CHLOE POV "Ikaw na talaga teh. Ang haba haba ng hair mo jan ha! Nakaka inggit ka," pang sasabat muli ng kapatid ko. Siguro ay wala na rin akong magagawa pa kasi ganito na ka obsessed sa akin si Kevin. Sabagay, kami na namang dalawa kaya wala na akong magagawa dito. Mas maayos na ito kesa naman sa ibang babae ang naka lagay sa dingding. Umupo na ako at naupo na rin si Kevin. "First of all, gusto lang din sana kitang pasalamatan kasi ikaw ang naging dahilan kung baki ako naka pasok dito Kevin. Ikaw yung reason kung bakit ako may trabaho ngayon. Kung hindi dahil sayo, sure akong matatalo ako sa competition kasi ang dami kaya ng mga magagandang mga babae doon. Sobrang sosyal nilang lahat at ang ganda ganda pa nila, yung lakad nila, ang sexy nila na parang hindi sila kumakain, tapos yung

