CHAPTER 1

2840 Words
[DARA SHIN NORVILLE's P.O.V.] Kasalukuyan akong inaayusan ng make up artist na kinuha ni mommy. Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Makalipas ang ilang sandali, natapos na akong ayusan. "Ayan. Ang ganda ganda mo talaga. Lalong maiinlove sa'yo ang boyfriend mo." Napangiti na lang ako sa tinuran ng make up artist. "Naku, wala po akong boyfriend." Ngayon na ang 18th birthday ko, at masaya ako dahil doon. Gabi ito gaganapin. At ngayon ay 6pm na. Maya-maya lang, pumasok na ang mommy sa kwarto ko pagkalabas ng make up artist. "Dara, anak, you're so gorgeous." Hinaplos ni mommy ang buhok ko habang nakangiti. "Thanks, mom." I smiled too. "Are you ready, princess?" I nodded. Lumabas na kami ng kwarto ko. At dumiretso na sa garden ng bahay namin. Pagdating namin doon, naabutan namin ang mga kasosyo ni daddy sa business kasama ng kani-kanilang anak. Lahat sila ay hindi ko naman kilala. Dahil never, as in never akong nagkaroon ng kaibigan dahil sa kanya. Pero hindi 'yun ang kinabahala ko. Bigla akong nakaramdam na parang may pares ng mata na mataman na nakatitig sa akin. Kinikilabutan ako. Pero hindi ko na lang ito pinansin. Baka nagha-hallucinate lang ako. Pagkakita sa amin ni daddy, lumapit siya sa amin at pumunta na kami sa backstage. Nagpalinga linga sila sa paligid na para bang may hinahanap. "Dad. Mom." Agad akong kinabahan nang marinig ko ang baritonong boses mula sa likod ko. Ang boses na sobrang pamilyar sa akin. Ang boses na matagal ko nang hindi naririnig. Hindi ako makagalaw. Parang naestatwa ako sa kinatatayuan. Ramdam ko ang titig niya mula sa likod ko kasabay ng mabilis na pagkabog ng dibdib ko. "Darko, bakit ngayon ka lang? Come here." Naramdaman ko ang paglapit niya pero hindi ko pa rin siya nililingon. "Dara, what are you doing there? Come here. Your kuya is here." I gulped. I know. And I can feel his intense stare. Wala akong nagawa kundi lumapit sa kanila habang nakayuko. "We'll just leave the two of you for a while. Hahanapin lang namin ang organizer." At umalis na nga si mommy kasama ni daddy bago pa man ako makapagsalita para sana pigilan sila. I sighed. "K-kuya." Inangat ko ang paningin ko sa kanya at sinalubong niya ako ng mga mata niyang walang emosyon. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Naiipit na rin ang maliit kong katawan sa malaki niyang pangangatawan. Hanggang sa pahigpit nang pahigpit ang yakap niya sa akin na para bang natatakot siyang mawala ako. At hindi ko alam kung bakit 'yun ang pumasok sa isip ko. "K-kuya, I-I can't breath." I heard him sighed. Bahagya niyang niluwagan ang pagkakayakap sa akin ngunit hindi pa rin ako pinapakawalan. "Happy birthday, my Dara." Pinadala ito ni daddy sa states para pansamantalang pamahalaan ang kompanya doon. Mahigit isang taon din nawala si kuya. Kaya isang taon din akong naging malaya. Kaya ngayong dumating na si kuya ay hindi ko maiwasang kabahan. Magiging impyerno na naman ba ang buhay ko? Flashback.. I was eight when I met my new friends. Si Shane, Archie, at si Luis. Wala ang parents ko nung mga panahong 'yun dahil inaasikaso nila ang pagpapatayo ng company sa states. Kaya si manang lang ang nagbabantay sa amin. Nandito kami ngayon sa backyard ng bahay namin habang naglalaro. Pero nakaramdam ako ng mga mata na tumitingin sa akin. Malakas talaga ang pakiramdam ko sa gan'to pero baka nag-iimagine lang ako. Pinalis ko na lang sa isipan ko 'yun. Mas gusto ko pa silang kasama kasi mas masaya silang kasama kaysa kay kuya. You know, I have a bad brother. "Dara!" Narinig kong may galit na galit na sumigaw ng pangalan ko kaya nilingon ko ang pinanggalingan nito. Nakita ko naman si kuya na nakatingin sa amin nang masama habang nanlilisik ang mga mata, nakakuyom din ang kanyang mga palad. Nakasuot pa ito ng school uniform dahil galing ito sa school. Kaya malaya akong nakipaglaro sa mga new friends ko dahil wala siya kanina. Pero ngayong dumating na siya, nakaramdam agad ako ng kaba. "K-kuya." Napatayo ako. Tiningnan ko sila Shane na para bang natatakot na