Sa pagkakasabi ko kay Eri na may pinagdadaanan nga akong pagsubok at isang misyon ang kaakibat nito, maraming katanungan ang lumalabas sa isipan ko ngayon: Bakit ko nasabi sa kanya yun? Ano ba ang nasa isipan ko ngayon at yun ang sinasabi ko? May kailangan pa bang malaman si Eri tungkol sa akin? Matatanggap pa ba kanya yun?
Bago man kami lumisan ng paaralan, may isa pa akong sinabi kay Eri na tiyak mapapaisip sya kung hahangaan ba nya ito o pipigilan nya ako.
"Eri," ang aking nakakapanghinang kasagutan.
"Ano yun?" ang tanong ni Eri sa akin. Sa puntong ito, parang may nararamdaman si Eri para sa akin.
"Kailangan ko kase ng panalangin mo para mapagtagumpayan ko itong misyon na ito. Kaso, nakakahiyang sabihin sa iyo ang misyon na pagdadaanan ko," ang tangi kong nasambit. Marami nang bumabagabag sa isipan ko talaga. Hindi ko na malaman kung saan patutungo itong mga pinagsasabi ko sa kanya. Kumbagang, nagkakaroon na ng tuluyang pagsasabi ng pamamaalam sa paaralang ito para pumunta sa isang sagradong misyon.
"Okay lang. Kahit sabihin mo man sa akin o hindi, okay lang sa akin yun. Ipagdadasal kita kung anuman yang pinagdadaanan mo na misyon. Baka, mas matuwa pa nga sa atin ang mga madre kapag nalaman nilang may misyon kang mapupuntahan na magiging banal ka pagdating ng panahon. Yun lang ang napapagisip-isip ko sa ngayon. Pero, kung sabihin mo man ito, tatanggapin ko ito ng buong puso at yayakapin pa kita kahit papaano dahil humahanga ako sa iyong tunay," ang madamdaming pagsabi ni Eri sabay yakap sa akin. Ramdam ko na talagang handa syang tanggapin ang aking nararamdaman na misyon na tiyak tama ang hinala nya para sa akin.
Tama!
Tama nga ang hinala nya para sa akin. Hindi ko sukat akalain na tatanggapin ni Eri ng buong puso ang pagkatao ko.
"Masaya ako na tatanggapin ko ang misyong pagdadaanan ko. Tama ka nga, mapupunta ako sa isang sagradong misyon na balang araw ay magiging banal ako. Pero, tatanungin ko sana sa iyo..." ang aking pagtatakang tanong sabay ngiti sa kanya.
"Huwag mo nang tanungin. Alam ko namang matutuwa sa atin ang mga madre kapag nalaman nilang may isang estudyante sa paaralan natin na katulad mo na pagdadaanan mo ito," positibong pagtatanggap na sabi ni Eri. Tunay na nararamdaman talaga nya na positibong tatanggapin ako ng mga madre na may pagpapakumbabang-loob at paghanga sa aking motibong pumasok sa isang sagradong misyon.
"Samahan mo ako sa mga madre para mapag-usapan kung ano ba ang kailangan kong gawin para mapaghandaan ko ng buong-buo ang aking pagkatao," ang tanging sambit ko na lang.
Agad-agad ay kaagad kaming pumunta sa opisina ng madre. Habang papalapit na kami ay may natatanaw na kaming madre na para bang masaya sya at ramdam ko na ito na ang tamang panahon para sabihin sa kanya.
"Mukhang may nararamdaman ako para sa iyo, iho," ang bungad na pagtatanging sabi ni Sister Remedios Crezata Cruz, ang principal ng paaralang aming pinag-aaralan,"halika, pasok tayo kasama ng kasama mo."
Pumasok naman kami kaagad at tuwang-tuwang malalaman nila ang aking sasabihin.
"Balitang-balita na dito sa paaralang ito na may pinagdadaanan ka raw at gustong pumasok sa isang sagradong misyon. Iho, may maganda at masamang balita ako sa iyo na gusto kong iparating para sa iyo at sa iyong kasama na si Eri," ang bungad na pagsasalita ni Sister Remedios para sa akin.
Para sa akin, ramdam ko na magkakaroon talaga ng malaking pagsubok kapag pumasok talaga ako sa isang sagradong misyon at iyon ang mawalay sa mga mahal sa buhay, sa mga nakasalamuhang tao na kilalang-kilala ka sa paglilingkod sa Diyos bilang lider ng simbahang ginagampanan mo.
"Sige po, ilahad nyo po muna masamang balita. Kase, ramdam ko na po itong misyon na gustong pasukan," ang tanging nasambit ko na lang. Ngumiti nang sabay si Eri at si Sister Remedios na para bang walang problemang maipupukol sa akin sa masamang balitang ihahatid para sa akin.
"Iho, medyo konti lang ang masamang balita," pambungad ni Sister Remedios. "Sa kabila na ang nanay mo ay may nararamdaman para sa iyo at may karamdaman pa sya na kanyang pinagdadaanan, wala ka dapat ipangamba. Kapag pumasok ka na sa sagradong misyon ay kami na ang magiging bahala ni Eri sa nanay mo. Huwag kang mag-alala dahil babantayan namin ang nanay mo hanggang sa sya ay lumisan sa mundo. Huwag mong iiyak ito bagkus maging masaya ka para sa kanya dahil alam kong hangang hanga sa iyo ang nanay mo sa pagdadaanan mo. Alam na ba nya ito?"
Nagpakumbabang-loob ako sa harap ni Eri at Sister Remedios sa puntong ito at ito ang tangi kong nasambit: "Sa totoo lang po, Sister, alam na po nya ng bahagya pero pwede naman po ninyong sabihin sa kanya para mapanatag talaga ang loob po nya na may pagpapakumbabang-loob at pagkakaroon ng kapanatagan na rin ang loob ko na tanggapin ang kanyang kalagayan sa puntong ay pumasok na po ako sa isang sagradong misyon."
Hindi na ako humirit na magtanong ukol sa magandang balita. Pero, si Sister Remedios na ang nagbungad na syang binigay din ni Eri ang magandang balita para sa akin.
"Hindi ka nag-iisa, iho. Bagkus, may magandang balita din na ihahatid sa iyo si Eri na tiyak na ikakagulat mo."
Agad akong lumingon kay Eri para sabihin nya ang magandang balita.
"Eri, ano yun?" ang tangi kong tanong na may kaba.
"Magiging personal assistant kita sa lahat ng mga bagay. May opisinang nakalaan sa akin na sa tuwing may bibisita sa iyo, ako na muna ang pagdadaanan nila," ang nakakatuwang sabi sa akin ni Eri. Biglaang napahinga ako ng maluwag at ngumiti ng sabay sa pagkakarinig ko sa kanyang magandang balita.
"Tama si Eri, iho. Sya ang aalalay sa iyo sa bawat pagdadaanan mo. Hayaan mo, iho. Kapag ako ang dadalaw sa iyo, diretso ako sa iyo. Alam na ni Eri yan at pinagpaalam ko na sa kanya na huwag na akong dadaan sa kanya pati ang pamilya mo ay pinaalam ko na rin maliban sa nanay mo," ang pagtugon ng maganda at positibong ngiti ni Sister Remedios. Ngumisi ako ng todo dahil maganda nga ang magiging kalooban ko.
Hindi ko sukat akalain na magiging maganda at magiging positibo ang pagtanggap sa akin. Hindi man alam pa ito ng nanay ko, ngunit, alam kong magiging masaya siya para sa akin kapag nalaman nya mula kay Sister Remedios sa pagdalaw nya sa bahay namin.