CHLOE POV "Ano ka ba ate Chloe? Shempre malabo kong sabihin iyon sa kanila kasi kahit naman ako, walang kahit na isang kaibigan sa mga iyon. Pero si kuya Roy, mayroon siyang mga kalaro sa dota at baka bigla na lang siyang mag sabi dito." "Basta kausapin ko na lang din siya mamaya. At isa pa pala, yung school ninyo, kailangan ipag patuloy niyo pa rin ha? Siguro naman may mga kaibigan ka sa school di 'ba? Baka pwede na wag mo lang din sana ipaalam sa kanila ang tungkol dito?" "Grabe 'teh? Seryoso ba ito?" "Basta Miya, wag, ayaw ko lang din kasing mag yabang sa ibang tao at baka kung ano pa kasi ang isipin nila sa akin, sa atin, Kahit na paparating na tayo sa rurok ng tagumpay, gusto ko pa rin na maging mapag kumbaba tayo. Sumunod ka na lang sa akin, okay?" Inihinto na namin ang pag yaya

