Naluluha siyang napatingin sa amin ni Zynon.
"M-mama! Papa!" sigaw niya at nakita ko kung paano nagliwanag ang gintong espada na hawak niya na siyang pumatay sa hari at naging kwintas ito.
Ang kwintas niya, isa pala iyong espada.
"Mama! Papa!" sigaw niya uli at nagsimulang tumakbo sa amin.
Napangiti na lang kaniya pero natigilan kami nang biglang may malaki nanamang barrier ang humarang sa kaniya.
"A-Airies.." tawag ko at nagsimula akong kabahan.
Nakita kong unti-unting tumayo ang hari at mahinang napahalakhak.
"Y-You can never kill me.."
Napalaki ang mata ko at tumingin kay Airies.
"Airies!!" sigaw ko.
Lumingon si Airies sa hari kasabay ng pagbulusok ng dagger at tumama ito sa dibdib niya.
Nakita ko kung paano siya napasuka ng dugo at para akong natulos sa kinaroroonan ko.
Napahalakhak si Haring Exodus, "Ku-kung mamamatay ako, isusunod din kita." sabi niya at dahan-dahang may lumabas sa bibig niya na usok.
Iyong usok na may lason.
Saka muling bumagsak si Haring Exodus at tuluyan ng binawian ng buhay, pero iyong usok at iyong barrier nandoon parin.
"Airies! Aries!!" sigaw ko at agad na lumapit sa barrier, pinaghahampas ko iyon ng mga nanghihina kong kamay pero wala iyong nagawa.
Bakit ayaw mawala ng barrier?! Bakit?!
Narinig ko ang sunod-sunod na pagmumura ni Zynon at nagsimula na rin siyang suntukin ang barrier kahit nanghihina.
"Aries! Aries!!" tawag ko uli sa kaniya habang nagsisipatakan na ang mga luha ko, "Huwag kang mag-alala, okay? Takpan mo ang ilong mo! Takpan mo ang ilong mo, baby! Ililigtas ka ni mama at papa, okay?"
Nakita ko ng napapaubo si Airies sa loob ng barrier kaya mas nilakasan ko pa ang pagsuntok at pagwasak sa barrier pero wala paring nangyayari.
"Damn it! Hindi ito mawawasak. Mawawasak lang ito, kapag namatay na si Airies," napalingon ako kay Zynon dahil sa sinabi niya.
Nagsimulang manginig ang mga kamay ko at napatingin uli sa loob ng barrier, "A-Aries!"
Walang tigil na ang pagpatak ng mga luha ko habang nakasandal sa barrier si Airies at pahina na ng pahina.
"Hindi pwede! Hindi pwede!!" sigaw ko at napahagulgol na, "Airies! Huwag mong ipipikit ang mga mata mo. Tumingin ka kay mama, please!" pakiusap ko at dahan-dahan siyang tumingin sa akin.
Inilapat niya ang palad niya sa barrier at ganun din ako. Dahan-dahang sumilay ang ngiti sa labi niya na mas nagpadurog sa puso ko.
"M-mama.."
Ikinuyom ko na lang ang mga palad ko. Wala akong magawa. Bakit wala akong magawa?!
"Z-Zynon, si A-Airies..a-anong gagawin natin?" binalingan ko si Zynon at sa unang beses nakita ko ang pinaghalong galit at lungkot sa mukha niya. Nanginginig ang mga nakakuyom niyang kamao sa barrier habang nagtatagis ang panga niya, "Z-Zynon.."
Wala kami parehong magawa. Bakit?! Ramdam ko na rin ang panghihina at ang sakit ng katawan ko.
"Airies..Airies.." paulit-ulit na tawag ko sa kaniya, "Huwag mong ipipikit ang mata mo, tumingin ka lang sa akin. Huwag mong iiwan si mama, ah. Promise, dito lang ako."
"M-mama, p-papa..sorry."
Mas napaluha ako dahil sa sinabi niya. Nakapagsalita na siya ng iba pang salita.
"Wala kang kasalanan, baby. Wala kang kasalanan." sabi ko habang lumuluhang napapailing, "You did a very good job, baby. Kaya please, huwag kang bibitiw, ah. Dito lang kami."
"M-mama.." nakangiting sabi niya at dahan-dahang itinuro ang bibig ko.
Napatango-tango na lang ako nang maintindihan ko siya, "Sige kakanta si mama, pero magpromise ka na hindi ka bibitiw, ah. Promise mo 'yan." sabi ko, halos pumiyok na ako dahil sa kakaiyak.
