[THIRD PERSON's P.O.V.] "Boss, may balita na po kami tungkol sa queen niyo." Saad niya sa boss niya na ngayon ay nakaharap sa glass window ng opisina nito habang nakaupo sa swivel chair. "Spill it now." Tugon nito sa napakalalim ngunit malamig na boses. Huminga siya nang malalim at napalunok na lang para pakalmahin ang sarili. "Nalaman po namin na nakatakda siyang ikasal sa nakilala niyang batang lalaki sa party na pinuntahan niya nung bata siya, sa nag-iisang anak ng kaibigan ng magulang niya." Kitang-kita niya ang pagtaas baba ng magkabilang balikat nito habang sinasabi 'yun. Alam niyang malapit na itong sumabog sa galit pero tinuloy na lang niya ang sinasabi. "Nakatakda na siyang ikasal sa batang lalaking nagligtas sa kanya." At pagkatapos niyang ipahayag 'yun, pinaikot nito ang

