[THIRD PERSON's P.O.V.] Hating-gabi at kasalukuyan siyang nasa isang pribadong lugar kasama ang kanyang mga tauhan habang hinihintay ang ka-transaction niya. Nakasuot siya ng white shirt pangloob at black tuxedo pati na rin itim na slacks. May dala siyang dalawang kwarenta'y singko na baril, para sa oras na kailanganin niya. Kasama niya ang limang tauhan niya na nakamatyag lang sa paligid at may kanya-kanyang hawak na baril. Ang dalawa sa mga ito ay may hawak na attache case na naglalaman ng illegal firearms. Delikado ang taong kahaharapin niya ngayon kaya mabuti nang nag-iingat siya. Ilang minuto na siyang naghihintay pero hanggang ngayon ay wala pa rin ang hinihintay niya. Naiinip na siya. Sa nakalipas na dalawang buwan, ito ang pinagkaka-abalahan niya, kasabay ng lihim na pagbaban

