What. The. Heck?
Paanong 'yung Piveram High kanina, naging Vampire High?! Bakit? Paanong—
Napatulala na lang ako nang marealize ko na 'yung Piveram kapag pinagbali-baliktad ay mabubuo ang salitang vampire.
Bakit hindi ko 'yun naisip? Bakit ang tanga ko?
Pero kung ang pangalan ng school na 'to ay Vampire High. Ibig sabihin—
Napalunok ako at lumingon uli sa lahat na nakatingin parin sa akin.
Kung Vampire High ang pangalan ng school, ibig sabihin, mga bampira ang nag-aaral dito?
Napahalakhak na lang ako ng malakas dahilan para mag-echo 'yun sa buong paligid.
"Oh my god! Isa ba 'tong prank?! OMG, nakakatawa talaga!" sabi ko at patuloy parin sa pagtawa pero nanatili lang silang nakatingin sa akin ng seryoso kaya unti-unti akong napatigil.
Joke lang naman 'to, hindi ba? Baka naadik lang sa vampire novels ang may ari ng school kaya ganoon ang pinangalan nya? Tama, baka ganun nga.
Pero parang may mali, eh.
Napalunok na lang uli ako nang maramdaman ko na nagsisimula na akong kabahan.
Baka naman, panaginip lang 'to. Tama, baka panaginip lang 'to. Gumising ka na, Xhiena!
Kinurot-kurot ko yung sarili ko pero walang epekto. Ibig sabihin, totoo nga ito! Oh,no! Anong nagawa ko?!
Hala, bakit ako napadpad dito? Pero hindi naman totoo ang mga bampira di ba? Tama, hindi sila totoo.
Napatingin uli ako sa lahat at mas dumoble yung t***k ng puso ko.
Isa lang ang solusyon.
Xhiena, kailangan mong himatayin.
Tama, ganun 'yung mga nangyayari sa drama, eh. Hinihimatay 'yung bida para makatakas sa isang sitwasyon.
"What's happening here?"
Napalingon ang lahat sa isang magandang babaeng dumating. Kulay brown ang buhok niya na mayroong malalaking kulot, pero nakataas ang kilay niya at nakahalukipkip.
"I'm asking, what's happening here?" mas dumiin ang boses niya.
"Miss President, nakapasok kasi ang taong 'yan. Nabuksan niya 'yung gate." sagot nung isa sa kanila.
Bumaling naman 'yung tingin nung Miss President 'daw' sa akin.
"You opened the gate?" nakangising sabi niya habang hindi makapaniwala sa narinig. "A mere human, opened the gate. Pinagloloko niyo ba ako?!"
Tapos lumingon uli siya doon sa lalaki na sumagot sa kaniya kanina.
"No, Miss President. Totoong nabuksan niya ang gate. Hindi rin kami makapaniwala."
Naramdaman ko na na nagsisimula 'yung unti-unting namumuong tensyon kaya napaatras na ako.
"Ahm, siguro babalik na lang ako sa ibang araw para mag-enroll. Uuwi na lang muna ako—"
"No, you can't!"
Natigilan ako at tumingin sa kaniya.
"A-ano?"
"Do you think, makakalabas ka pa ngayon na nakapasok ka na rito sa loob? You will be stucked here, human." sabi niya kaya napalaki ang mata ko.
"Hindi pwede! Pagkakamali lang ang lahat—"
"Pagkakamali? Do you think, we'll buy that?!" pagtataas niya ng boses at nagsimula ng humakbang papalapit sa akin.
"Please, nagmamakaawa ako. Palabasin niyo na lang ako. Wala akong alam sa mga nangyari." pagmamakaawa ko.
Tapos nakita ko kung paano nagbago ang mga mata niya sa pagiging kulay pula.
"P-please, huwaaaaaagggg!!!" nakapikit kong sigaw kasabay ng pagtulo ng luha ko.
Pero natigilan ako nang marinig ko ang mga pagsinghap ng lahat. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at napaatras ako nang makita ko kung paano tumalsik 'yung babae na dapat aatake sa akin.
Kasabay nun ay nakita ko ang pagdating ng isang lalaki. Hindi siya naka-uniform kagaya ng lahat.
Sa halip ay nakasuot siya ng isang..
Barong?!
Bakit siya nakabarong?
Nakatitig siya sa akin habang papalapit at ganun din ako sa kaniya.
Tapos sa isang kurap ay nasa harapan ko na siya kaya agad akong napaatras sa gulat.
"Wait, paano ka nakapunta—" napalunok na lang ako dahil sa paraan ng pagtitig niya.
Sa mas malapitan ay mas nakita ko kung gaano siya kaperpekto at kagwapo. Hindi ko akalain na may nage-exist na katulad niya. Sobrang gwapo.
Baliw ka ba, Xhiena?! Pati ba naman sa ganitong sitwasyon nakukuha mong lumandi?!