rin. Nooo. Hindi ako papayag na pati sila layuan ako. Lahat ng mga nagiging kaibigan ko, pinalalayo sa akin ni kuya. At hindi ko alam kung bakit niya 'yun ginagawa. Napatingin ako kay kuya nang maramdaman ko ang paglapit niya. I gulped hard. Matalim niyang tiningnan ang tatlo kong kaibigan. "Stay away from Dara if you don't want your parents to lose their job." May diin at walang emosyon niyang saad. Takot na takot naman silang tumango at agad na tumakbo. Naiinis na ako sa kanya sa totoo lang pero hindi ko magawang lumaban dahil kuya ko pa rin siya. Binaling na niya sa akin ang mga matatalim niyang tingin pagkaalis nila Shane at agad akong hinawakan ng mahigpit sa braso saka kinaladkad papasok ng bahay. "K-kuya, nasasaktan a-ako." Naiiyak na ako. Bakit ba ang bad ng kuya ko? Pinasok niya ako sa kwarto niya at ni-lock niya ito. "How many times do I have to tell you to stay away from them?! They are boys, for Pete's sake!" "K-kuya, they are my friends. And girl naman si Shane ah." I sobbed. "No! Kahit na! Stay away from them if you don't want me to get mad." At iniwan na niya ako doon na umiiyak. Flashback ends.. Lahat ng mga nagiging kaibigan ko, pinapalayo niya sa akin. Kaya gumraduate ako ng Elementary, ng Highschool na walang kaibigan. Yes. I had friends, but they didn't stay long because of him. At ngayong second year college na ako, wala pa rin akong kaibigan. Pero nung mga panahong wala siya dito at nasa states siya for a more than a year, nagkaroon ako ng mga temporary friends. Yes. Temporary. Kasi after the day na naging kaibigan ko sila, lumalayo din agad sila hanggang sa umiiwas na sila sa akin. And that makes me sad. Akala ko pa naman, nung wala si kuya, mararanasan ko na rin ang magkaroon ng friends. Pero hindi nangyari 'yun. Kahit na nasa malayong lugar si kuya, ginagawa pa rin niyang impyerno ang buhay ko. Alam kong may kinalaman siya sa pag-iwas sa akin ng mga nagiging friends ko. Dahil kilala ko si kuya, gagawa at gagawa siya ng paraan, huwag lang ako mapalapit sa ibang tao. Dahil ang gusto niya... "Dara," Nabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ko ang tawag ni mommy. Nandito pa rin kami ni kuya sa backstage. Hawak hawak niya ang mga kamay ko nang mahigpit ngunit hindi naman ito napansin nila mommy. "Let's go, I want to introduce you to someone. Darko, anak, sumama ka na rin." Agad naman kaming sumunod kay mommy. Pilit kong tinatanggal ang mga kamay niyang nakahawak sa akin pero lalo lang itong humihigpit. "K-kuya, bitiwan mo ang kamay ko." Mahina kong bulong sa kanya. "No. You're mine." Bulong niya sa napakalalim na boses. 'Yan ang lagi niyang sinasabi sa akin simula bata pa kami. Noong mga bata pa kami, hindi ko maintindihan kung ano bang ibig niyang sabihin doon. Ang alam ko lang ay favorite word niya 'yun na sabihin sa akin. At ewan ko pero kinikilabutan ako sa tuwing naririnig ko 'yun mula sa kanya. Pero ngayong hindi na kami bata, naisip ko na kaya siguro niya laging sinasabi sa akin na sa kanya lang ako ay dahil sa kaming dalawa lang ang magkapatid. Gusto niya na siya lang ang kuya ko at wala nang iba. Napairap na lang ako sa kawalan. Siya lang naman talaga ang kuya at kapatid ko eh. At hindi 'yun magbabago. Lalo pa at wala nang balak mag baby ulit sila mom and dad. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa harap ng isa sa kasosyo nila daddy sa business. At napansin ko agad ang isang binata na nakatingin lang sa akin habang nakangiti. I felt my heart skip a beat. Goodness. What's happening to me? He has piercing, dark grey eyes that can melt my system, a thin, pointed nose, thick eyebrows, and red, kissable lips. I smiled at him. Who is he? "Hi, Dara. Happy birthday. By the way, this is my son." Marahan niyang tinapik ang balikat ng anak. Lumapit ito sa akin, at naglahad ng kamay. "May I have this dance?" Nakangiti niyang turan kaya napangiti rin ako. Nakakahawa ang ngiti niya. Pero agad akong napatingin kay kuya nang maramdaman ko ang paghigpit lalo ng hawak niya sa kamay ko. At ganon na lang ang pagragasa ng kaba sa dibdib ko nang makita ko ang mga mata niyang nanlilisik habang nakatingin sa lalaking nakalahad ang kamay sa akin. Napalunok ako dahil doon. Para siyang papatay ng tao. - Kaming tatlo na lang ang naiwan dito na magkakaharap. Sina mommy pati na ang parents niya ay iniwan muna kami. Pero si kuya, p-para siyang papatay ng tao sa talim ng titig niya sa lalaking ngayon ay nakalahad ang kamay sa akin. Ano bang nangyayari kay kuya? Bakit ba sobrang protective siya sa akin? I sighed. Naisip ko na siguro kaya niya pinalalayo sa akin 'yung mga nagiging kaibigan ko kasi akala niya, makikipag boyfriend agad ako. Kasi ayaw niya akong masaktan. Ang sweet naman ng kuya ko. Pero nakakainis na ang pagiging over protective niya. Kaya ko naman na ang sarili ko eh. Hindi na ako bata. Hindi na dapat siyang mag-alala. "K-kuya," Napalunok ako nang tiningnan niya ako gamit ang mga mata niyang walang emosyon. Paano kaya niya nagagawa 'yun? "Please, let me dance with him." Bulong ko sa kanya pero mas lalo lang tumalim ang titig niya at mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa kamay ko. Pakiramdam ko mababali na ang mga buto ko sa kamay. "No! Stay here beside me." Madiin niyang bulong sa akin. Wala na lang akong nagawa kundi harapin ang lalaki. "I'm sorry. I can't. Masakit kasi ang paa ko eh." Dahilan ko na lang. Ayaw ko naman itong magtaka kung sasabihin kong "Ayaw kasi ni kuya eh." Sayang. Gusto ko pa naman siyang makilala. Hindi ko pa nalalaman ang pangalan niya. "Good girl." Bulong ni kuya. Mamaya ko na lang siguro kakausapin si kuya after ng party. I need to make him understand that I'm old enough to protect myself. I can handle myself, so he has nothing to worry about. Napabuntong hininga na lang ang lalaki at kiming ngumiti. Ang cute niya. "It's okay. I'm Luke, by the way." Napakamot pa ito nang bahagya sa ulo. Naku-cute-an talaga ako sa mga gestures niya. Haha. Magsasalita na sana ako nang biglang sumingit na naman si kuya. "Did she ask your name?" Ang taray naman ng kuya ko. Inirapan niya pa ito. Naku. Kung hindi lang gwapo si kuya, iisipin ko talagang bakla ito. Never pa siyang may ipinakilalang babae bilang girlfriend. Hindi ko na lang pinansin ang inasal ni kuya, bagkus ay binaling na lang ang atensyon ko kay Luke. "I'm Dara." I smiled at him. "Yeah. And uhm. Happy birthday nga pala." "Thanks." "Can we.. Can we be friends?" And then he blushed. Napangiti akong lalo dahil doon. "Su--" "Can I talk to Dara for a while?!" Madiin na sambit ni kuya. Tanong ito pero sinabi niya ito na parang nagko-command siya. Tch. Kainis naman si kuya. Hindi na nakapagsalita pa si Luke dahil bigla akong hinila ni kuya papasok sa loob ng bahay. Ang higpit ng pagkakahila niya sa kamay ko, at nasasaktan na talaga ako. "K-kuya, you're hurting me. L-let me go." Naiiyak na naman ako. Natatakot na talaga ako sa kanya. Napansin ko na lang na dito niya ako dinala sa kwarto niya. Sinarado niya ang pinto at nilock ito. At hinarap niya ako na may nanlilisik na mga mata. Napahawak ako sa kamay kong binitiwan niya at pakiramdam ko namanhid ito. Dahil 'ata sa diin ng pagkakahawak niya kanina. Nandito kami malapit sa pinto niya. And it's suffocating here kahit na hindi naman ganon kalapit ang distansya namin sa isa't isa. Hindi ako makahinga sa mga kinikilos niya. Kitang kita ko mula dito sa pwesto ko ang pagkuyom ng kamao niya, ang pagtaas baba ng dibdib niya, at ang panginginig ng katawan niya. Pakiramdam ko anumang oras, masusuntok niya na ako at kinakabahan ako dahil doon. "K-kuya, --" "STAY AWAY FROM HIM!!" bahagya akong napatalon sa gulat dahil sa pagsigaw niyang 'yun. Nakasoundproof itong kwarto ni kuya kaya hindi na ako umaasang may makakarinig pa sa nangyayari dito. At naiiyak na ako. "K-kuya, alam ko naman kung bakit ka nagkakaganyan eh." I sobbed. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko. Pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagragasa ng takot sa mga mata ni kuya na siyang pinagtaka ko. "Y-you knew?" Napakunot ang noo ko nang marinig ang nanginginig niyang boses. Pero hindi ko na lang pinansin 'yun. Napayuko ako. Pero ramdam ko pa rin ang mga mata niyang nakatingin lang sa akin. "Y-yes kuya. You're just protecting me from them. But you need to understand that I'm old enough to protect and handle myself. H-huwag mo pong hayaan na dumepende po ako sa inyo. I have my o-own life to live, kuya. And you have your own life, too." Inangat ko na ang paningin ko sa kanya pero nagtaka akong lalo nang salubungin niya lang ako ng mga mata niyang tila ba nalilito sa sinasabi ko. Hindi niya ba ako naintindihan? I gulped. "K-kuya, please understand." Pero umiling lang siya at kitang kita ko ang sakit at lungkot sa mga mata niya. "Are you saying that I should stay away from you? Is that it?!" Madiin niyang tanong pero puno ng hinanakit. Why can't he understand? "That's not what I meant, ku--" "THEN WHAT?!" Bakit ba lagi na lang siyang nakasigaw? Parang ang layo layo ng kausap niya ah. "You're so near yet so far, that's why." Dugtong niya na pinagtaka ko. "H-huh?" Ano daw? Hindi ko nagets ang sinabi niya. Pero paano niya nalaman 'yung iniisip ko? He deeply sighed. "I'm telling you this, Dara Shin Norville." Naglakad siya papalapit sa akin dahilan para mapaatras ako. Baka suntukin na talaga niya ako eh, kahit na never pa niyang nagawang saktan ako physically. Pero sa itsura niya ngayon? Ewan ko na lang.. ... "Stay. Away. From. That. Guy. Or else.." Sa kakaatras ko, naramdaman ko na lang ang pader sa likod ko. Napalunok ako nang makalapit na siya nang tuluyan. Tinaas niya ang kanang kamay niya at sinandal ang palad niya sa kaliwang gilid ko. Bumilis ang heartbeat ko nang unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa kabang nararamdaman ko sa maaaring gawin ni kuya. "K-kuya.. W-what are you doing?" Pero mas lalo lang akong kinabahan nang ngumisi lang ito. Ano bang gagawin niya? Is he.. Is he.. Is he going to bump his forehead into mine? Pero hindi 'yun ang ginawa ni kuya, bagkus nilapit niya ang labi niya sa tenga ko na nakapagpanindig ng balahibo ko. I gulped hard. "Or else, you wouldn't like what I might do to that guy." At naramdaman ko na lang ang pagngisi niya. Nanginginig pa rin ang mga tuhod ko sa kaba kahit na nilayo na niya sa akin ng bahagya ang mukha niya. Pero ramdam na ramdam ko pa rin ang hininga niya. Napapikit na lang ako nang kintalan niya ako ng halik sa tungki ng ilong ko. This is the first time na halikan ako ni kuya, and I don't know why he did that. Gusto ko sanang itanong sa kanya pero pinili ko na lang na hindi magsalita. Baka mas lalo pa siyang magalit, eh nakakatakot pa naman siyang magalit. Para niya akong kakainin 'pag nagagalit siya. "K-kuya, pwede na po ba akong u-umalis?" Sana pala hindi ko na lang tinanong dahil bigla na lang tumalim ang titig niya sa akin at hinawakan ang kaliwang braso ko nang mahigpit. Napangiwi ako dahil doon. "N-nasasaktan ako, k-kuya." Pinaningkitan niya ako ng mata. But I ignored it. "B-balik na po tayo sa g-garden, baka hinahanap na ta--" "No! We're going to sleep now." Madiin niyang turan at hinila ako papunta sa kama niya. Eto na naman siya. Lagi na lang, gusto niya, tabi kaming matulog. I have my own room! Tch. "S-sa kwarto ko po ako matutulog." Sambit ko nang makahiga na siya sa kama niya habang hawak pa rin ang kamay ko nang mahigpit. Nakatayo ako ngayon sa gilid ng kama niya. "K-kuya. Biti--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko at napatili na lang nang hilahin niya ako dahilan para mapasubsob ako sa dibdib niya. Tatayo na sana ako pero naramdaman ko na lang na niyakap niya ako nang mahigpit. Tama lang para makahinga pa rin ako. Dinig na dinig ko ang bilis at lakas ng kabog ng puso ni kuya. "Fvck! I missed you so much, Dara." Napaluha na lang ako sa sinambit niya. Ramdam na ramdam ko ang pangungulila sa bawat salitang binigkas niya. Hindi ko na talaga siya maintindihan. Minsan, nagagalit siya. Minsan naman, sobrang sweet niya. At nakakainis na siya. - Hi. Maraming salamat sa magbabasa. -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD