[DARA SHIN NORVILLE's P.O.V.] "You should eat your breakfast now, love." Malambing niyang sabi at pagkatapos ay ipinatong niya ang tray malapit sa hinihigaan ko. Hindi ko siya pinansin at binaling lang ang atensyon ko sa labas. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Sana talaga, hindi na lang ako nagtiwala at sumama sa kanya. Ngayon ay sising-sisi na ako dahil nakuha niya ang loob ko at naloko niya ako na nagbago na siya. Hindi ko akalaing mararanasan ko na naman ang bagay na ito, ang ikulong niya ako sa mundo niya. "Dara, are you mad?" Hindi ulit ako sumagot. Gusto kong maramdaman niya na hindi ko nagugustuhan ang ginagawa niya sa akin. Hindi rin ako tumitingin sa direksyon niya. Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya. Sino ba naman kasing hindi magagalit sa kanya? Gusto ko na lan