Napatulala na lang ako sa kaniya, habang malakas ang pagkabog ng dibdib ko at nalulunod sa itim na itim na mga mata niya.
"Who are you?" paos ang boses na tanong niya sa akin.
Para namang nanuyo ang lalamunan ko at hindi makapagsalita.
Bumaba 'yung tingin niya sa braso ko at doon ko nakita na umaagos na pala 'yung dugo mula sa sugat ko pababa sa kamay ko. Oh fudge! Nakalimutan ko ang tungkol doon!
Hinawakan niya 'yung braso ko at nakita ko kung paano umalon ang adam's apple niya.
"Zynon, what are you doing?!" sigaw nung babae kanina at akmang lalapit sa amin. Pero, kanina lang tumalsik siya di ba? Paano siya—
"Stop," may diin na sabi naman nung lalaki habang nakatitig pa rin sa sugat ko.
"A-anong gagawin mo?" nauutal na sabi ko at pinanood ko siyang ilapit ang braso ko sa mukha niya hanggang sa napasinghap na lang ako sa sumunod niyang ginawa.
Dinilaan niya yung dugo ko!
The..the heck?!
"Zynon?!!" narinig kong sigaw uli nung babae at napapikit ako ng mariin.
"Everyone, stop!"
Halos mapugto ang hininga ko nang makarinig ng malaking boses. Dahan-dahan kong idinilat uli ang mata ko at nakita ko ang isang lalaki na halos nasa late 50's na. Nakatingin siya sa aming dalawa nung lalaki na hawak parin ang braso ko.
"Mister Carter, I'm ordering you to let her go." sabi niya doon sa lalaki.
Sinubukan kong pumiglas pero mas dumiin 'yung pagkakahawak niya sa braso ko.
"Professor George, that human trespassed—"
"Miss President, you should go. Ako na ang bahala rito." sabi nung Professor daw doon sa babae kaya napabagsak na lang ang balikat niya.
"Okay, Professor."
"Everyone, go back to your classes." sabi pa niya habang nakatingin parin sa aming dalawa nung lalaki at sa isang iglap ay nawala na ang lahat sa kinatatayuan nila kanina. Napakurap-kurap pa ako.
"I would like to talk to you two. Follow me." sabi niya kaya naman napabitaw na 'yung lalaki sa akin. Agad ko namang tinakpan ng palad ko 'yung sugat ko bago sumunod.
Doon ko uli napansin kung gaano kaganda 'yung lugar. Sobrang ganda na aakalain kong panaginip lang talaga ang lahat.
Pumasok kami sa isa sa mga malalaking building at bumungad sa amin ang malawak na interior. May mga chandeliers na naka-hang at nagsisikintaban. Carpeted ang sahig na parang nahiya naman ang sapatos ko na lumang luma na. May mga statues na nakatayo na hindi ko makilala. Mayroon din kaming ilang nakakasalubong at nagbibigay galang tapos napapakunot-noo naman kapag napapatingin sa akin.
Nanlalamig naman ang mga kamay ko sa kaba.
Sa pinakadulo ay mayroong tatlong elevator doors, pumasok kami sa pinakaunang elevator at ilang segundo lang ay bumukas na rin iyon kaagaad.
Nakita ko naman ang mahabang hallway at naglakad pa uli kami hanggang sa huminto kami sa isang malaking double door na pintuan.
Bumukas iyon at naramdaman ko ang pagtindig ng balahibo ko. Movement activated.
Wow. Isang malaking wow ang buong lugar.
Pumasok kami at napakalawak namang silid ang nakita ko. May malaking fire place na biglang nagkaroon ng apoy pagkapasok namin, may mga bookshelves na punong-puno ng mga libro, isang pahabang lamesa at dalawang couches.
"Maupo kayo."
Naunang naupo 'yung lalaki at nagulat ako nang unti-unti niyang tinatanggal 'yung butones ng barong niya. Napalaki na lang 'yung mata ko.
Nang matanggal niya 'yun ay napalunok ako at nadismaya dahil may puti pala siyang v-neck shirt sa loob. Nadismaya talaga, Xhiena?
Napatikhim siya kaya napabalik ako sa realidad na hindi ko alam kung reality pa nga ba.
"I'm Professor George, the headmaster and the one who's managing the whole school." pakilala sa akin nung lalaking mukhang mga nasa late 50's na. "And the man beside you, is Zynon Carter, he's also a student in this school."
Iyon pala ang pangalan niya. Kahit pangalan niya, ang gwapo pakinggan.
Napatingin ako sa lalaking katabi ko. Nakahalukipkip siya at walang emosyon ang mukha na para bang walang kwenta ang rason kung bakit siya nandito sa sitwasyong ito.
"I want to know your name, iha. And how did you came here."
Natigilan naman ako sa sinabi ni Professor George. Dapat ko bang sabihin ang totoo kong pangalan?
Napahugot na lang ako ng hininga at napatango.
