[DARA SHIN NORVILLE's P.O.V.] Naalimpungatan ako sa sinag ng araw mula sa veranda. Pagdilat ko ng mga mata ko, naabutan kong wala si kuya sa tabi ko. Saan kaya 'yun nagpunta? Napahawak ako sa may bandang noo ko nang maramdaman kong may nakapatong dito. At paghawak ko, doon ko lang napansin na may bimpo pala sa may noo ko. Napakunot-noo ako at napatingin sa may bedside table. At nakita kong may basin na nakapatong doon na naglalaman ng tubig. May sakit ako? At.. Inalagaan ako ni kuya? Napangiti ako dahil doon. Kahit pala may sa demonyo ang kuya ko, concern pa rin pala siya sa kalagayan ko. Kaya minsan, napapaisip ako kung bakit niya ginagawa sa akin ang mga bagay na hindi dapat ginagawa ng magkapatid. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari. Sa mga posibleng mangyari dahil sa ginagawa

