"Ano ba itong nararamdaman ng anak ko," tanong sa akin ng nanay kong si Gng. Eumeolo Atenglo.
Ako nga pala si Jeonho Mikelo Atenglo, isang aspiring na mang-aawit. Tama nga nanay ko, may nararamdaman nga ako sa aking kasintahan na itatago ko muna sa pangalang Erigeli. Hindi ko mapigilang maisip kung ano ba pwede kong masidhi para sa totoong laban.
Simula't sapul pa lang ng magsimula akong pumasok sa hayskul ay nirereto ko na ang sarili ko na kailangan kong magpursiging mag-aral kahit may inspirasyon ako sa aking pag-aaral. Kailangan talagang sunog kilay ako at kung hindi ay baka magkaroon ako ng problema at baka hiwalayan pa ako ni Erigeli.
"Nay, sa totoo lang, parang iba talaga nararamdaman ko po para sa kanya. Sa halip nga na ituon ko ang pag-ibig sa kanya, gagawin ko syang inspirasyon para makatapos sa pag-aaral," ang tanging sambit ko sa aking ina.
"Iyan ang gusto ko sa iyo, anak ko. Ipagpatuloy mo lang yan. Oh, huwag ka nang titingin sa iba. Patay tingin ako sa iyo at malilintikan ka sa akin kapag tumingin ka sa iba. Maging inspirasyon mo si Erigeli nang makatapos ka sa pag-aaral.
Parehas kaming nasa ikalawang taon ng hayskul ni Erigeli at tyak ang aking inspirasyon ay magiging susi rin ng aking tagumpay.
Pero, minsan, sa kabila ng aming mga ngiti at tagumpay, minsan umiilalim din dahilan na nagkakaroon kami ng pressure sa aming sariling magulang. Si Erigeli, dahilan na napabalik sa bansa noong maraming nakalipas na taon na buhat nang siya ay nasa ibang bansa.
Makalipas ang ilang saglit ay biglaan na kaming nagkita sa paaralan. Sa pagkakatugma ng aming tingin dahil kami ay panghapon na klase, depensa namin ang pag-aaral upang magkaroon ng maayos na pamumuhay pagdating ng panahon.
"Hello," sabay naming sabi sabay tawa.
"Erigeli nga pala, galing pa akong ibang bansa," ang unang tugon ni Erigeli sabay abot kamay.
Agad kong kinuha ang kamay at nagpakilala din ako ng aking sarili sa katugunang ito: "Ako nga pala si Jeonho Mikelo. Matagal na akong estudyante dito sa paaralang ito. Marami nang nakakakilala sa aking mga guro dito lalo na't kapag napagdesisyunan kong magsunog ng kilay. Kahapon pa kita iniisip kung ano ba ang pwede kong masabi sa iyo sapagkat ngayon ko lang nakilala pangalan mo."
"Sobrang bait mo naman. Teka, balita ko ay meron ka raw misyon dito sa paaralan na ito?" ang dagliang tanong ni Eri.
"Katugunan sa tanong mo," biglaang pasok ko, "totoo ngang may misyon ako pero ang misyong ito ay espesyal na hindi pwedeng malaman ng kahit sino. Pwede kong ipagpaalam sa aming guro tagapayo ukol dito kung naisin nya na ikaw ang isa sa sasamahan."
"Nakakahiya naman sa iyo. Huwag mo na akong isama dyan," nakakahiyang sagot ni Eri.
Biglaang nadarama ko ang kahihiyan sa ibang tingin ko dahil napabuntong hininga si Eri at ako rin ay napabuntong hininga. Hindi ko na malaman kung gaano ba ako magkakaroon ng tsansang maging inspirasyong itong si Eri. Kelan kaya ko matetyempuhan ang araw na tipong magiging developed ang aking personalidad.
Tumingin ng bigla sa akin si Eri.
"May problema ba?" biglaang tanong ni Eri sa akin. Nagulat ako sa sinabi nya. Bakit alam nyang may problema ako?
"Eto na nga ang problema ko. Kapag nasimulan ko na kase itong misyon na ito at sumabay sa aking pag-aaral, baka mawaglit sa isipan ko ang pagkakaroon ng inspirasyon sa buhay ko at ikaw yun, Eri. Sa totoo lang, mahilig naman akong magkaroon ng kahangaan sa mga babaeng katulad mo na may concern sa mga bagay na dinudulot ng aking matinding pagsubok sa buhay. Pero, ang aking buhay ay hindi magtatapos dito. Bagkus, lalaban ako hanggang dulo para magkaroon ng pag-asa," ang tugon ko sa kanya sabay yakap sa kanya.
Nagulat na lang si Eri sa ginawa ko at binulungan ko sya ng pasasalamat. Agad yumakap din sa akin si Eri at ganun din ang kanyang ginawa.
Lumipas ang maraming pagkakataon buhat sa sinilangang paaralan, agad kong napagtanto at napag-isip-isip yung mga katagang "lalaban ako hanggang dulo". Bakit ko naisip yun? Ano ba ang nasa kaisipan ko yun? Eto bang mga katagang binanggit ko kay Eri ay may kinalaman sa misyon na pagdadaanan ko sa buhay?