Tumango-tango naman siya at napangiti.
Ngumiti na rin ako ng mapait at sinimulang kumanta.
When this world is no more.
The moon is all you'll see.
I'll ask you, to fly away with me.
When the stars all fall down.
And empty from the skies..
But I don't mind
If you're with me,
Then everything's alright..
Patuloy ako sa pagkanta nang makita ko ang unti-unting pagpikit ng mata ni Airies. Kaagad akong napatigil sa pagkanta at kinalampag 'yung barrier.
"A-Airies! Airies, baby! Please, don't close your eyes!" sigaw ko at halos magwala na ako nang parang wala ng naririnig si Airies.
"Airies, baby! I'm here. We're here. Open your eyes. Mama and papa is here." narinig ko na rin na sabi ni Zynon at nakita ko kung paano pumatak ang luha sa mga mata niya.
Nagsimula kami uling suntukin at wasakin ang barrier pero wala paring nangyayari.
"Airies! Airies! Please, baby! Don't die, please!! Nandito si mama, oh! Huwag mo akong iwan, please!" basag ang boses na sabi ko. Halos sabunutan ko na ang sarili ko habang kinakalampag 'yung barrier.
Unti-unti kong nakikita ang pagbitaw ni Airies, at wala akong magawa. Para na rin akong pinapatay, parang dinudurog ang puso ko ng paulit-ulit.
Wala akong magawa.
"A-Airies!" panay ang tawag ko sa pangalan niya pero nanatili lang siyang nakapikit.
"N-no! No, please! Airies!"
Tapos sinuntok muli ni Zynon ang barrier at nawasak iyon. Mabilis kong nilapitan si Airies at niyakap.
Tinapik ko ang pisngi niya habang walang tigil ang pagtulo ng mga luha ko, "Airies...Airies, wake up! Nandito na si mama! Nandito na kami! Gising na, Airies!"
Panay ang alog ko sa kaniya pero hindi siya nagigising. Napatingin ako kay Zynon na nakatingin sa aming dalawa at hindi na rin alam ang gagawin.
"Zynon, paano yan?! Ayaw magising ni Airies! Ayaw niyang magising! Dapat hindi ko siya kinantahan, eh. Dapat hindi ko siya kinantahan para hindi siya nakatulog!" sabi ko at napayakap ng mahigpit kay Airies. "Anong gagawin ko? Anong gagawin ko?"
"X-Xhiena.."
"Airies, tumingin ka na kay mama, oh. Tumingin ka na sa akin. Ngitian mo naman ako. Tawagin mo uli akong mama. Baby, please. Idilat mo ang mga mata mo." sabi ko at para na akong mababaliw. Basang-basa na rin ang pisngi ni Airies dahil doon pumapatak ang walang tigil na pagtulo ng mga luha ko.
"Xhiena, we need to go." narinig kong sabi ni Zynon pero marahas lang akong napailing.
"Hindi! Hindi ko iiwan si Airies dito!"
"Xhiena, Airies won't be happy if you keep crying like that. She always want you to be happy." sabi niya pero hindi ko siya pinakinggan at hinigpitan pa lalo ang pagyakap kay Airies.
Bakit kailangan pa 'tong mangyari? Bakit kailangang mamatay ni Airies? Hindi ba't siya ang bida sa kwento? Siya ang bida na nasa libro?
Bakit kailangan niyang mamatay?! Bakit kailangang mamatay ng anak ko?!
Patuloy ako sa paghagulgol habang patuloy din ang paninikip ng dibdib ko. Sobrang sakit, na para bang mauubusan na ako ng hininga.
Bakit sa kaunting oras lang naming nagkasama, bakit kailangan pa niyang mamatay?
Tinignan ko uli ang maamong mukha ni Airies. Sobrang payapa.
Pinunasan ko ang dugong nasa labi niya at lumuluhang hinalikan siya sa noo.
"I love you, Airies. I'm sorry, I'm sorry.." sambit ko at napapikit ng mariin.
Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Zynon kaya mas napaluha ako.
Everything's a mess, and my heart was wrecked. As if a part of me died, a part where Airies lived.
Airies and his innocent smile, ang mga ala-alang iyon na patuloy na mabubuhay sa puso ko.
Kahit na wala na siya.
I will remember her.
I will remember that she lived.
For my Airies, had already fallen.