"Xhiena Corpuz po ang pangalan ko." sabi ko, "Hindi ko po alam kung anong nangyari, basta pagkakatanda ko, bumukas 'yung gate at napunta ako rito. Promise, wala naman po akong balak na masama. Ang gusto ko lang ay makapasok sa school na ito."
Napatango-tango naman si Professor George sa sinabi ko.
"Pero alam mo ba kung paano mo nabuksan ang gate?"
Napailing ako at napakagat ng labi, "Hindi po. Basta na lang 'yung bumukas."
"Nakakapagtaka lang, dahil ang gate na iyon ay hindi basta-basta nabubuksan ng kahit na sinong tao. Pero, ikaw, nabuksan mo iyon ng walang kahirap-hirap."
"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ko.
"Hindi ko rin maipaliwanag, Miss Corpuz. Pero ang gate na iyon ang tanging nag-uugnay sa mundo ng mga mortal at sa mundong ito. Kaya hindi iyon binubuksan para mapanatili ang kapayapaan sa pagitan ng mga bampira at mga mortal."
"Teka lang po, ang sinasabi niyo po ba ay eskwelahan talaga ito ng mga bampira?! Paano nangyari 'yun?!" naguguluhang sabi ko.
Imposible. Vampires doesn't exist, alam ko 'yun. Sa novels at mga movies lang sila nage-exist. Paanong nasa mundo talaga ako kung saan nandun ang mga bampira?
"May mga bagay talagang hindi maipaliwanag, Miss Corpuz. Pero ngayong nandito ka na, at nandito kami. Ang kailangan mo na lang gawin ay maniwala." sabi niya.
"Pero kung mga bampira kayo, ibig bang sabihin, sisipsipin n'yo ang dugo ko at papatayin?!" sabi ko at napatayo na mula sa pagkakaupo. Nagsimulang gumapang ang takot sa sistema ko.
Nakita ko naman siyang napangiti.
"Hindi iyon mangyayari. Dahil sa mundong ito, ang pumatay ay isang malaking krimen. At isa pa, wala namang gustong uminom ng dugo mo dahil kung meron man, kanina ka pa namatay dahil sa dami ng bampirang nakapalibot sa'yo kanina. Iyon ang dahilan kung bakit sa unang tingin ko pa lang sa 'yo ay napansin ko ng hindi ka isang ordinaryong tao. Dahil ang ordinaryong tao ay nagbibigay kaagad ng tinatawag na blood lust sa mga bampira."
Napalaki 'yung mata ko at kinilabutan. Hindi ako ordinaryong tao?! Eh, ano ako?!
"Pe-pero," napalunok uli ako at napatingin doon sa lalaking katabi ko sabay turo sa kaniya. "Siya! Bakit siya?! Dinilaan niya 'yung dugo ko kanina?!"
Napatingin naman si Professor George kay Zynon at nagsalubong ang mga kilay niya.
"Iyon ang dahilan kung bakit pati ikaw, Mister Carter ay gusto kong makausap." sabi niya at naghihintay ng sagot pero nanatili siyang walang pagbabago ng eskpresyon.
"She called me, that's it." maikling sagot niya.
"H-huh? Hindi kita tinawag," giit ko naman. Paano ko naman siya tatawagin eh, ngayon ko nga lang siya nakilala?
"You called me," ulit pa niya at tumingin sa akin, "I smelled your blood."
Biglang kumabog 'yung dibdib ko dahil sa sinabi niya at sa muli niyang pagtitig sa akin.
"You smelled her blood?" binaling ko 'yung tingin ko kay Professor George na nagtataka. "Pero, bakit hindi ko naamoy?"
"What?!" napatayo na rin si Zynon at napatingin sa akin, "I smelled it. It was sweet and....inviting. Then, suddenly I was dragged where she was."
Naikuyom ko ang palad ko at napatingin kay Professor George na nag-iisip.
"Ano pong ibig sabihin nun?" tanong ko.
"Hindi ko rin alam. Pero, walang kahit na sinong bampira ang nakaamoy ng dugo mo kanina, maliban kay Mr. Carter," sabi niya.
Mas humigpit yung pagkakatakip ko sa sugat ko at napalunok.
"Siguro, kailangan ko na lang umuwi. Uuwi na po ako," sabi ko at magsisimula na sanang humakbang paalis nang marinig ko pa uling magsalita si Professor George.
"I won't allow it, Miss Corpuz."
Napalingon uli ako sa kanila.
"Pero bakit? Hindi naman ako mga bampira katulad niyo. Hindi ako nararapat dito."
Tama, baka nagkamali lang si mama ng nabanggit na school.
"Hindi pwede. Sa pagtapak mo sa eskwelahang ito, it's either you'll become a student or be punished to die."
Para akong natulos sa kinatatayuan ko habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanila.
"A-ano?"
"You said, you wanted to enroll in this school, right?" sabi niya, "Now, I'm giving you the permission. You are now a student."
A what?!