[DARA SHIN NORVILLE's P.O.V.] Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap at hindi pa rin ako makapaniwala na nakaya itong gawin ni kuya. Ang akala ko, wala nang mas titindi pa sa mga kasamaang ginagawa niya sa akin. Ngayon at eto, nagawa niya akong itali sa kanya. Gumawa siya ng paraan para maging asawa ako, at 'yun ang hindi ko lubos na matanggap. Paano niyang nagawa na ipalabas na magkaiba kami ng apelyido? Dahil ayon sa mga narinig ko kanina na pag-uusap ng limang bisita at ni kuya, binantaan ito ni kuya na papatayin ang buong angkan nila sa oras na malaman ng lahat ang patungkol sa kinaroroonan ko. Kaya sa mga narinig ko, napagtanto ko na napilitan lang silang sumunod sa kagustuhan nilang maprotektahan ang pamilya nila. Pero paano naman ako? Nais ko sanang humingi ng tulong sa ka

