Thirty-four

2708 Words

Thirty- four Sumasakit na ang ulo niya sa pag-iisip ng mga oras na iyon. Ilang araw na din mula noong dumating sila sa Pilipinas kasama ng mga anak niya. Pero mula din noon wala pa din siyang nakikitang trabaho o matutuluyan man lang nila. Nagko-compute siya ngayon ng mga nagastos na nila mula ng umalis sila sa Paris hanggang ngayon. “Mommy tubig po”alok sa kanya ng bunso niya. Nakangiting tinanggap naman niya ang binibigay nitong tubig sa kanya. “Mommy what’s that?”tanong sa kanya nito. “This,”turo niya sa mga papel na nasa harapan niya. “Nagba-budget si mommy anak, kailangan ko kasing malaman kung ilan pa ang pera ni Mommy”paliwanag niya sa anak. Doon naman lumapit ang kambal niya sa kanila ng kapatid ng mga ito. “Mommy, wala na ba tayong money?”tanong ni King sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD