[THIRD PERSON's P.O.V.] "Sir, nakabalik na po si Mr. Darko Norville sa villa niya. Kasama po ang kapatid niya." Bungad sa kanya ng isa sa mga tauhan niya. Pagkarinig niya sa sinabi nito ay naibato niya sa malapit na pader ng office niya sa mansion ang hawak niyang kopita dahilan para mabasag ito. Nagtatagis din ang mga bagang niya sa mga oras na ito. Naninibugho ang damdamin niya sa nalaman. Iniisip niya na hindi na lang sana niya hinayaan na umalis ang dalaga kanina sa mansion niya kasama ang kapatid nitong baliw. Hinarap niya ang binata at nanlilisik ang mga matang tinapunan niya ito ng tingin. "What did I tell you?!" Matalim niyang tanong at pagkatapos ay humugot ng baril na nasa likod ng suot niyang pantalon. "Hindi ba't sinabi ko sa inyo, na manmanan niyo ang bawat kilos ng lalaki

