman niya ito. "Hmm. You really smell so good, baby." Paos na sambit niya. Saan siya napaos? Nag concert ba siya? Nagulat ako nang bigla na lang siyang mag-angat ng ulo at tinitigan ako nang matiim sa mga mata. Kitang-kita ko ang pamumungay ng kanyang mga mata. "K-kuya, mukhang inaantok ka na 'ata. Matu--" Hindi ko natapos ang sinasabi ko at literal na nanlaki ang mga mata ko sa ginagawa niya ngayon. Bigla na lang siyang pumikit at sunud-sunod na hinalikan ang tungki ng ilong ko, ang noo ko, ang magkabilang pisngi ko, at napapikit ako nang hinalikan niya ang magkabilang mata ko at ang kilay ko. "Kuya, s-stop." Bahagya ko siyang tinulak para patigilin siya sa ginagawa niya. I heard him groan but I ignored it. Tch. Ano bang pumasok sa kokote niya? Bakit niya ako pinapaulanan ng halik sa mukha? Napadilat siya. Mapupungay pa rin ang mga mata niya at sunud-sunod ang paghinga nang malalim. Naguguluhan ko siyang tiningnan. Hindi naman siya ganito dati na sobrang sweet sa akin ah. Dati, sweet lang siya. Pero hindi tulad nito na sobrang sweet niya sa akin na para bang hindi na normal. Ginagawa ba ito ng ibang magkakapatid? Niyakap na naman niya ako nang mahigpit. Agad naman akong nakaramdam ng kakaibang sensasyon na hindi ko maipaliwanag nang halikan naman niya ang tenga ko. Ugh. Bakit parang biglang uminit ang pakiramdam ko? Mas lalong humigpit ang yakap niya. Ang yakap niyang natatakot. "Please, Dara. Promise me. P-promise me, baby, you won't e-ever leave me, okay?" Pakiusap niya sa akin na parang natatakot at nababaliw na. Nakakatakot na siya. Kinikilabutan na ako sa mga kinikilos niya. "K-kuya, ano bang s-sinasabi mo?" Hindi ko maitago ang takot at kabang nararamdaman ko sa boses ko. Napalunok ako para pakalmahin ang sarili ko. Umalis siya sa pagkakayakap sa akin at nakita ko ang matalim niyang titig sa akin at humigpit ang pagkakapit niya sa braso ko. "Promise me!" Madiin niyang turan at nagtagis na naman ang mga bagang niya. Wala akong nagawa kundi tumango na lang, baka kasi lalo na naman siyang magalit at ayun ang ayokong mangyari. "P-promise." Agad naman nagliwanag ang mukha niya at hinila na ako pahiga sa kama niya. At niyakap na naman ako habang magkatabi kami sa kama niya. Napatingala ako kay kuya at kitang-kita ko ang saya sa mukha niya habang nakangiti. Nagiguilty tuloy ako. Hindi ko kasi alam kung mapaninindigan ko 'yung promise na 'yun eh. Sa dami ng pumapasok sa isip ko, hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Flashback ends. Nandito na ako ngayon sa loob ng classroom, wala pa ang professor namin. Dito ako naupo sa pinakalikod malapit sa bintana, at nakatingin lang sa labas. Pinapanood ko ngayon ang mga naglalaro ng volleyball sa field. Habang 'yung ibang blockmates ko naman ay may mga sari-sariling kumpulan at nag-uusap usap lang sila. Mabibilang lang kaming magkaklase. Nasa fifteen lang kami sa klase. I sighed. Ako kaya? Magkakaroon pa kaya ako ng kaibigan? 'Yung mananatili sa tabi ko kahit na anong mangyari? 'Yung hindi ako lalayuan kahit na anong sabihin ni kuya? Nakakalungkot. Dahil kay kuya, nagiging loner ako dito sa school. Narinig kong nagsibalikan na sa kanya-kanyang upuan ang mga blockmates ko kaya napalingon na ako sa harap. Dumating na pala ang prof namin. Napalingon ako sa katabi kong upuan at napabuntong hininga na lang. Wala na naman tumabi sa akin. Sanay na ako. I sighed. "Good morning, class. May bago pala kayong kaklase." Napatahimik naman ang classroom nang magsalita si ma'am. At pumasok naman ang isang binata na sobrang pamilyar sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko ito. "Omg, girl! Sino siya? Ang hot!" Narinig ko namang nagbulungan ang mga babae mula sa likod ko. Pinagbubulungan nila si Luke. Tch. Isa sila sa mga naging friends ko na hindi rin nagtagal. Binaling ko na lang ang atensyon ko sa harap at nakita ko siyang nakatingin sa akin na gulat na gulat. Muntik na akong matawa sa ekspresyon niyang 'yun pero pinigilan ko na lang. "Ehem. Mr, magpakilala ka na." Tawag pansin sa kanya ni ma'am. Kaya bigla na lang siyang umayos ng pagkakatayo. Ang cute niya talaga. Ugh. "Hmm." Kitang kita ko ang pagtaas baba ng adam's apple niya. Napakunot-noo ako. Kinakabahan ba siya? "I'm Luke De Merced. 19." Simula niya habang nakatingin lang sa akin at napahawak pa siya sa batok niya at biglang napangiti. Napangiti na rin ako. Nahahawa talaga ako sa ngiti niya. Nang mapatingin naman ako sa iba naming classmates, nakangiti rin sila. Pwera lang sa mga lalaki dahil nakabusangot sila. "Okay, you may take your seat now." Saad lang ni ma'am at umupo na sa teacher's table. "Hi, Dara." Namalayan ko na lang na dito pala siya umupo sa tabi ko. Kaya nilingon ko siya at nakita ko agad ang nakangiti niyang mukha kaya napangiti na naman ako. "Hi." Napansin ko na naman ang bulungan ng mga blockmates namin at ang pagbusangot lalo ng mukha ng mga lalaki. Pero binalewala ko na lang. Siguro pinagbubulungan nila 'yung tungkol sa banta ni kuya na 'hindi dapat makipagkaibigan o makipag-usap sa akin dahil gagawing miserable ang buhay nila' thingy. Pero sa kabila nun, nagpapasalamat pa rin ako, kasi dahil doon, mahahanap ko siguro ang magiging tunay kong kaibigan. 'Yung kaibigan na mananatili at hindi ako lalayuan. Pero dahil gusto ko na talagang magkaroon ng makakasama at makakasalamuha, hindi ko hahayaan si kuya na palayuin sa akin si Luke. Kasi gusto ko si Luke. Gusto ko siyang maging kaibigan dahil alam kong mabuti siyang tao at lagi niya akong napapangiti sa mga ngiti niya. Alam kong kayang-kaya ni kuya na gawing miserable ang buhay ng ibang taong malapit sa akin. Because I know Darko Sean Norville - the country's most renowned young engineer and one of the most famous engineers globally. Sa edad niyang 23, napakarami na niyang naitayong building sa loob man o sa labas ng Pilipinas. Kaya naman sobrang proud sa kanya sina daddy. Kung kinakailangan kong protektahan si Luke mula kay kuya, gagawin ko kahit na nakakatakot siyang magalit. Magalit na siya sa akin, pero hindi ko hahayaan na gawin niyang miserable ang buhay ni Luke. Kailangan kong makausap nang masinsinan si kuya. Kailangan kong ipaunawa sa kanya na kaya ko na ang sarili ko. Hindi niya kailangan maging over protective dahil nakakasakal na rin. Napapansin ko kasi na ang laki na ng pagbabago sa mga kinikilos ni kuya. Hindi naman kasi siya ganong sobrang lambing sa akin na siyang pinagtataka ko. Yes. Malambing siya minsan nung mga bata pa kami kahit minsan nagagalit siya, but not that kind of sweetness na para bang hindi kapatid ang turing niya sa akin. And I can't accept that. Siya lang ang kuya ko. At sana lang talaga, ako pa rin ang bunso niya. - -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD